Chapter 13

1.3K 55 2
                                    

Nasa living room ako kasama ko si Jam nanonood ng TV. Habang si ante nagluluto ng fries.

" Nga pala, gusto niyo ba sumama ni Andria sa amin. May Filipino gathering mamaya dito sa Boston. Masaya iyon!"

" May lakad po ata si Andria mamaya,"

" Oh, ikaw na lang sumama sa amin."

" Gustohin ko man po di ako papayagan ni Andria kasi gabi na po iyan eh. Ayaw na ayaw niya iyong nagpupuyat ako,"

" Sabagay, masama din sa buntis iyon nagpupuyat. Asan na ba iyong asawa mo?"

" Nasa kwarto po, may ginagawa lang trabaho."

" Nga pala, paano nga ulit kayo nagkakilala? Paano ka niya niligawan? Sweet ba siya?"

" P-Po?" Ano bang kwento pwede ko sabihin kay ante Myrna. Ang hirap naman kasi magsinungaling lalo na hindi naman ako sanay magsinungaling.

Naghihintay naman ito sa kwento ko.

" Ahm... Nagkakilala kami ni Andria dahil kay Dr. Lallaina na kaibigan niya. Sa umpisa ay hindi ko siya gusto kasi maldita siya." Natawa ako ng isipin iyong unang pagkikita namin. I hate her so much! " Iyong akala ko wala siyang paki alam pero she's really into details. She does care but she doesn't want everyone to see it,"

" Eh, dahil strong kasi iyong personality niya."

" Opo,"

" Bakit ka naman na in love sa kanya? "

" Hmm," Let me think a little bit. " I think... her act of service. Kung paano niya ako alagaan,"

" Napansin nga namin, sumusunod talaga siya saiyo. Tinamaan talaga ang batang iyon saiyo,"

" Po?"

" Eto lang naman iyong napansin ko sa kanya, sa klase ng personality na meron siya, tipong hindi mo madidiktahan."

" She knows... She's the boss," sabi ko.

" True! And... when she's the boss of everyone, she knows... you are the real boss. Doon mo malalaman na mahal na mahal ka ng isang tao,"

Hindi na lang ako kumontra pa kahit na mali-mali naman iyong napapansin ni Ante Myrna sa amin ni Andria.

" Tama iyan! Dapat maging under sa atin ang mga asawa natin. Oh siya mamaya, aalis na kami. Ikaw na lang bahala magsabi kay Andria."

Tumango lang ako.


Kinagabihan ay nagprepare na si Andria para sa isang meeting pupuntahan niya.

" Baka gagabihin ako ng uwi ngayon. Don't worry, andiyan naman sila ante. May makakasama ka pa din sa bahay habang wala ako," sabi sa akin ni Andria.

Naku! Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya.

" They are not here."

" What do you mean, they are not here?" Kunot noong tanong nito.

" Nakalimutan kong sabihin saiyo na may Filipino gathering sila pinuntahan ngayon,"

" Without telling me?"

" They told me,"

" So, mag-isa ka dito sa bahay?" she concerned. " I can't leave the house knowing nag-iisa ka dito."

Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti.

" But you have an important meeting to attend to,"

Napabuntong hininga na lang ito. Kitang-kitang ko sa mukha niya na ayaw niya talaga akong iwan mag-isa sa bahay.

Extraordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon