Atropos Pov.
Power.
Flashback."Congratulations, Artopos!" Maligayang saad ni Maine sa akin.
Ngumiti ako.
"Salamat, Maine. Masaya ang araw na ito sa akin. Dahil, bukas ay titira kami ni Thanatos sa isang mansion!" Excited kong saad.
"Talaga? That's good news! Excited na rin ako! May maliit na Thanatos at Artopos! Sana ay maging masaya kayo, Artopos!"
Umuwi ako sa hotel na tinutuluyan namin pansalamtala dahil aayusin pa ang bahay.
Naka-bili na kami ng ka-kailanganin pero, I insisted na titira kami doon ng maayos na ang lahat. Nasa kusina ako ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin.
Sinilip ko ang bintana ng hotel at nakita itong bukas. Lumapit ako doon at sinarado ito. Pag-lingon ko ay nakita ko ang isang babae na para bang humahangos. Naka-suot sya ng isang mahabang kulay black na dress.
Paano sya naka-pasok sa bahay ko?
"Sino ka? Paano ka naka-pasok dito?" Taka kong tanong.
Tumingin sya sa akin.
"Ikaw si Artopos.." saad nya.
Paano nya nalaman ang aking pangalan?
"Paano mo nalaman? Sino ka?"
She smirked.
May lumabas na maitim na usok sa kanyang kamay at lumutang sya sa hangin. Kakaiba ang babaeng ito, mukhang hindi sya taga-rito sa Mundo!
"Ako, ang prinsesa na underground world, magiging akin ang iyong Mukha, ang kilos mo ay magiging kilos ko, ang pananalita mo ay magiging akin, lahat ng sa iyo ang magiging akin.. pati na rin ang iyong Asawa!" Sigaw nya at sabay nito ang pagkulog sa kalangitan.
Nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Napa-upo ako sa sahig at napahiga na dahil sa sakit na aking nadama.
Gusto ko pang makasama ang asawa ko. Panginoon.. tulungan mo ako.
Narinig ko ang kanyang pag-tawa. Hanggang sa naramdaman ko ang yapak nya sa sahig papalapit sa akin.
"Simula ngayon, ako ang kikilanin nilang Atropos. Ikaw ay isang impostor lamang." Rinig kong saad nya.
"H-h'wag ang asawa ko.." paki-usap ko sa kanya.
"H'wag kang mag-alala, nasa mabuti syang kalagayan."
Hindi ko na alam ang nangyari ng tuluyan akong kinain ng dilim.
End of flashback.
Winter's Pov.
Napatulala ako sa kwinento ng isang ito. Dahil sa kanyang maamong mukha ay until-unti akong naniniwala sa kwento nya.
Possible na gawin yun ni Lola dahil, ang sinabi nya sa akin ay isa syang prinsesa sa underground world. Ang lugar kung saan napapatapon ang mga masasamang kaluluwa.
Pero, bakit?
Dahil, mahal nya si Lolo?
"May isa pa na kailangan kang malaman." Tumingin ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
An Uphill Battle. ( Mafia Series#1)
Fiksi RemajaThe Demonic Queen and Daughter of Leiferes. Artemis Winter Leiferes is a child that the Leiferes have been looking for for a long time. She grew up in a simple family, she has a house, and her parents are considered to have a good job. But when she...