Nakauwi na din ako sa Pilipinas sa higit isang taon na nasa Boston ako. Ang mainit na panahon ang unang sumalubong sa akin lalo na nasanay ako na malamig ang panahon.
Nagtaxi lang ako pauwi.
Hindi na ako nag-abala pa na magpasundo at yong kapatid ko lang ang nadatnan ko sa bahay.
" Ate..." Niyakap ako ng kapatid ko na agad naman kinuha ang maletang dala ko para ipasok sa kwarto.
Ang napansin ko ay renovated ata ang bahay namin kaya gumanda.
Pagpasok ko naman sa kwarto ko, parang kahapon lang na nag-eempake ako dito kung ano naiwan ko dito noong umalis ako ay ganoon pa din ay hindi nagbago.
" Ate... pupunta nga pala ako sa hospital ngayon para ihatid itong pagkain kay mama, sasama ka ba sa akin o magpapahinga ka mona?"
" Sasama ako saiyo sa hospital. Saang hospital nga si Papa naka confined?"
" Sa Go Medical Hospital,"
Natigilan naman ako ng marinig ko iyon dahil pagmamay-ari nga ni Dr. Lallaina ang GMH.
" A-Akala ko nasa public hospital si Papa?"
" Oo, pero kahapon lang ay nilipat din siya kasi kulang nga iyong mga kagamitan. Nirekomenda na si Papa sa doctor na magtitingin sa kanya," Kwento sa akin ng kapatid ko.
Nasa harap ako ng hospital na pagmamay-ari ni Doc Lallaina kung saan naka confined iyong ama ko. Hindi malabo na magkikita kami ni Lalliana.
Pagpasok ko sa loob ay bumalik sa alaala ko iyong unang pagkikita namin ni Andria at kumirot ang puso ko isipin siya.
" Ate?" Pukaw sa akin ng kapatid ko.
" Huh?" Masyado occupied iyong utak ko kay Andria at Letitia. " Ahm... tara na,"
Nagtungo na kami kung nasaan si mama.
" Anak!" Niyakap niya ako ng makita ako.
Hindi ko akalain na ang muling pagkikita namin ay pa dito sa hopsital kaya mas nakakalungkot isipin iyon.
" Kailan ka pa dumating?"
" Kanila lang po, S-Si Papa nga pala?"
Napatingin ako kung saan nakatingin si mama.
Naiiyak naman ako makita ito.
Hindi kasi pwede pumasok sa loob ng ICU kaya ang transparent wall na ito lang maaari namin siyang makita.
" Matagal na pala siya may iniindang sakit, hindi lang niya sinasabi sa atin. Siguro kasi ayaw niya mag-aalala tayo," Inaalo ko si Mama dahil umiiyak na naman ito.
" Ano po ba ang sabi ng doctor?"
" Mamaya pa yong ang resulta ng doctor. Pasensya ka na anak ha, kinakailangan mo pa umuwi."
" Uuwi na din naman po ako dito, napaaga nga lang."
" Paging Mrs. Salvador proceeds to Dr. Go's office, thank you." Narinig namin ang sabi sa intercom.
" Anak, samahan moko kausapin iyong doctor,"
Nag-alinlangan lang ako dahil ang iniiwasan ko sana magkita kami ni Dr. Lallaina ay imposible pero alam ko na baka siya ang magiging doctor ni Papa dahil isa nga itong heart surgeon.
Bumuntong hininga ako ng malalim bago ako pumasok sa office nito. Nauna na kasi si Mama.
Nagtaka naman ito ng makita niya ako kahit na naka face mask siya ay nakikita ko sa mga mata nito iyong gulat dahil hindi niya inasahan ng makita ako.
BINABASA MO ANG
Extraordinary Love
RomantikAndria is a famous bachelorette in the country. When her family pressured her to have a successor, she immediately decided to freeze her eggs to a trusted friend who is a doctor. This trusted friend wrongly implanted the fertilised egg and successfu...