Paggising ko ang magandang mukha ni Andria ang bumungad sa akin. Ang himbing ng tulog niya. Ang bait-bait niyang matulog, pag gising nito magtago ka na lang sa pantalon ng nanay mo dahil napakataray nito.
Anong oras kaya ito nakatulog kagabi?
First time ko magising ng sobrang lamig sa umaga. Sa Pilipinas kasi lumalamig lang ng konti kapag may bagyo kundi malapit na ang pasko.
* Incoming calls Pat *
Bigla naman tumunog iyong cellphone ko. Tumatawag iyong kapatid ko sa messenger.
" Hmm," Ungol ni Andria.
Nagmadali ako sagutin iyon dahil ayoko magising ito sa ingay ng cellphone ko baka magalit pa siya.
Lumabas ako sa kuwarto para di ko ito maistorbo sa pagtulog.
" Hello?"
" Ate, Anak..." Masayang bati nila sa akin.
" Anak, kamusta ka na diyan?" Tanong ni Papa sa akin.
" Ayos ka lang ba diyan?" Singit naman ni Mama sa camera.
Naiiyak naman ako kasi sobra ko silang namiss pero pinipigilan ko lang talaga kasi kapag magsimula na akong umiyak ay iiyak din sila.
Lumabas ako ng bahay para doon makipag-usap sa kanila na walang akong maiistorbo.
" Anak, wag na wag kang magpapagutom ha," paalala ni Mama.
" Opo Ma, saka ayos lang po ako dito." Habang nagsasalita ako lumalabas iyong cold air sa bibig ko.
" Ate... may snow ba diyan?"
" Wala pa, pero baka malapit na kasi sobrang lamig na ngayon eh,"
I turn back the camera para makita nila ang paligid ko.
" Wooowww!"
" Ang ganda naman diyan anak!"
" Opo sobra!"
" Umaga pala diyan, ate. Dito sa atin gabi na."
" Oo, 13hours difference kasi diyan sa Pilipinas."
" Anak, kakain na mona kami ha,"
" Sige po, Ma,"
" Mag-iingat ka diyan palagi at mag-aral ng mabuti," sabi ni Papa.
" Bye,"
I ended the call.
Doon na ako umiyak na kanina ko pa pinipigilan.
Pagbalik ko sa kwarto nakita ko si Andria na gising na pala nakatayo ito malapit sa bintana.
Lumingon siya sa akin saka niya ako nilapitan.
Nagising ko ba siya kanina?
Magagalit kaya siya sa akin?
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil matalas ang kanyang mga tingin pinukol sa akin.
She grabbed my chin and she's looking intently into my eyes. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
" Go, get ready we're going outside."
Tumango lang ako sa kanya.
***
Si Andria iyong nagmamaneho at namamangha ako sa ganda ng lugar sa Boston.
I took some photos.
Nagpunta din kami sa downtown nila. I also took video clips at nahagip ng camera ko si Andria pero nag-iwas ito ng tingin ng mapansin niya iyong camera ko na nakatutok kaya inilipat ko na lang sa ibang view ang camera.
BINABASA MO ANG
Extraordinary Love
RomanceAndria is a famous bachelorette in the country. When her family pressured her to have a successor, she immediately decided to freeze her eggs to a trusted friend who is a doctor. This trusted friend wrongly implanted the fertilised egg and successfu...