11.

2 0 0
                                    

Someone's Pov.
Sorry.

"Ano po ang gagawin natin sa bangkay nya?" Tanong sa akin ng tauhan ko.

I looked at him.

"Itapon mo sa isang gubat. Malalim dapat ang hukayin mo. Bahala ka kung ano ang gagawin mo sa katawan nya." Utos ko.

Yumuko ito.

"Makaka-asa kayo." Sabi nya at umalis.

Walang kwenta ang clone na ibinigay ko. Wala pa rin akong alam kung sino ang batang yun. Kaka-iba sya sa mga nakuha ko. Ibang-iba. Sa pananalita nya pa lang ay hindi ko na gusto.

"Leiferes.." I whispered.

Siguradong, ito ang magpapaguho sa mundo nyo.

Death's Pov.

"Happy birthday, anak!" Mom said to me.

I smiled.

"Salamat Mom.."

"Sayang at wala pa si Artemis dito, apo. Baka bumili pa yun ng regalo sa'yo." Nakangiting saad ni Lola.

"Okay lang po, kamahalan."

Binuksan ko ang mga regalo nila sa akin. There is a Aston Martin Vulcan key car, different kinds of perfume and car key. Pero may sakit pa rin sa puso ko dahil hindi pa rin pumupunta si Slytherin dito.

"Death..."

It's Fire. Mukhang, may nalaman sya kaya nya ako kinakausap.

Bakit? What's wrong?

"Slytherin wants to talk to you.."

"Anak? Kausap mo si Fire?" Mom asked.

I smiled..

"Opo, may sasabihin daw po si Slytherin sa akin."

Nag-katinginan sila.

"Bakit naman gagawin Artemis yun? Pwede naman syang pumunta dito. Or baka nakalimutan na nya ang kaarawan mo." Sabi ni Lolo.

"Kuya.."

"I'm sorry.."

Bakit ka nag-sorry?

"I.. I love you, Kuya.."

"Bakit? What's wrong? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ko.

"Anak?" Mom asked.

"I... Fire!! Hindi na! Babalik na ako!" She shouted.

"Anak! Your nose is bleeding!" Lumapit sa akin si Mom at pinunasan ang pulang likido na umagos sa ilong ko.

"Nasa gubat ako.. papuntang limay. Andoon ako. Sasabihin ko kapag malapit na kayo sa akin."

"Slytherin? Slytherin! Answer me!" I shouted.

"Just do what she said, Death. Her heart is pounding so slow.. Winter and her are going to die..."

My body is getting numb. Umagos na ang luha ko. Thoughts going crazy to my head.

"Anak? Why.. are you crying?" Nahihirapang tanong ni Mom.

"Death! Now!" 

Tumayo ako at mabilis na lumabas. Pinatunog ko ang kotse na binigay sa akin ni Dad at pumasok dito.

"Death! What is happening?!" Sigaw ni Dad.

Mabilis kong pinaharurot ang kotse. Malapit pang dito ang sinasabi ni Slytherin. Anong nangyari? Kanina ay kasama ko pa sya.

An Uphill Battle. ( Mafia Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon