Chapter 27

1.3K 59 10
                                    

Araw ng kasal ni Maya nasa reception na kami at syempre may dala akong regalo para sa bagong kasal. Si Anne ang lagi kong kasama dahil wala naman akong ibang kakilala dito.

" Paige... S-Si Noah,"

" Huh?"

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Noah dito sa reception. Hindi naman kasi sinabi ni Maya na pupunta ito.

" Oh my! He's so gwapo," Bulong sa akin ni Anne. " Paige... he's looking at you!"

" Huh?"

Hindi ako agad mapakali sa kinauupuan ko. Without a warning ay makakaharap ko ito sa loob ng higit isang taon.

" Hi,"

" H-Hi..."

" Pwede ba ako maupo dito?" Tanong niya sa akin.

" Naku, Noah! Pwedeng pwede."

Pinanlakihan ko naman sa mata si Anne.

Ang laki ng kanyang pinagbago naging matured iyong mukha at naging lumaki iyong pangangatawan nito.

" Kamusta ka na?"

" O-Okay lang," Hindi ko alam kung paano ko siya pakikitungohan.

" Masaya ako ng malaman ko nakapagtapos ka ng pag-aaral with a double degree. Proud ako saiyo, kahit noon pa man. Ako naman ay tinupad ko iyong pangarap mo sa akin na maging engineer," Kwento nito.

" Not my dream, your dream." Pagtatama ko dito.

Napangiti lang ito.

" Pero, dahil na din saiyo nagawa ko iyon. Ikaw ang naging inspirasyon ko para abot ko lahat kung anuman ang narating ko ngayon,"

" Grabe naman iyong mga linyahan ninyo, nakakakilig." Singit ni Anne sa usapan namin.

Masaya naman ako marinig iyon na natupad din niya iyong pangarap niya para sa kanyang sarili kahit naman na hindi kami nagkatuluyan dalawa ay I'd still wish him the best in life.

Lumapit naman sa amin si Maya kasama ang kanyang asawa. Hindi din naman niya inaasahan makikita din niya si Noah kaya mukhang nag-alinlangan siya tumingin sa akin.

" Congratulations, Maya and Robert." Bati sa kanila ni Noah.

" Thank you bro,"

" Okay, okay, picture na mona tayo."

Noah adjusted his chair closer to me.

[ Camera clicks ]

Pagkatapos namin magpapicture hinila naman ni Anne si Maya.

" Bakit di mo sinabi na invited pa si Noah sa kasal mo?" Tanong ni Anne.

" I didn't invite him," Tanggi nito.

" Oh, bakit siya andito?"

" Maybe, Robert invited him because they were basketball teammates way back in college. Remember?" Sagot ni Maya.

Saka ko lang naalala nga teammates pala sila ni Noah.

" Paige, I'm sorry... I really don't know."

" Okay lang,"

Bumalik naa ang bride and groom sa gitna.

Emcee: I'd like to request all the single ladies to step forward for the bouquest throw.

" Oh my gash! This is my chance. Tayo na Paige," Aya sa akin ni Anne.

" Naku, ayoko sumali diyan. Ikaw na lang," Tulak ko dito.

Extraordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon