Nang makaalis si Sir Oct ay sinubukan kong ipahinga ulit ang sarili ko. Pinikit ko ang mga mata ko para sana matulog ulit pero nakarinig na naman ako ng pagbukas ng pinto.
“Kumain ka muna bago matulog, Roma. Uminom ka rin ng gamot,” sabi ni Lanie sa akin.
“Salamat... Pasensya na rin sa abala,” nahihiyang sabi ko sa kaniya.
Nilapag niya ang dalang pagkain sa kama ko at naupo rin siya. Ngumiti siya sa akin.
“Ano ka ba, okay lang naman ʼyon. Sige na kumain ka na at uminom ng gamot pagkatapos,” sabi niya pa.
Kinuha ko ang pagkaing dala niya. Nakatingin lang siya sa akin habang sumusubo ako. Hindi ko tuloy malaman kung paano kakain nang maayos dahil naiilang ako sa tingin niya.
“Nakita kong galing dito si Sir Oct. Anong ginawa?” tanong niya. Kumabog ang dibdib ko dahil doon.
“Nagbigay ng gamot,” sagot ko naman at tinuon ang tingin sa pagkain.
“Type ka siguro ni Sir. Nakakapagtaka talaga ang treatment niya sa ʼyo, e.” Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at hinayaan si Lanie na magsabi ng mga isipin nito tungkol kay Sir Oct. Ayaw kong magbitaw ng kahit anong salita tungkol kay Sir Oct dahil baka magkaroon pa ng idea si Lanie.
“Maraming salamat,” sabi ko matapos kumain. Nakainom na rin ako ng gamot na binigay ni Sir Oct sa akin.
“Kapag may kailangan ka ay pindutin mo lang ito,” sabi niya at tinuro ang isang bell na nasa lamesa sa gilid ko.
“Saan galing ʼyan?” tanong ko at puno ng pagtataka.
“Kay Sir Oct. Ginagamit niya iyan minsan kapag wala kami sa paligid niya, kapag may kailangan siya ay pinapatunog niya lang iyan at agad namang pupunta ang isa sa amin o kung sino ang kailangan niyang utusan,” paliwanag niya pa.
Napatango na lang ako. Nagpaalam na siya sa akin na babalik na sa trabaho kaya nagpasalamat ulit ako sa kaniya.
Ipinikit ko na muli ang mga mata ko para makatulog at makapagpahinga. Sana lang ay bukas okay na ako. Nakakahiya masyado kila Manang kapag hindi pa ako nakakilos bukas.
“Hmmm...”
Dahan-dahan kong inangat ang braso ko para mag-inat. Napasarap ang tulog ko at hindi ko alam kung anong oras na.
“Mabuti naman at gising ka na,” rinig kong sabi ni Manang.
Mabilis akong napabangon dahil sa gulat. Natawa pa si Manang sa akin dahil sa inakto ko. May hawak siyang isang basong tubig at gamot.
“Nagugutom ka ba?” tanong niya na agad kong inilingan.
“Anong oras na po?” mahina at nahihiyang tanong ko sa kaniya.
“Malapit ng mag-ala sais, kung nagugutom ka na ay pwede namang ikuha kita ng pagkain,” sabi niya pa.
“Okay lang, Manang. Salamat po pero busog pa ako,” sagot ko. Kinuha ko ang dala niyang baso at gamot.
“Kapag gusto mo nang kumain ay mayroon namang pagkain sa kusina, kung kaya mo nang magpunta roon ay kumain ka na lang mamaya. Kung hindi mo pa kaya ay pindutin mo na lang ang bell na iyan para mapuntahan kita,” mahabang sabi niya pa.
Ininom ko na muna ang gamot. Kinuha ulit ni Manang sa akin ang baso at tipid na ngumiti sa akin.
“Salamat po, Manang. Ako na po ang bahala mamaya, nakakahiya na masyado sa inyo,” nahihiyang sabi ko pa rin.
“Ayos lang iyon, hija. Huwag ka nang mahihiya sa amin dahil matagal tayong magsasama rito, masanay ka na sa amin at huwag mong lagyan ng harang ang sarili mo sa amin,” seryosong sabi pa niya.
Tumango na lang ako at tipid na ngumiti. Wala na akong alam na pwedeng isagot kay Manang.
“Kapag nagutom ka ay kumain ka na lang mamaya, mauna na ako at aasikasuhin ko pa si Oct,” paalam niya na.
Nakatingin lang ako sa pinto nang makalabas na si Manang. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at sinandal ang sarili sa sandalang nasa likuran ko.
Tiningnan ko ang cellphone ko kung may text o tawag ba kay Ronron. Wala naman kahit isa kaya binalik ko na lang ulit iyon sa lamesa. Bored na bored ako at gusto kong lumabas dito sa kwarto. Sinubukan kong bumaba sa kama para sana maghalf bath na lang.
“Hindi ko alam na ganito kalala kapag unang beses,” mahinang sabi ko sa sarili ko.
Hindi tulad kanina, medyo humupa na ang sakit na nararamdaman ko sa ibabang parte ko. Siguro ay dahil sa gamot na pinainom ni Sir Oct sa akin kanina.
Kumuha ako ng damit pamalit ko at maging ang mga gagamitin ko para sa paghahalf bath. Pinilit kong ayusin ang lakad ko dahil lalabas ako ng kwarto at makikita ako nila Manang.
“Oh? Roma, okay ka na ba?” tanong agad ni Lena sa akin. Mabilis niya akong nilapitan at inalalayan.
“Oo, medyo okay na ang pakiramdam ko. Maghahalf bath lang ako dahil hindi ko na nagawang maligo kanina,” sagot ko sa kaniya.
Nakita ko si Sir Oct na nasa dining na at nakatutok sa laptop niya. Mukhang hindi pa siya tapos sa trabaho niya. Maghahapunan na rin yata siya dahil naghahanda na sila Manang sa hapag.
“Sabayan na ninyo akong kumain, Manang. Tatapusin ko lang ang mga ito,” rinig kong sabi ni Sir.
Nang makarating ako sa cr ay nagpasalamat ako kay Lena dahil sa pagtulong niya sa akin. Agad naman akong nagsara ng pinto nang makita kong nagawi sa akin ang tingin ni Sir Oct. Hindi ko sigurado kung sa akin nga ba siya nakatingin o hindi, pero sa pwesto niya ay makikita pa rin niya ang cr na ʼto.
Nagsimula na akong mag-alis ng mga suot ko. Ramdam ko ang hapdi sa ibabang parte ko nang bahagya ko iyong i-angat para alisin ang suot kong shorts. Papunta na sana ako sa shower nang tumunog ang phone ko.
From: Unknown
“This is Oct. Bilisan mo para makakain na tayo.”
Nangunot ang noo ko. Saan niya naman nakuha ang number ko?
Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at tinuloy na ang pagpunta sa shower. Hindi naman ako magtatagal dito dahil half bath lang naman ang gagawin ko. At saka busog pa ako, e. Kailangan ba talagang sabayan ko rin siya?
Parte ba ʼyon ng trabaho ko sa kaniya?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Money or Dignity (COMPLETED)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: October 26, 2022 Ended: December 11, 2022 Romaeli Santrival Maagang naulila sa ina at hindi naman niya nakilala ang kaniyang ama dahil bata pa lang sila ay iniwan na sila nito. Maagang sinubok ng tadhana p...