Chapter 31

3.1K 71 44
                                    

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay mula sa labas. Bumangon ako para tingnan kung ano iyon.

" Anak... ang kyut kyut naman itong apo ko." Nanlaki ang mga mata ko ng karga-karga ngayon ni mama si baby Letitia.

Nagulat ako makita si Andria nakaprima nakaupo lang.

" Good morning," Bati niya sa akin.

" I was about to text you," I sat beside her.

" I miss you," Halos pabulong lang niya iyon sinabi sabay kindat sa akin.

Ang aga magpakilig nito.

" Apo ko..." Aliw na aliw talaga si Mama kay Letitia.

" Apo? Hindi mo naman iyan totoong apo," Basag trip ni Papa kay Mama.

" Ano ka ba!? May hawig nga kay Paige din oh! Kahit anong sabihin mo nanggaling pa din siya sa tiyan ni Paige. Dala-dala niya ito sa loob ng siyam na buwan kaya apo ko ito!"

Napapangiti naman kaming dalawa ni Andria.

" Ano nga pala pangalan ng napaka cute na baby na ito?"

" Hmm, her name  is Letitia Iris Salvador Henry." wika ni Andria.

Nagkatinginan iyong mga magulang ko ng marinig nila iyong apelyido namin.

" Salvador? A-Apelyido namin?" Pagklaro ni Papa.

" Yes, I decided to put Paige's family name because Paige will be forever part of Letitia's life."

" Oh! Tingnan mona, Paano mo masasabi na hindi natin apo ito? Pati apelyido natin dala-dala niya,"

Hindi na lang umimik si Papa. Alam niya kasi hindi siya mananalo kay Mama.

" Naku anak, kailangan ka pa pala itong anak mo. Dumidede ito saiyo diba?"

" Opo ma, mix naman si Letitia pero sa akin talaga yan palagi." Sagot ko.

" Letitia is very close to Paige. I'm busy working at siya lang yung nag-aalaga kay baby. She's a very hands-on mom to Letitia."

" Pero ngayon, sinong nagbabantay dito?"

" The nanny. I can't take care of her every second because I have work everyday," Andria explained.

" Kawawa naman pala itong apo ko. Paige anak, dapat ikaw iyong nag-aalaga sa anak mo. Hindi iyong inaasa niyo lang sa katulong at mas maganda pa din ang gatas ng ina hindi iyong powder milk pinadede,"

" Ma, paano ko ho naman gagawin iyon kung andito ako sa bahay natin?"

" Oo nga pala, oh edi doon ka na lang mona sa bahay ni Miss Andria tas dalawin mo na lang kami palagi."

" Ano? Papayagan mo ang anak natin?" Singit ni Papa.

" Ano naman masama doon? Alam niyo kayong mga lalaki hindi niyo alam kung gaano kahirap sa amin mga nanay ang mawalay sa mga anak namin," Sermon ni Mama kay Papa.

" Ah, basta! Hindi ako papayag. Nilalayo ko lang sa kung ano sasabihin ng ibang tao sa ating anak,"

" I understand Mr. Salvador,"

" Miss Andria, dalhin mo lang si Letitia kapag dadalaw ka sa bahay. Mamimiss ko itong apo ko eh,"

" Of course, you could also visit Letitia in the house. Malapit lang naman kami dito kaya madali lang ninyo mabisita siya."

" Salamat, Miss Andria."

" Wala ka bang trabaho?" Takang tanong ko sa kanya. Siya kaya iyong tipong tao na napaka workaholic.

Extraordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon