CHAPTER XXII: The Unknown Caller.. ?.?

14 0 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon at pinagpapawisan ang buo kong katawan. Nanaginip ako, nakita ko si Mrs. Victoria Ty yung Dean namin na kinakain daw ang lamang loob ko dahil daw sa hindi ko pagsunod sa kanya at sa pagkalaban ko sa mga insulto niya. Sa sobrang galit niya ay naging isang Monster siya as in yung Monster na kumakain ng laman ng tao. And then bigla niya lang daw akong sinakmal sa leeg saka hinigop lahat ng dugo ko at sinimulang kainin ang lamang loob ko. Yuck!

Grabeng panaginip yun. Pati ba naman dun andun siya. Hayy!

Napatingin ako sa alarm clock ko and it's 4:35am palang. Oo nga pala weekend ngayon. Buti nalang at walang pasok atleast hindi ko makakaharap ang dalawa kong professor at ayaw ko ding makita ang mukha ng Dean. Baka magwala lang ako sabihin pa akong nababaliw. Siguro kailangan ko lang talagang magpahinga at makalanghap ng sariwang hangin para naman mabawasan ng polluted na hangin ang utak at puso ko para stress free. What if kaya kung magjogging ako? Tutal weekend ". Tama! Gandang idea yun ah. Matagal-tagal na ding hindi ako nakapag-eexercise dahil palage akong puyat saka walang free time.

Tumayo ako sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo at nagsimulang maghilamos. Nagbihis ako ng jogging pants at sports bra, yeah meron ako nun. Binili ko sa bangketa.

:D. Pero siyempre pinatungan ko ng white sando yung cotton style at saka tinali ko pataas ang buhok ko. Kinuha ko ang headset at phone ko saka nilagay sa bulsa ng jogging pants ko. Nagdala din ako ng bimpo saka isinabit sa balikat ko. Pagkatapos magready ay lumabas na ako ng kwarto na hindi gumagawa ng anumang ingay. Sinara ko ng mabuti ang pintuan saka naglakad papuntang gate.

Nilagay ko na sa tenga ko ang headset saka nagplay ng kanta. Naglakad muna ako hanggang sa umabot ako sa highway saka nagsimulang magjog. Napapahum pa ako ng kanta at sinisway ang ulo.

"I got all i need when i got you and i..hmm hmnm sweetlight...hmm hmmm hahuhummm my flashlight..you getting me getting me through the night..."

Panay pa rin ako sa paghahum kahit nasa park na ako. Nakita ko pa nga ang ibang nag-eexercise katulad ko. May nakita akong matatanda na nagjajumping jack. Nakakatuwa. Haha. Yung iba naman group of teenagers na nag-aaerobics. Nice! At nakita ko ang halo-halong mga nag-eexercise with a background music. May matanda, teenagers, nanay, at iba pa. And there is a dance instructor in front. Wait, if i'm not mistaking this is what we call Zumba Dance.

Cool! Kaya lang pagkakaalam ko may fee yan eh.

Anyway, i just continue to jog while still humming. Medyo hinihingal na din ako ng konti. Nilibot ko ang skating ring, pati ang park, basketball court and my last destination is the volleyball court. Sakto namang may naglalaro. Huminto muna ako saglit saka nagpahinga ng konti. Bumili ako ng bottled water sa pinakamalapit na tindahan saka umupo sa bakanteng bench kaharap ng volleyball court.

Waaahhh! Naalala ko ngayong darating na week ang start ng Palaro! Oh my G! Hindi ako kasali! Naman! Kung nakapasok lang siguro ako kahapon sa subject ni Sir Hermosa ay baka may nasagap akong balita. Kaya lang wala eh dahil nga nagbantay ako kay tukmol. :|

Napatingin ako sa mga naglalaro ng volleyball mukhang mga bihasa na talaga sila, ako kaya? Bihasa pa rin ba ako sa pagtira ng bola? Ump! Pano paghindi na? Baka magngawa ako sa buong buhay ko kapag nangyare yun. Gosh! I didn't want that to happen. Eh pano ko mamimaintain kung hindi naman ako nagpapractice?

'Nice question. Apir tayo dahil sa napakaganda mong tanong' sarcastic na bulong ng isip ko.

Hayy! Makaalis na nga lang. Tutal wala nama akong mapapala kong manunuod pa ako. Maiinggit lang ako lalo. :(

Napatingin ako sa phone ko and it's 5:22am na. Mga ilang minuto na din akong nakapagjogging. Ok na siguro yun. Baka hanapin na ako sa bahay. Nagsimula na akong maglakad hanggang sa umabot ako sa basketball court.

My Two ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon