Lumabas ako sa kwarto kung saan tapos na ako magbihis at magmake-up. I try to video call ante Myrna bigla ko kasi namiss si baby dahil siya ang nagbabantay kay Letitia habang wala kami ni Andria sa condo. Wedding day kasi nina Jazmine at Mia ngayon, hindi pwedeng wala kami ni Andria sa pinakaimportanteng araw nila.
Hindi nito sinagot ang tawag.
" Ah!"
Nagulat ako ng may biglang humablot sa braso ko at dinala ako sa tagong lugar.
She pinned me on the wall.
" Andria?"
Why did she have to dragged me from here? Pwede naman kasi niya ako kausapin ng maayos.
" You scared me!"
Hindi ito sumagot kundi nakatitig lang ito sa mga labi ko.
I feel the tension between us.
She looks so thirsty by just looking at my lips.
" Andria..."
We both gaze at each other lovingly.
She held my chin then I closed my eyes when she kiss me.
Nang marinig namin ang yapak na mga paa ay agad lumayo si Andria sa akin at nang makalampas na iyong ibang guests sa gawi namin.
" See you around," she winks at me.
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim na ng maiwan ako mag-isa.
Nasa isang kwarto ako kasama si Mia na magiging Misis Madrigal na mamaya. As her Maid of honor I will help the Bride get ready, make sure she eats and drinks and takes charge in any moments that need a soothing hand. Ito iyong unang pagkakataon na naging maid of honor ako kaya kahit hindi ko naman ito kasal medyo kinakabahan pa din ako ng konti.
" You are sooo beautiful, Mia. Lalo maiin love si Jazmine saiyo kapag nakita ka,"
" Talaga? Alam mo ba... Hindi ko akalain na aabot kami sa kasalan ni Jazmine. Ang dami namin pinagdaanan dalawa, pero ngayon na andito iyong mga pinaka-importanteng tao sa buhay namin ay wala na akong iba pang mahihiling," Naiiyak ito ng mag kwento kaya dali-dali ako kumuha ng tissue.
" Naku... Wag ka mona umiyak ngayon masisira iyong make up mo, mamaya ka na lang umiyak ha," Pabirong sabi ko sa kanya kasi malapit na magsimula iyong wedding ceremony.
Nagtawanan kami pareho.
" You deserve to be happy, talagang para kayo sa isa't-isa ni Jazmine,"
She hold my both hands.
" Sana kayo din ni Andria,"
Hindi ko alam paano napunta sa usapan namin si Andria pero ang isipin iyong sinabi niya na sana kami din ni Andria magpakasal ay ngayon ko lang din talaga naisip iyon. Never kasi sumagi sa isip ko na balang araw ay magpapakasal kaming dalawa lalo na wala namang kami.
Ngumiti na lang ako sa kanya.
" What's that smile?"
" There's nothing going on between us," Pag-amin ko.
" Really!? Pero kung kumilos kayong dalawa parang kayo pero di naman kayo?" she's confused just as I am.
" Yeah, right."
" Do you have feelings for her?"
" Huh? Amh..."
Do I have feelings for Andria?
Nagsimula na ang wedding ceremony habang naglalakad ako sa aisle nahagip ng mata ko si Andria kung saan mariin nakatitig siya sa akin. Iyong tingin niya na parang wala itong ibang nakikita kundi ako lang.
BINABASA MO ANG
Extraordinary Love
RomanceAndria is a famous bachelorette in the country. When her family pressured her to have a successor, she immediately decided to freeze her eggs to a trusted friend who is a doctor. This trusted friend wrongly implanted the fertilised egg and successfu...