Hindi na kami nagpunta pa sa kwarto para mag-usap. Hinayaan ko lang na nasa salas kami. Alas sais na kaya naman nagpasaya na akong magluto ng hapunan namin.
“Sir, may gusto ba kayong kainin o inumin?” tanong ni Ronron dito.
Nandito rin si Tav sa kusina at sinundan ako kanina. Panonoorin niya raw akong magluto. Hinayaan ko na lang kaysa nakatanga lang din naman siya sa salas.
“Iʼm fine. Kayo, baka may gusto kayong kainin? Pwede naman tayong bumili,” aniya.
Mabilis na umiling si Ronron. “Huwag mo kaming alalahanin, Sir. Hihintayin na lang namin ang luto ni Ate,” sagot ni Ronron.
Silang dalawa rin ni Riva ay nandito sa kusina para kausapin si Tav. Hinahayaan ko lang sila dahil abala ako sa pagluluto ng ulam. Si Lola ay nasa kapitbahay na naman at nakikipagtsismisan.
“Masarap magluto si Ate, natikman mo na ba ang luto niya, Sir?” tanong naman ni bunso.
Hindi ko sila nakikita dahil nakatalikod ako sa kanila pero ang pandinig ko ay nakatuon sa kanila.
“Yes. Ilang beses na siyang nagluto sa bahay, tho nandoon naman si Manang para magluto sa amin. Minsan lang namang nagluto si Eli,” sagot ni Tav.
Narinig ko pa ang bahagyang pagbungisngis ni Riva. Gusto ko siyang balingan at samaan ng tingin pero hindi ko na lang ginawa at tinuon ko na lang sa pagluluto ang atensyon ko.
“Wala naman po ba kayong reklamo kay Ate?” tanong naman ni Ronron.
Inuusisa talaga nila si Tav ngayon. Sagot naman nang sagot si Tav sa mga tanong ng kapatid ko.
“Wala naman. Masipag ang Ate ninyo at sumusunod sa lahat ng utos. Wala akong mairereklamo sa kaniya,” sagot ni Tav.
Inilagay ko na ang manok nang matapos akong maggisa ng mga sangkap. Adobo ang ulam namin ngayon, adobong maanghang dahil iyon ang gusto ng mga kapatid ko.
“Sir, may girlfriend ka po ba o asawa?” tanong ni Riva. Talagang pati iyon ay inuusisa niya.
“Riva, tigilan mo ang pagtatanong ng mga personal na bagay,” saway ko na rito.
Hindi ko nakita kung anong reaksyon nila pero nasisiguro kong nakanguso na ngayon si Riva dahil napagsabihan ko siya.
“Wala akong girlfriend. Nanliligaw pa lang ako sa babaeng gusto ko,” sagot ni Tav.
Kumabog ang dibdib ko sa narinig ko. Alam kong ako ang babaeng iyon pero hindi ko pa rin maiwasan na magulat. Paano niya ako nagustuhan? Bakit ako? Sinaktan niya ako ng pisikal tapos sasabihin niyang gusto niya ako. Parang ang hirap paniwalaan.
“Si Ate ba ʼyan?” muling tanong ni Riva. Wala akong narinig na sagot mula kay Tav pero narinig ko ang bahagyang pagbungisngis ni Riva.
“Kailan mo siya nagustuhan? Saka paano mo nalaman na gusto mo na siya?” rinig ko namang tanong ni Ronron. Sumeryoso pa nga ang tono nito.
“Hindi ko alam kung kailan at paano. I just realize that I have feelings for her. Tho may nagawa akong bagay na hindi dapat gawin sa kaniya pero nagsisisi na ako at handa kong gawin lahat para mapatawad niya ako,” sagot ni Tav.
Bahagyang natigilan ako dahil doon. Pero agad din akong nakabawi at tinuloy ko na ang ginagawa ko. Tinakpan ko na muna ang kawali at hinayaang lumambot muna ang manok. Bumaling na ako sa kanilang tatlo at nagtama ang paningin namin ni Tav dahil doon.
Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kaniya. Nilabanan ko ang titig niyang hindi ko mapangalanan kung anong emosyon ang nakikita ko.
“I hurt her really bad. I really like her and Iʼm afraid of losing her. Nadadala ako ng selos kahit na wala naman akong karapatang magselos,” dagdag niya pa habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Money or Dignity (COMPLETED)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: October 26, 2022 Ended: December 11, 2022 Romaeli Santrival Maagang naulila sa ina at hindi naman niya nakilala ang kaniyang ama dahil bata pa lang sila ay iniwan na sila nito. Maagang sinubok ng tadhana p...