29.

1 0 0
                                        

Winter's Pov.
Almost. 


Pumasok ako sa bahay at nakita kong nag-tatawanan sila. Nag-taka ako kung bakit andito ang mga kaibigan ko pati na rin si Logan.

"Where you've been, Artemis?" Tanong ni Lolo.

Lumapit sa akin si Raikou at Secretary.

"Ilayo nyo sila kay Lola kapag may naramdaman kayong kaka-iba." Saad ko.

Naglakad ako papuntang basement. Pero papasok pa lang ako sa basement ay biglang sumara ito. Tumingin ako sa may sala. Mukhang nagulat din sila sa nangyari.

"Hindi mo pwedeng galawin ang nasa baba nyan, Artemis." Tumingin ako kay Mariana.

"Sino ka para utusan ako?"

"Anak, don't talk to your Lola like that." Saad ni Mom.

"Lola?" I scoffed. "I'm disgusted with your blood flowing to my body." Nandidiri kong saad.

"What do you mean, Artemis?"

"Artemis.."

Tumingin ako sa pinto ng basement.

"You planned everything, you used Martin to kill me, but you didn't succeed because the person you planned with was the same person who saved me. I was fed, raised like his child." Tumingin ako kay Mariana.

"How's does it feel? Feel that you've been betrayed by your partner in crime?" Tanong sa kanya.

"I don't know what are your saying." Nagtatakang saad nya.

I smirked.

"Nakakatuwa na naririnig ko mismo yan na lumalabas sa bibig mo. Pero, just what?" Galit akong tumingin sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nila sa nakita at narinig ko din silang napa-singhap. Mukhang naging violet ang mga mata ko, ang sabi ni Levi ay simbolo ito ng kumalat na ang kapangyarihan sa katawan ko.

"Hindi na ako naniniwala. Dahil alam ko na ang lahat." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Ikaw ang gumawa ng lahat. Plinano mo ito dahil may isang sikreto mo na nalaman ko, narinig ko, at nakita ko. Kaya pina-kidnapped mo ako at pinapatay. Ipinasok mo sa akin ang isang kaluluwang walang silbi sa iyong paningin, ikunulong ako sa isang lugar na madilim at imbis na ikaw ang nakakaramdam ng sakit ay ako!" Sigaw ko at isiniwasiwas ang espada hanggang ma-reach nito ang kanyang leeg.

"Artemis! What are you doing?! Lola natin sya!"

"Maawa ka, Artemis!" Saad ni Sera.

"Wala akong pake kung Lola kita! At hindi kita Lola! Wala akong Lola na kasing-sama mo!" I hissed.

"Apo.. kung ano man ang ginawa ko, patawarin mo ako-"

"Hindi kita mapapatawad!"

"Artemis!" Sigaw ni Lolo.

"Apo.."

"Ngayon kailangan mo ng umuwi sa lugar kung saan ka nabibilang. Mukhang matutuwa ang ama mong nanghihingalo na na makita ka. Pati na rin ng step Mom mo na hinihintay ka at paparusahan ka dahil sa paglabag mo sa batas ng iyong kaharian." Unti-unti kong dinidiinan ang espada sa leeg nya.

"Artemis!" Saad ni Kuya.

"Artemis! Ang kristal!" Sigaw ni Levi.

Tinignan ko ang kamay nya na may maitim na usok na lumalabas dito. Napatingin ako kay Mom na nanghihina ngayon.

"Hayop!" Sigaw ko at tinulak sya gamit ang kapangyarihan ko.

Tumingin ako kay Levi.

"Anong gagawin ko Levi?"

An Uphill Battle. ( Mafia Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon