CMAP 52:

615 19 0
                                    

KURT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KURT

Everything is back to normal. It has been two days since that night. Umuwi na si Ara kahapon pa. She took a taxi dahil ayaw niya pa ring malaman ko kung saan mismo ang bahay niya dahil baka raw ibahay na niya talaga ako.

Everything's going smoothly right now. I am back to meeting business partners, signing papers, reading emails, answering important phone calls, and all. Ganoon din si Ara. Kahapon ay meron daw siyang shoot for a brand. We didn't really talk even on phones. I just texted her that I am going to be busy, and she replied she'll be busy too.

"Kurt, naiwan pala ni Ara ang gift ko sa kaniya because of what happened. May gagawin ka ba ngayong araw? Maybe you can give it to her?" Si Mom.

Nadaanan niya ako sa may kusina na nagkakape. I am also about to get going after this. May pupuntahan ako. It's not a business-related one dahil sa totoo lang ay kay Ara lang talaga ako pupunta. She said she's still going to continue the shoot. May ilang takes pa raw na hindi natapos.

"Okay, give it to me. Papunta ako sa kaniya today."

"Oh, really? Sabi niya nga pala ay magiging busy siya. That's understandable. Hindi siya nagpunta rito kagabi. Tell her to keep it slow. Makakasama sa kaniya ang sobrang pagod."

"She's always tired, Mom. Her job is tiring."

"Kaya nga. Sabihin mo slow down. Saka, don't you sneak on my gift."

"As if it's that special. Why is Kianna still asleep? Alas-diyes na, ah. Wala na siyang pasok?"

"She just finished her exams last night. Understandable na bumabawi siya ng tulog mula sa mga pagpupuyat niya," Mom said as she handed me the paper bag herself. "Sabihan n'yo agad ako kapag uuwi kayo rito mamaya o kahit bukas para malaman ko kung ano ang gusto ninyong kainin."

"You're spoiling Ara, Mom."

"Wala kang pakialam. Bilisan mo na. Sasabay na ako sa 'yo. Ipag-drive mo ako." Doon ko rin lang napagtantong nakabihis pala ito kagaya ng palagi niyang style kapag pumapasok sa trabaho niya. "Ara is getting your attention more. Baka in the future ay hindi mo na ako maipag-drive dahil sa sobrang busy mo."

"Kianna knows how to drive."

"Bilisan mo na lang, anak. Ayaw kong maipit sa traffic. I have a lunch meeting. May lunch date kayo ni Ara?'"

Umiling ako. Sumimsim sa kape at hinablot na rin ang paper bag na galing sa kaniya.

"We will have pero hindi niya pa alam. I'm going to surprise her."

Mom's smile widened at bago pa bumuka ang bibig niya para asarin ako ay naglakad na ako palayo. Kinuha ko lang ang susi at dumiretso na sa garahe. Mom opened the gate herself.

"Let's go. I only have an hour and a half." Si Mom nang makasakay na siya.

Napailing na lang ako. Ang kotse ko ang minamaneho ko ngayon. Tinatamad daw kasi siyang magmaneho kaya naman ako ang napagtripan.

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon