Masakit ang ulo at buong katawan ko nang magising ako. Nakatulugan ko pala ang pag-iyak kanina at ang paghihintay na bumalik si Tav. Napatingin ako sa katawan ko na puro latay pa rin. Ngayon ay may kita na iyon kumpara kanina na medyo mapula lang.
Bumangon ako at balak na lumabas na sana nang bigla namang bumukas ang pinto at niluwa noʼn si Tav. Blanko ang tingin niya sa akin, ilang segundo kaming nagkatitigan lang at isinara na niya ang pinto.
Niyakap ko ang sarili ko at nanginginig na naman ako sa takot na baka saktan niya na naman ako. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin pero hindi ako nagpatinag.
“Mamaya ka lumabas kapag tulog na sila Manang.” Hindi ako kumibo sa sinabi niya.
Nanatili akong nakayakap sa sarili ko. Hindi ko siya nililingon kahit na nasa tabi ko naman siya. Pigil ko ang paghikbi ko at ayaw kong gumawa ng ingay mula sa pag-iyak ko.
“Tell me, you want to stop our deal?” Hindi ko sigurado kung mahinahon nga ba ang boses niya o blanko lang talaga.
Hindi pa rin ako kumibo. Nakasubsob sa tuhod ko ang mukha ko. Basa na ng luha ko ang kumot na nakabalot sa akin ngayon. Wala akong pakielam kung kaniya ito at kung mabasa ko man ng luha ko.
“Sige, itigil na natin. Hahayaan ko na ang perang binigay ko sa ʼyo para sa buwang ito,” aniya pa.
Hindi pa rin ako kumibo. Naramdaman ko ang hawak niya sa braso ko at automatiko naman akong napaiwas sa takot na baka saktan niya ako.
“H-huwag mo akong h-hawakan...” nanginginig na sabi ko sa kaniya. Pilit kong inilalayo ang katawan ko sa kaniya.
Wala na akong narinig matapos kong sabihin iyon. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa niya at wala na akong pakielam. Gusto ko nang lumabas sa kwartong ito dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga rito.
Nakarinig kami ng pagkatok. Agad dumako sa pintong nakasara ang atensyon ko. Tumayo si Tav para lumapit doon.
“Sir, nandiyan ba si Roma? Tulog naman na ang mga tao rito, pwede na siyang lumabas at bumalik sa kwarto niya. Kanina pa siya wala,” rinig kong sabi ni Lena.
Nakita ko ang pagtango ni Tav dito at hindi na kumibo. Sinara niya ulit ang pinto at bumaling sa akin. Nakatitig lang siya sa akin pero pakiramdam ko ay iniisip niya nang huwag akong palabasin dito at saktan niya ako ulit.
“Bumalik ka na sa kwarto mo,” sabi niya na bahagyang ikinagulat ko.
Mabilis kong inalis ang kumot na nakatakip sa akin at umalis ako agad sa kama niya. Binuksan niya ang pinto para makalabas ako. Walang ni isang salita akong binitawan nang makaalis ako sa kwarto niya. Agad akong nagtatakbo papunta sa kwarto ko.
“Roma!” rinig kong tawag ni Lena sa akin nang isasara ko na sana ang pinto.
Mabilis siyang pumasok sa kwarto ko at siya na ang nagsara ng pinto at nilock pa iyon. Agad niya akong nilapitan at sinuri ang katawan ko.
“Roma! Hindi na tama ʼto! Anong ginawa niya sa ʼyo?” galit at nag-aalalang tanong niya sa akin.
“Okay lang ako,” sagot ko sa kaniya.
Inalalayan niya ako papunta sa kama at naupo kami roʼn. Hawak niya pa rin ang dalawang kamay ko. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil kapag ginawa ko iyon ay muli na naman akong maiiyak, ayaw ko nang umiyak na naman.
“Pinilit ka ba? Roma, rape na iyon kung pinilit ka nga niya. Sinaktan ka pa. Idemanda mo ang lalaking ʼyon. Wala akong pakielam kahit anak pa siya ng amo natin. Hindi na tama iyan!” galit na galit na sabi niya sa akin.
Sa pagkakataong iyon ay napatingin na ako sa kaniya. Sobra ang galit na nakikita ko ngayon sa kaniya. Gusto kong maiyak hindi dahil sa nangyari sa akin kundi dahil sa nakikita ko ngayon. Sobrang pag-aalala ni Lena sa akin kahit hindi niya ako ka-ano ano.
BINABASA MO ANG
Money or Dignity (COMPLETED)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: October 26, 2022 Ended: December 11, 2022 Romaeli Santrival Maagang naulila sa ina at hindi naman niya nakilala ang kaniyang ama dahil bata pa lang sila ay iniwan na sila nito. Maagang sinubok ng tadhana p...