CHAPTER X: My Mom

23 1 1
                                    

Matapos ang pananghalian daw namin ni Jess ay umuwe na agad ako sa bahay at nagbihis ng damit.

Hindi pala ako nakapagpaalam kay delfa kanina. Sigurado akong nagtatampo na yun. Biglaan kasi saka nakalimutan kong magpaalam sa kanya dahil sa sobrang excitement. Ilang taon ko na ring hindi nakikita ang tukmol na yun.

Napatayo ako sa pagkakahiga sa kama ng marinig ang boses ni kuya sa labas ng pintuan.

“Hershey! Lumabas ka na at bumaba. Kakain na!” tawag ni kuya magnum.

Err. Pano to? Kumain na ako.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kwarto at sakto namang kakatalikod lang ni kuya

“Ah, kuya...ano kasi kumain na ako ng tanghalian. Busog pa po ako.” sabi ko ng makitang lumingon si kuya.

Tumaas naman ang kilay niya at nagtatakang tinignan ako.

“San ka naman kumain? Saka pagkakaalala ko 100 lang ang binigay kong pera sayo kanina. Saktong pangsnack lang yun ah?” nagtatakang tanong niya.

Oo nga. Alam na kaya niya na andito na si tukmol? Hindi ko tuloy natanong sa kanya yun kanina.

“Ganito po kasi yun kuya. May nanglibre sakin kanina.” nagmamalaking sabi ko.

Tumawa naman ito na animo nagbibiro lang ako.

“Haha. At sino namang nanlibre sayo? Si delfa? Eh halos pareho lang kayo ng allowance nun eh.”

Aisshhh! Talaga itong si kuya parang sinabe lang niya na wala na akong kaibigan bukod kay delfa. Hmmm.

“Hah! Anong akala mo sakin walang ibang kaibigan? And for your information kuya may nanglibre nga sakin saka ang dami ng order niya. Sa katunayan nga sa Tony's Kitchen kami kumain.” sabi ko ulit saka tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Hindi pa man nakakasagot si kuya ay narinig na namin ang tawag ni mama sa kusina.

“Mga anak! Halina kayo kakain na.” -mama

“Halika na. Kumain ka parin kahit busog ka. Si mama ang nagluto ng ulam. Alam mo namang gustong-gusto ni mama na ikaw ang unang nakakatikim ng luto niya.” saka hinatak niya ako papuntang kusina.

Hindi na ako pumalag at nagpahatak nalang. Totoo yung sinabe ni kuya na ako ang gustong-gusto palaging tumikim ng luto ni mama. Mama's girl kasi ako at number one fan ako ni mama pagdating sa lutuan. Hindi chef si mama pero pangarap niya ang maging mahusay na tagapagluto. Hindi naisakatuparan ni mama ang pagiging chef dahil sa hirap ng buhay na dinanas niya noon. Naikwento ni mama kung ano nangyare sa kanya noon. Naiyak nga ako dahil dun. Pero ngayon binubuhos nalang niya lahat ng effort niya sa pagluluto sa amin at kami ang judges pagdating sa tikiman.

“Oh, dali mga anak kain na. Si mama ang nagluto niyan.” salubong ni mama samin pagkapasok sa kusina.

Umupo nalang ako sa bakanteng upuan at kaharap ang kapatid kong babae na si goya.

Mukhang masarap naman yung pagkain lalo pa't luto ng mama. Nagsandok na ako ng kanin saka kumuha ng ulam. New discovery na naman ata tong luto niya kasi ang daming onion ring sa ilalim ng karne. Bistek ata to?

Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Ngumuya ako ng karneng ulam.

Wow! Ang sarap naman. Medyo maasim siya na nakapagpadagdag ng timpla sa karne at sakto ang timpla ng sauce. Kahit naman kasi ganito lang ako ay may taste naman ako pagdating sa mga Asian Cuisines.

Hindi ko napigilan kaya nagtanong na ako kay mama.

“Ma, anong name ng luto mong ito?” sabi ko habang ngumunguya ng karne.

“That's Bistek Classico anak. I just marinated the steak in a few seconds saka pinirito. And after that nilagay ko na ang ibang seasonings.” sagot ni mama na nakangiti.

Ngumiti din ako saka nagcomment tungkol sa luto niya.

“Well, you're really good at cooking ma. And honestly, masarap siya, sakto lang ang asim niya and i think you put some lemon juice on the steak? Saka the sauce was totally fit on the steak. If i am not mistaken ma, ginamit mo naman ang product ng LEA and PERRINS WORCESTERSHIRE SAUCE? Am i right ma?” tukoy ko sa sauce na palage niyang ginagamit pagnagluluto siya.

Ngumiti lang si mama saka tumango.

Hindi pa man ako nangangalahati sa kanin ay biglang sumakit ang tiyan ko. Ito na nga ba ang sinasabe ko eh. Busog pa ako. At tingin ko puputok na ang tiyan ko sa dami ng kinain ko. Tanghalian pa nga lang to what more kung dinner na?

Nakita ko naman ang mga kapatid ko na nakatingin sakin. Napansin ata nila ang pagngiwi ko.

“Are you okay ate?” tanong ni goya.

“Bakit?” -kuya magnum.

“Ah, wala may kumagat lang sakin.” palusot ko.

“I'm done. Excuse me.” saka tumayo at naghugas ng kamay sa lababo.

Masakit parin ang tiyan ko. Napatakbo agad ako sa kwarto diretso sa banyo.

“Fuuuu! Napadami na ang kain ko.” sabi ko sarili ko habang nakaupo sa toilet bowl.

Mga ilang minuto matapos magCR ay naghanda na ako ng gamit ko. May pasok pa ako ng 2pm.

Tok tok tok!

“Come in!”

Bigla namang pumasok si kuya sa kwarto pagkapasok.

“So, sino ang nanglibre sayo?”  diretsang tanong niya.

“Haven't you heard that one of my close and old friend came from the states is now here in the philippines?”

“What are you talking about? As far as i know that blonde boy is your old friend right? At nasa states siya ngayon. So sino namang kaibigan yang sinasabe mo?”

Napatawa ako sa sinabe niya. So hindi pa nga niya talaga alam? How sad. They're the best buddy tapos hindi manlang siya sinabihan ni tukmol sa pagbalik nito dito.

“What's funny?” nagtatakang tanong niya.

“Hello? Kuya naman, akala ko buddy kayo ni jess?”

“Yes, we are and so?”

“Hindi ka pa pala niya nainform. Andito na po kaya siya at siya ang nanlibre sakin. Ano ka ngayon kuya?” sabay belat.

Nagulat naman siya sa sinabe ko. Panigurado galit to ngayon kay jess. Napag-usapan kasi nila noon na kapag bumalik si jess sa pilipinas ay dapat si kuya muna ang makakaalam.

Bigla nalang siyang lumabas na gusot ang mukha. Natawa nalang ako sa inasta ng kuya ko at pinagpatuloy na ang pag-ayos ng gamit ko. Sinuot ko na din ang uniform ko at inayos ang sarili ko.

Lumabas na ako sa kwarto at huminge ng allowance kay mama. Hindi kasi ako bibigyan ni kuya ng pera dahil badtrip yun ngayon. Siguro pinuntahan na nito si tukmol.

Napapailing nalang ako habang naglalakad papunta sa school. Ang init talaga ng panahon ngayon. Nakapayong ako at habang papalapit sa skwelahan ay tagaktak na ang pawis ko.

Pumasok na agad ako sa gate at nagdiretso sa building namin.

------------------------

My Two ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon