20.

8 0 0
                                        

Winter's Pov.
Birthday.


"Happy birthday My apo!" Lola said and hugged me.

Niyakap ko din sya pabalik. Today is my birthday. And, years past am I'm at the legal age to do want I wanted.

Wala naman kaming ginawa sa Christmas and new year, just celebrate it and be happy together safe and sound.

They throw up a debut for me, dahil eighteen na ako. Naghahanda na rin ako para sa isang mahalagang bagay na kailangan kong gawin.. na nakata-tak sa dugo namin.

Killing..

When I was a child, nung nasa puder pa ako nila Mom, ay nakikitaan na daw nila ako na magiging isang magaling na assassin sa aming pamilya. Well, I have my powers so why not?

Ngayon ay sinasayaw ako ni Lolo. Nakangiti sya na para bang masaya sya sa araw na to dahil ang araw na to ay ang aking kaarawan. Ngayon lang nila na-experience na gawin ang kaarawan ko, ng kasama ako.

"Masaya ka ba, apo? It's your birthday.." masayang saad ni Lolo.

I smiled and smirked.

"Well Lo.. this is better than I expected."

He chuckled.

"My favorite apo is eighteen. You're ready na ba para sa isang tungkulin na gagampanan mo bilang isang babae na anak ng Leiferes?" He asked.

I nodded.

"Of course, Lo. I will take care of everything.. I'm strong."

"Yes you are strong apo.."

Sumunod na nakipag-sayaw sa akin ay si Kuya. Binigyan nya ako ng isang bulaklak na rosas at isinayaw ako.

"My little sister is a eighteen now.." bulong nya.

"I know Kuya.."

He chuckled.

"But, hindi ka pa rin pwedeng magkaroon ng boyfriend." Saad nya.

I rolled my eyes. "Kase dapat ikaw muna bago ako."

Tumango sya.

"H'wag kang mag-alala, kapatid. Meron na.." nakangiting saad nya.

Napa-awang ang labi ko.

"Really, Kuya?"

He nodded. "Sadly, she have a girlfriend."

I scoffed.

"Eh di gawin mo ang lahat para makuha sya doon sa lalaki." That's not a big deal.

He laughed.

"Hindi ganun kadali yun, Winter. At masama yun, besides.. naging sila dahil mahal nya ito. I'm just loving her afar."

"Tss." I rolled my eyes. "Kelan ka pa naging ganyan ka sad boy, Kuya?"

"Ngayon lang. Tignan mo, kapag ikaw nagmahal.. alam mo na magiging mali yun, ang agawin ang mahal mo dahil gusto mo na hindi naman nya gusto." Saad nya umalis sa harap ko.

Sumunod ang mga kaibigan nya, and then si Logan na. Malaki ang ngiti nya sa labi at tinutukso pa sya ng mga kaklase namin.

"Huy! Kinikilig si Logan!"

"Hala! Namumula!"

"Go Logan! Support ka namin!"

Ngumiti ako at napa-iling. Binigay nya sa akin ang rosas at inilagay ang kanang braso nya sa beywang ko at ang kaliwang braso naman ay hinawakan ang kanang kamay ko.

An Uphill Battle. ( Mafia Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon