Chapter 5

1.4K 53 1
                                    

Halos isang linggo ko din pinag-isipan ang desisyon na ito. Nagrereseach ako tungkol sa IVF ng madagdagan yong kaalaman ko.

Ngayon ay dumating na iyong araw na makikipagkita ako kay Doc Lallaina.

Nagtungo ako sa kanyang opisina.

Kinakabahan ako.

" Nakakapagdesisyon ka na ba?"

Tahimik lang ako tumango.

" Look, Paige... I-Im so sorry that... you have to go through this,"

Buo na ang desisyon ko, wala na itong atrasan pa. Ang diyos na ang bahala sa akin. Sana ay gabayan niya ako.

" Itutuloy ko ito," Matapang na sabi ko.

" Paige?" she's surprise.

Napabuntong hininga ako ng malalim.

" Hindi kaya ng konsensya ko ang pumatay ng isang baby, wala siyang kasalanan sa pagkakamali ng iba," Maiyak iyak kong sabi.

" Paano ka? Masisira iyong pag-aaral mo,"

" Alam ko, hindi ito maging madali para sa akin lalo na kapag nalaman ito ng pamilya ko, kung itatakwil nila ako at kung magagalit sila sa akin o mawala man sa akin ang lahat, hindi iyon ang rason para saktan ko iyong baby sa loob ng tiyan ko dahil naniniwala ako na lahat na ito may rason ang diyos,"

" Napakabuti mong tao, Paige."

" Dahil alam ko naman na sa gagawin kong ito may isang pamilya ako mabubuo,"

" Actually... She's here,"

" Huh?"

" And, she will be here any minute. Nung sinabi ko sa kanya ang nangyari she actually wanted to find you,"

Naiintindihan ko naman kung bakit hinahanap niya ako, kahit sino naman siguro, hahanapin iyong magiging anak niya at mag-aalala dahil hindi naman niya kilala ang tao nagdadala sa anak niya.

Kinakabahan naman ako bigla na makikilala ko na iyong ina nitong batang dinadala ko. Curious lang ako kung anong klase siyang tao.

* Door Open *

" Andria..." Sabi ni Doc Lallaina.

My heart is pounding so fast.

She's here!

Pagkalingon ko sa likod ay nakita ko ang isang napakagandang babae. Mahaba at tuwid ang kanyang buhok, medyo singkit at bilogan ang mga mata nito. Napakasopistikada nitong tingnan sa suot. Doon palang malalaman mo na agad kung ano ang uri ng pamumuhay na meron siya. Hindi ko lang inaasahan na bata pa pala ito. Mas matanda lang siguro ito sa akin ng konti.

She's a young rich lady.

And she really look so familiar. Hindi ko lang talaga alam kung saan ko siya nakita.

" Ngayon na nagkaharap na kayong dalawa. Meet Paige Salvador, and this is the biological mother my close friend Alexandria Henry," Dr. Lallaina introduced us.

Nalaglag iyong panga ko ng makilala ko ito. Si Alexandria Henry ang pinakabatang bilyonaryo sa Pilipinas.

Hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan ngayon dahil hindi naman pala ito isang ordinaryong mamamayang Pilipino.

And she looks so intimidating. She looks like she doesn't know how to smile.

Nagdadalawang isip ako makipagkamay pero inabot ko pa din sa kanya ang kamay ko pero hinayaan lang niya ang kamay ko sa ere.

Ngumiti na lang ako ng pilit at binawi ko na lang iyong kamay ko. Klaro naman sa akin na ayaw niya.

Napahiya tuloy ako konti.

Extraordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon