“S-sir... Sa kwarto ko na lang ako nagpapahinga. Maglilinis muna rin kasi ako roʼn, nauutal pang sabi ko sa kaniya.
Sinubukan kong alisin ang kamay niyang nakayakap sa akin pero nang hindi naman iyon natinag ay hindi na rin ako umulit pang alisin ulit.
“Cut the Sir. Just call me by my name from now on,” seryosong sabi niya pa.
Naiilang ako, natatakot at kinakabahan. Hindi ko mawari kung alin ba ang nananaig na pakiramdam sa dibdib ko ngayon. Bago sa akin ang mga pangyayaring ito dahil hindi naman ganito si Sir sa akin nitong mga nakaraan.
Nagawa niya pa nga akong saktan physically dahil sa sobrang galit niya sa isang bagay na wala namang katotohanan. Masakit din ang mga sinabi niya sa akin noon. Tingin niya yata talaga sa akin ay isa akong malanding babae na nagpapagalaw sa kahit kanino. Sobrang baba ng tingin niya sa akin kung ganoʼn.
“Maglilinis na ako sa kwarto ko,” muling sabi ko.
Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya sa akin kaya kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para makaalis sa kandungan niya. Nanginginig ang mga kamay ko kaya itinago ko iyon sa likuran ko.
“Sabay tayong maglunch bago ka magpahinga,” blankong sabi niya sa akin at binalik na ang tingin sa computer.
Napalunok naman ako at tumango na lang kahit hindi niya naman nakikita. Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kaniya at basta na lang akong umalis sa kwarto niya.
Habol ko ang hininga ko nang makabalik ako sa kwarto ko. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Naghahalo-halo ang mga emosyon sa puso ko.
Ilang minuto lang ay nagsimula na akong maglinis. Walang magluluto ng lunch ni Sir dahil wala si Manang kaya ako na lang ang gagawa noʼn after kong maglinis. Hindi naman matagal linisin ang kwarto ko dahil maliit lang naman ito at walang masyadong kalat.
“S-Sir! Ako na ang magluluto ng pagkain mo,” sabi ko nang makita ko si Sir na nasa kusina.
Pagkatapos ko kasing maglinis ng kwarto ay lumabas ako agad para magluto ng pagkain ni Sir pero naabutan ko na siya na nandito sa kusina at mukhang nagbabalak nang magluto.
“Ako na. Maupo ka na lang doon at magpahinga,” sabi niya naman sa akin.
Ayaw kong mapagalitan pa kaya naman sumunod na lang ako. Naupo ako sa high chair na nasa gawi ng island counter. Pinanonood ko lang siya kahit na likod niya lang naman ang nakikita ko ngayon.
“Do you want spicy foods?” bigla ay tanong niya kaya naiiwas ko ang tingin ko.
“Yes, Sir.” Nahihiya ako sa kaniya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin.
“I said cut the Sir and call me by my name, Eli. Is that hard to do?” bakas ang inis niya.
Natakot ako bigla. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko na nagsisimula na namang manginig. Napayuko rin ako nang bahagya para maiwasan ang tingin niya.
Naging ganito palagi ang response ng katawan ko simula noong sinaktan niya ako. Pakiramdam ko kasi sasaktan niya na naman ako kapag sumisigaw siya o nagagalit sa akin.
“Hey...” Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. “Iʼm sorry...” mahinang sabi niya.
Hindi ko alam kung saan siya nagsosorry. Dahil ba sa ginawa niyang pananakit o dahil sa nangyari ngayon? Wala pa akong natanggap na sorry sa kaniya dahil sa ginawa niya nung nakaraan.
“Okay lang, T-tav... Uhm... Magluto ka na para makakain ka na,” nauutal na sabi ko.
Hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. Nanatili pa rin siyang nakahawak sa kamay ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko para makita kung anong ginagawa niya. Nagtama ang paningin naming dalawa. Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Money or Dignity (COMPLETED)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: October 26, 2022 Ended: December 11, 2022 Romaeli Santrival Maagang naulila sa ina at hindi naman niya nakilala ang kaniyang ama dahil bata pa lang sila ay iniwan na sila nito. Maagang sinubok ng tadhana p...