37.

0 0 0
                                    

Winter's Pov.
Bar.


Kasalukuyan akong kumakain ng dinner with my family. Alam kong may pupuntahan ako mamaya, ako ang mahuhuli doon dahil may pinag-uusapan kaming mahalaga ngayon.

"So, who would go to Visayas? You're Dad and I will be very busy for this week." Saad ni Lolo.

"I'm will be very busy too, Lolo." Sabi ni Kuya at kumain ng steak.

"In the company? Or in your girlfriend, Death?" Nakangiting saad ni Lola.

Death smiled.

"Both."

Lumingon sila Dad at Mom sa akin. Hinihintay ang sagot ko sa kanila. I sighed. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na hindi ako pwedeng umalis ngayon. Lalo't kailangan ako ng empire.

"Uh, I think si Demon muna." I smiled and looked at Demon.

Napatigil sya sa pagkain at tumingin sa aming lahat. I saw his adams apple moved and I just rolled my eyes.

"Demon, please? May aasikasuhin ka lang sa Cebu. Nagkaroon lang ng aberya sa isa sa mga hotels natin doon. Alam kong kaya mong gawan ng solusyon yan, Demon. Makaka-asa ba ako?" Tanong ni Dad kay Demon.

Walang choice si Demon kundi tumango. Hindi pwede si Mom and Lola ngayon dahil ayaw malagay sila sa panganib. Lalo na kung kasama ang mga bata.

"Artemis, ano pala ang gagawin mo ngayon?" Tanong ni Mom.

"The empire needs me, Mom. And kailangan kong maka-usap ang magiging supplier natin ng mga tauhan para mas mapalakas pa ang empire. Ilang linggo lang ako dito at kailangan ko na ring bumalik sa France." Uminom ako ng tubig.

"Why?" Tanong ni Kuya.

I sighed.

"Andito lang ako para makakuha ng mga bagong tauhan, Kuya. And isang buwan lang ang ibinigay sa akin ni Herida. I'm the queen, Kuya. Don't you remember?" Nanliit ang mata ko.

Andito lang talaga ako para doon. Babalik din ako sa France.

Ang empire ay binubuo naming mga Leiferes. Bukod doon ang Mafia. Walang nakaka-alam na kasali kami doon maliban sa mga membro ng aming pamilya. Dahil buhay pa si Lolo, sya pa rin ang tinuturing na Emperor. Hindi nya pa naipapasa kay Dad posisyon dahil ang katwiran nya ay malakas pa sya at malusog.

"So, aalis ka?" Kuya asked.

I nodded.

"Yun lang ang ibinigay na oras sa akin ni Herida. Ayaw ko naman na masira ang tiwala nya sa akin at baka ibalik nya ako sa lugar na yun." Tinutukoy ko ang nangyari.

"Bibisita ka ba dito?" Tanong ni Mom.

"I will do my best para maka-uwi dito sa mga special occasions. Ilang taon na akong nagc-celebrate ng new year, Christmas, birthdays doon sa lugar na yun."

They nodded.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat ako sa kwarto. Nag-bihis na para doon sa pupuntahan ko.

I just wear a black spilt-sleeve rib-knit mini dress. Nilugay ko ang buhok ko at tinignan ang phone ko. I text Sera.

Me:

Andyan na kayo?

Sera:

Yup! Ikaw na lang ang hinihintay.

Me:

Okay! I'll be there.

Nag-suot lang ako ng accessories at sinuot ang black high heels ko. Lumabas ako sa kwarto at bumaba. Dumeretso agad ako sa kotse ni Logan at sumakay doon.

An Uphill Battle. ( Mafia Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon