Nalaman ng mga kaibigan ko sina Anne at Maya na nakauwi na ako ng Pilipinas. Hindi ko kasi sinabi sa kanila nalaman lang nila sa picture na pinost ng kapatid ko kaya nag chat sila sa akin na kumain daw kami sa labas. Pumayag na ako makipagkita sa kanila.
Pagkadating ko doon sa restaurant ay naghihintay na pala sila sa akin.
" Oh my gash! Paige... We miss you!" Agad nila ako niyakap dalawa.
" Ako din miss ko rin kayo," Natutuwa ako na makita sila muli.
Hindi naman nawala iyong komunikasyon namin tatlo kahit na higit isang taon din ako wala sa Pilipinas.
" Naku, lalo ka gumanda." Puri sa akin ni Maya.
" Oo nga, halatang masaya ka sa Boston."
" Oo, I have great memories in Boston."
" May balak ka bang bumalik ulit sa Boston? O for good ka na dito sa Pilipinas?"
" Hindi ko pa alam, Anne. Kailangan pa kasi ako dito ng pamilya ko."
" Kamusta na pala si tito?"
" Hmm, sa awa ng Diyos ay okay na siya."
" Akala nga namin hindi ka umuwi kung hindi pa namin nakita iyong post ng kapatid mo, baka di namin malalaman ma nakauwi ka na pala ng Pilipinas." Pagtatampo ni Anne.
" Pasensya na kayo, hindi ko agad sinabi. Medyo naging busy lang talaga ako sa hospital."
Sakto naman dumating na iyong inorder namin pagkain.
" Oyy, Oo nga pala... Alam niyo naman na hindi ito sekreto na ikakasal na ako sa susunod na linggo." Kinikilig sabi ni Maya sa amin.
" Congrats saiyo," Bati ko dito. Masaya ako for her.
" Thank you, masaya din ako na andito ka Paige. Alam niyo na kayo ang bestfriends ko diba, kaya gusto ko kayong kunin bridesmaids,"
" Yeah, sure!" Sabi agad ni Anne.
Hindi naman ako makasagot.
" Paige, may problema ba? May gagawin ka ba ng araw na iyon?"
" Amh, k-kasi..."
" Paige, minsan nga lang tayo nagkakasama tapos may gagawin ka pa. Saka araw iyon ng kasal ko gusto ko na andoon kayo lalo ka na matagal ka wala sa Pilipinas at baka babalik ka din sa Boston o edi matagal na naman tayo hindi magkikita? Paige, ibigay mona sa akin iyong araw mo sa kasal ko. Isang beses lang ako ikakasal." Paki-usap nito sa akin."
" O-Oo," Napipilitan na lang ako tumango kasi ayoko naman ito tuluyang magtampo sa akin.
" Thank you, Paige!"
" Nga pala, may nobyo ka na ba ngayon Paige?"
Halos nabulunan naman ako sa tanong iyon ni Anne.
" Wala ka naman pinopost sa social media."
" Ano ka ba, may mga posts siya sa instagram niya. Tungkol kay BB?" Singit ni Maya.
" Ayy, Oo nga. Sino ba ito si BB? Jowa mo ba ito? Lagi ko nakikita iyong caption mo na yan na with BB. Nahihiwagaan tuloy kami kung sino itong si BB,"
" Foreigner ba siya?"
" Gwapo ba siya?"
Sunod-sunod ang kanilang mga tanong sa akin. Hindi ko na alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang tungkol kay BB. Iyon kasi ang tawag ko kay Andria kapag nag caption ako sa instagram.
" H-hindi ko jowa si BB,"
Hindi naman talaga kami magjowa ni Andria.
" Hindi mo jowa si BB mo. Ano mo siya?"
BINABASA MO ANG
Extraordinary Love
RomanceAndria is a famous bachelorette in the country. When her family pressured her to have a successor, she immediately decided to freeze her eggs to a trusted friend who is a doctor. This trusted friend wrongly implanted the fertilised egg and successfu...