Knowing The Characters

36 1 2
                                    

Jayden's PoV

Ako si Jayden Fontanilla, isang lalaki na may simpleng buhay. Isa akong tao na nasaktan na dati at ngayon ay naghahanap ng gagamot ng mga sugat sa puso ko. Ako yung tipo ng lalaki na masiyahin at marunong makisama, pero simula ng nasaktan ako ng dahil sa isang babae nag-bago daw ako, naging malungkutin at di masyadong kumakausap ng tao imbis sa barkada ko at sa ibang mga kaibigan ko. Lahat ng babaeng nagkakagusto sakin ay sinusuri ko, inaalam ko kung sila n yung pinadala ni Lord para gumamot ng puso ko pero di ko pa natatagpuan sa tingin ko di ko pa natatagpuan sa kanila. Naging maloko ako mula ng iwan ako ni Heidee.

"Oyy, ang lalim ng iniisip natin dyan ah, iniisip mo na naman ba si Heidee?" Pabirong sinabi ni Stephen

"Hayy, Sino ba naman kasing maiiwasan isipin siya eh kakaalis niya lang. Para kasing iniwan niya na ako sa ere"

"Andrama mo naman tol!!" sabi nya sabay tawa

"Anong madrama dun? Eh totoo naman eh"

"Eh kung sundan mo n siya dun sa Taiwan ng hindi ka nalulungkot"

"Parang magagawa ko naman yun" sinabi ko sa kanya sabay tayo para puntahan sila Nathan

"Oy!, San ka pupunta?" sabi ni Stephen

"Doon" Sabay turo ko kung nasaan sila Nathan "Tara kesa tayong dalawa lang ang nag-uusap dito"

Tumayo na si Stephen at pumunta kami kung nasaan yung iba naming kabarkada. Lunch ngayon kaya kanya-kanya kaming tambay, naisipan kong mag-isip-isip kaya humiwalay ako kanina, at eto namang si Stephen ginulo yung moment ko.

Stephen's PoV

Ako si Stephen Istevan, isa ako sa mga kabarkada ni Jayden. Simpleng lalaki lang ako, saka syempre stick to one, two years na din kasi kami ng girlfriend ko kaya nagpapakabait ako. Masiyahin akong tao at ako din ung tipo ng tao na friendly pero maloko, pero kahit maloko ako... mabait ako. 

Nakita ko kasing nag-iisa si Jayden kanina kaya sinamahan ko siya, iniwan kasi siya ni Heidee kaya un lagi siyang malungkot. Mabuti na nga lang at naisipan nun na puntahan na namin yung iba naming kaibigan eh, mas gusto ko yun kesa nagmumukmok siya ng mag-isa.

At nung nakarating na kami sa pwesto ng aming mga kabarkada, "Naks, natapos na ang pag-dadrama mo Jayden!" sabi ni Oscar sabay tawa namang silang lahat.

"Saan tayo gala mamaya?, para sumaya-saya namang tong' si Jayden oh" sabi ko sa kanila at napaisip naman sila

"Uwi ako maaga, may gagawin pa ako" sabi ni Nathan

"Ako din, kailangan ko ehh" sabi naman ni Oscar

"Hayy, last day n nga eh, mag-babakasyon n oh tapos ngayon p kayo magpapaka-KJ" sabi ni Ethan

Mabuti may kumampi sakin, kaya eto nagsipayag sila. At di pa namin napag-uusapan kung saan kami pupunta kasi nag-ring n yung bell, ibig-sabihin tapos na yung lunch.

Nathan's PoV

Ako si Nathan Alcarez isang simple at tahimik na lalaki. Dini-discribe ako ng ibang tao bilang tahimik o parang patay n bata, pero minsan sobrang gulo o kaya maingay. Mahalaga sakin ang mga kaibigan ko lalo na ang mga kabarkada ko. Sabi nung iba lagi daw ako seryoso, matured mag-isip, laging tulala at parang laging malalim ang iniisip... which is totoo, madalas akong ganon pag bored ako. Pero sa kabila ng mga katangian kong yun masiyahin akong tao pero di ko lang laging ipinapakita at sa kabila ng pagiging masiyahin ko ang pagiging malihim kong tao.

At ng natapos ang klase sabay-sabay na kaming lumabas ng school. Dumeretso kami kaagad sa mall para tumambay.

"Hayy, bat' pa tayo pumunta dito kung tatambay lang naman din tayo" sabi ni Ethan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spades and HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon