Di lang ikaw.

5 2 2
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Thankyou sa book cover!
Sunshineslabxxx

Di lang ikaw

I have a boyfriend, his name Jake, Sampung taon na kaming maglive in partner at masaya ang mga una naming taon, walang problema.

"Sa tingin mo ano ang gender ng baby natin?" Tanong ni Jake sakin.

"Hmmmm, lalaki? Kasi umiitim ang leeg ko at yung kili-kili ko." Sabi ko, yon raw ang basehan e, sabi ng lola ko.

Heto ang first baby namin at sobrang masaya ako dahil magiging isa na kaming pamilya. Matagal na naming plano ito ang magkaroon ng baby.

Nagtatrabaho parin ako kasi apat na buwan palang ang tiyan ko e, kaya ko pa.

"Kung tumigil ka na muna kaya sa trabaho..."Suggestion niya sa'kin. Pero dahil mapilit ako ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto ko. Ayoko kasi ng walang ginagawa,e.

"Nadine!" Tawag sakin ng manager ko sa cafe. Sa cafe ako nagwowork taga gawa ng order at taga abot sa kanila.

Kaya ang lagi kong ginagawa ay lakad dito, lakad doon. Hindi alam ng manager ko na buntis ako, ayoko sabihin dahil patitigilin niya ako sa trabaho panigurado. Hindi naman halata sa tiyan ko na maglilimang buwan na ito. Maliit lang kasi ang aking pagbubuntis.

"May ipapadeliver ako sayo, absent kasi yung delivery girl natin,e." Utos niya sa akin. Tinanggap ko ang address at yung foods na ihahatid.

*********

Malapit na ako sa address na ibinigay sa'kin. Naghihintay na lang ako sa pagtigil ng mga sasakyan. Sa kabilang tawiran pa kasi yon.

Isang hakbang ko palang ay bigla nasagasaan ako kaya nagpagulong-gulong ako sa kalsada.

"Hala, yung babae."

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

Hindi ko maigalaw ang katawan ko, nahihilo ako. Pero pinipigilan ko ang pagpikit ng aking mata.

Ang baby ko!

After 10mns ata may dumating na ambulance at isinakay ako sa stretcher.

Simula nung aksidente ay marami ng nagbago sa pagitan namin ni Jake. That accident killed my baby. At ako ang sinisisi niya sa nangyare...kahit hindi niya sabihin ay ramdam ko.

Lumalayo na siya sa akin, Pansin na pansin ko ang mga pagbabago sa kanya. Kung dati ay maaga siya umuuwi galing sa trabaho. Ngayon ay umuuwi siya ng gabi na lasing.

Nasasaktan ako para sa kanya, napabayaan ko ang baby namin. Pero bakit pinararamdam niya sa'kin na wala akong kwenta!

Nakahiga ako sa kama at naramdaman ko ang kanyang paghiga. Kung dati ay magkayakap kami kapag natutulog ngayon ay magkatalikuran na. Naiiyak ako dahil sa nangyari sa aming dalawa. Dahil sa naging pabaya ako, lumabo ang aming relasyon.
Impit akong umiiyak dahil baka mahalata niyang nasasaktan ako.

Dalawang buwan na kaming ganito, magkasama nga kami sa iisang bubong pero walang pansinan sa isa't-isa. Malamig ang pakikitungo niya sa'kin.

Hanggang sa dumating na ako, sa puntong sumuko na. Ayoko na mahirapan pa kami kaya ginawa ko ang isang desisyon.

"Itigil na natin 'to!" Sinabi ko sa kanya habang nasa hapag kainan kami.

Wala parin siyang imik kaya nagsalita uli ako.

"Bigyan muna natin ng espasyo ang ating mga puso o palayain nalang ang isat-isa...na sa palagay ko ay gusto mo rin...pinapalaya na kita." Pinipigilan ko ang pagpatak ng luha ko. Ramdam ko ang pamumuo nito kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Sobrang bigat sa dibdib na gawin ang bagay na ikamamatay ko. Nasanay na ako na nandyan siya. Sa loob ng sampung taon na kasama ko siya hindi ganun kadali ang palayain siya.

Humarap uli ako sa kanya ng may matapang na emosyon."Sorry, hindi ko natupad yung pangako ko na hindi ka pakakawalan kahit na anong mangyari. Pero, sinasabi ng puso ko na kailangan na kitang pakawalan lalo na't ramdam ko na wala ka nang gana sa relasyong ito." Sobrang saket na sabihin ang mga yan.

Nakita ko ang pagluha at pagngiti niya.
Tumayo siya at nilapitan ako para yakapin.

"No, hindi ako papayag!" Kontra niya sa mga sinabi ko.

"Pero ramdam ko na...wala ng patutunguhan itong relasyon natin! Araw-araw nakikita kitang ganyan!" Sagot ko.

Di lang naman siya ang nahihirapan, e, di lang siya ang nahirapan nung mawala ang baby namin. Ako rin naman nahirapan at sobra ang pagsisisi ko sa sarili

"Akala mo ba madali ito para sa'kin?"Huminto ako saglit bago nagsalita. "Nasasaktan ako! Sa pag-iwas mo sa akin parati!" Umiiyak na sabi ko.

"Pakshet naman Mahal! Di lang ikaw ang nahihirapan at nasasaktan dito! Hindi kita kinakausap dahil alam ko kailangan mo ng space, mahirap din para sa akin na iwasan ka..." Nakatingin siya sa mga mata ko, kapwa nangungusap ito.

Ramdam ko ang pagod naming dalawa. Sa relasyon dati ay nag-aalab na ngayo'y nagmistulang sinlamig na ng yelo.

"Di ko na alam, gulong-gulo na ako...gusto ko na lang palayain ka."

"Yan ba talaga ang gusto mo? Okay fine! Maghiwalay na lang tayo kung diyan ka mas sasaya." Iniwan niya ako mag-isa hindi na siya bumalik pa.

Tama siya di lang ako ang nahihirapan at nasasaktan sa lahat pero wala e apektado ang isip ko.

[ After 6 years ]

Its good to be back! Nandito ako sa coffee shop. Simula ng maghiwalay kami ni Jake, ay naging malaya na rin ang puso naming magmahal ng iba.

Nagbalik ako dahil nabalitaan ko ikakasal na si Jake, at magkakababy na sila ng pinsan ko. Oo, nagkapalagayan sila ng loob. Sa anim na taong wala ako rito sa pilipinas ay nagpakasaya ako sa Japan. Nagtrabaho ako don as promodicer sa isang mall.

Siguro ay nakatakda talagang magkahiwalay kami para maayos namin ang buhay ng isat-isa.

Ngayong maayos na wala ng bigat sa dibdib ko. A-attend ako sa kasal nila dahil may invitation card ako galing sa pinsan ko.

Hindi man kami ang nagkatuluyan ay may aral naman akong natutunan. Sa sampung taon na relasyon namin ay naging masaya ako.

"Ate Nadine, masaya ako dahil nandito ka sa pinaka importanteng araw ko." Bungad sa akin ni Michelle ang pinsan ko na magiging soon to be Morales.

"Congratulations!" Pagbati ko sa kanya.

Nakita ko uli si Jake sa loob ng anim na taon, ang laki ng pinagbago niya mas lalo siyang gumawapo.

Nilapitan ko siya at niyakap, nakita ko ang pagkabigla niya.

"Congratulations! Natupad mo na yung matagal mong pangarap." Masaya ako para sa kanilang dalawa. Kumalas ako sa pagkakayakap.

Nakita ko ang pagngiti niya yung totoong saya. Masaya na ako at buo na kami sa piling ng iba.

Pinalaya ko siya dahil ginawa ko ang tama.

Pero mali pala na nagdesisyon ako ng mag-isa, dapat kasama siya sa mga desisyon ko noon.

Nakatanaw lang ako sa malayo habang ikinakasal siya sa piling ng pinsan ko. Ngumiti ako, sapat na sa akin na makita siyang masaya hindi man sa piling ko, pero sa piling ng pinsan ko.

*******

Still remember

Still remember the time spent with you,
When everything seem to be new,
But, you chose the other way in love,
Now I am left with shove,
But, will remember you with a heavy heart,
Coz now it's forever apart,
Yes its love lost between us!

- The End -

Di lang ikawWhere stories live. Discover now