SIMULA

1.1K 69 40
                                    

𝗧𝗶𝘀𝗵𝗿𝗶𝗻 𝗤𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮 𝟮𝟯, 𝟳𝟳𝟭 𝗘.𝗖
(October base on Assyrian Calendar) 

There was once a myth of legend that foretold the hidden tale that was lost for hundreds of centuries. The world is divided into three realms namely the God Realm, the Immortal Realm, and the Mortal Realm. 

 Supreme beings with remarkable mastery of their cultivation ascended into Gods, while others who have mediocre abilities remained as immortals. Meanwhile, Gods and Immortals that fell from grace are thrown away in the Mortal Realm and reborn as a mere mortal to repent for their sins. 

 Unbeknownst to the Immortals and Mortals, only the Gods knew the truth of the three realms. This is to maintain the balance and avoid the fight for superiority between realms. 

 "This book doesn't make sense." Tumingala sa langit ang batang babae habang magkasalubong ang kilay. 

"So there are Gods out there?" Ngumiwi naman siya sabay iling. Ang mabasang mayroon pang ibang nilalang bukod sa kanila ay pawang kahibangan lang. 

"Ano ang iyong iwiniwika, Farah?" Napatingin naman ito sa katabi.

"Ang sabi kasi sa aklat Frinn na ang mundo raw ay nahahati sa tatlong realmo. Tinatawag itong realmo ng mga diyos, imortal, at mortal. Ang tanging nakakaalam lamang ng katotohanang mayroong tatlong realmo na bumubukod sa mundo ay ang mga diyos." Bumalata naman ang reaksyong tila ba nagagalak sa ikinuwento ang batang katabi niya. 

"Walang duda? Subalit maaari bang mangyari ang bagay na iyon?" Kaagad naman siyang umiling. 

Napatingin si Frinn sa isang lumang aklat na nakapatong sa kandungan ng kaibigan niya. Kung titingnan ay luma na ito at halatang gamit na gamit na. Dahan-dahan niya itong binuksan at bumungad kaagad sa kaniya ang mga letrang nakasulat sa gintong kulay. Bagaman napuno ito ng mga letra ay hindi niya naman ito maintindihan sa kadahilanang wala siyang kakayahan upang basahin ito. Mapait naman itong napangiti sabay tiklop ng aklat. 

"Nawa'y dumating ang araw na matutunan ko rin magbasa 'gaya mo. Sa estado ng aking pamumuhay sa imperyo na isa lamang anak ng kandalapak ay sapat na upang hindi ako mabigyan ng pagkakataon upang makapag-aral." Nakayuko nitong sambit habang pinaglalaruan ang mga talbos ng damo na kasalukuyan nilang kinauupuan. 

Kandalapak ang tawag sa mga kababaihang mababa ang lipad na walang ibang pagpipilian kun'di ang kumapit sa patalim upang mabuhay ang sarili.

"Idagdag mo pang isa lamang akong hamak na babae na hindi masyado binibigyan ng importansya sa imperyo. Hindi naman sa pagmamalabis subalit kahit nasa pinakamababang antas ako ng pamumuhay nabibilang ay nais ko rin sana matutong magbasa." Nakaramdam naman ng pagkahabag ang batang babaeng kaharap nito't kapagkuwan ay napayukom ng kamay. 

Sa imperyo, ang lahat ng mga importanteng posisyon ay para sa mga lalaki lamang. Ang mga babaeng kagaya niya ay nananatili lamang sa tirahan upang matuto ng gawaing bahay, magburda, magpaganda at pagsilbihan ang kanilang mapapangasawa. Kung ikaw naman ay babaeng mayroong marangal na dugo, saka ka lang magkakaroon ng prihibeleyong makapag-aral at matutong magbasa at magsulat. Maaari ka rin makapag-aral kung ikaw ay naninilbihans a palasyo.

Natatamasa nga nila ito pero naroon pa rin ang pangmamaliit ng kanilang kakayahan dahil lang sa kadahilang mga babae ito't likas na mas magaling ang mga kalalakihan sa pisikal na lakas, intilekwal at kahit na pagdating sa paggamit ng mahika. Masyadong mababa ang tingin nila sa abilidad ng mga kababaihan. 

Isang matamis na ngiti ang iginawad niya rito sabay hawak sa maypagkamarungis nitong kamay. "Huwag kang mag-alala, Frinn. Ako ang tagapagmana ng kontinenteng kinabibilangan mo, pinapangako kong sa oras na ako na ang mamumuno ay magkakaroon na ng pantay-pantay na karapatan ang mga tao." Dahil sa sinabi nito ay tila ba nagkaroon ng maliit na sindi ng pag-asa ang mga mata ni Frinn. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost Tale: God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon