CHAPTER XXVI: Basketball Game..(/__\) (3)

18 0 0
                                    

**Prrrrrttt** **Prrrrrttt**

Napatingin ako sa referee ng magwhistle ito at sinabeng foul daw yung #2 sa green team.

Inayos ko ang hood ko saka tinakpan ulit ang mukha ko. Nandito ako ngayon sa pinakadulo ng bleachers at kasalukuyang nanunuod ng Basketball Game ng patago. Tumakas lang ako sa bahay. Haha. Akala siguro ni kuya hindi ako pupunta dito. :P

Oh well, red team sila kuya at kalaban nila ang green team, hindi pa kasali si jess sa laro dahil wala pang gustong magsubstitute. 1st quarter palang kasi.

Napalingon ako sa bandang pintuan ng magsigawan ang mga babaeng nanunuod din sa laro, nakatingin kasi sila sa entrance ng gym. Pinasingkit ko ang mata ko para malinaw na makita ko ang mga lalaking nakablue jersey na pinagsisigawan ng mga kababaihan except sakin.

Maputi, matangkad, may pagka chinito teka kilala ko to ah. Isang tingin pa nga.

Napanga-nga ako ng makilala kung sino ito. Ohmygosh! Anong ginagawa niya dito?

"Waahhh! Sir Jade you're so pogi talaga! Kyaaahh!" -girl na nasa likod ko.

-_____-. Yeah! It's him nobody but the kiss stealer and my professor. Kierson Jade Fuentes. Heck! Agaw attention talaga ang labanos na'to. Kainis! Grrr.

Napaupo ako at nagpapadyak. Langya! Matalo ka sana! Papansin! Hmmp! Magnanakaw ng --- ah basta! Yun na yun!

Tumingin nalang ako sa team nila kuya at nagconcentrate. Naexcite ako ng mapunta kay kuya ang bola at tinira niya ito sa ring ng 3 points! Waaahh! Ang galing ng kuya ko. Gusto ko sanang sumigaw pero naalala ko na nakadisguise pala ako. :D. Buti nalang gumana agad utak ko dahil kung nagkataon makikita ako ni kuya at tatalakan saka papauwiin sa bahay.

Nagtuloy-tuloy ang laro nila hanggang sa magtime-out na at ang score? 30-26. Lamang ang team nila kuya. Yehey! Galing2x! xD

Pero hindi muna dapat ako makampante dahil 1st quarter palang yun. -.-

Habang nagpapahinga ang dalawang team ay hinanap naman ng mata ko ang tukmol ng buhay ko. Yayks! Cheezy! Haha.

At nakita agad siya ng mata ko at may katabe siyang babae. (>_____<). Ang landi ng lalaking to. Pati pagiging makati nito sa America dinala pa dito sa Pinas. At ang babae, wow! Feel na feel, akala mo GF pero mukha palang JULALAY! Duh?! Pinupunasan na niya agad ng towel yung mukha ni tukmol eh wala namang kapawis-pawis. Hello?? Hindi pa kaya siya naglalaro. Batuhin ko kaya ng doll shoes tong tukmol na to? Feel na feel din eh. May papikit-pikit pang nalalaman. Grrr! Nakakapang-init ng blood!

'Selos ka no? Gusto mo ikaw yung nasa pwesto nung babae tama?' bulong ng isip ko.

Duh? Bakit ako magseselos? Boyfriend ko ba si tukmol? Tsk.

'Sus! Halata ka dhai! Puntahan mo na kasi tapos itulak mo yung babae at ikaw magpunas ng mukha ni jess. Dali na girl.'

Ayaw ko nga. Kung gusto mo ikaw nalang.

'Gaga! Utak mo lang ako at siyang taga dikta mo! Hindi ako tao. Kaloka ka! Nasaan na utak mo?'

Gaga ka rin! Ikaw utak ko kaya dapat ikaw yung mag-isip ng tama. Kaloka!

Kausapin daw ba sarili ko? Hmmp.

Pati isip ko may bibig na. Yeeeh! Creepy!

Anyway, magsisimula na ang 2nd quarter at ngayon pasok na ang malandi kong kaibigan na malapad ang ngiti. Tinutukan ko siya at kunwari tinutusok ko siya ng karayom sa utak ko.

Napatigil ako ng lumingon siya sa gawi ko. Nakatunga-nga lang ako habang siya nakatingin ng seryoso. Lumingon ako sa likod ko baka iba yung tinitignan niya pero nakita kong walang tao sa likod so ibig sabihin nakatingin talaga siya sakin. Saktong pagtingin ko sa kanya ay nakangiti na siya at kumindat pa saka nagsimula ng maglaro. Habang ako nakatulala lang, pano niya nalaman na ako to samantalang tago naman yung mukha ko.

"Ohmy! Ohmy! I'm gonna die! Now, as in now!" -girl1

"Why?" -boy1

"Waaahh! Babe, the blue eye guy wearing a red jersey was staring at me earlier! Kyaaahh! He even wink at me! Waaaahhh---"

"F*ck! What did you say?!" -boy1

Yan kasi feelingera si ate. Ako kaya kinindatan hindi siya. :p

"Ah--t-that was just a joke babe. Hihi." -girl1

"Let's break up!" and the boy stood up and walk out.

OhMG! Magsyota pala sila? :-0

Shock ako dun ah. Kala ko friends lang.

Eto si girl tulala at nakanga-nga. Katabi ko lang kaya siya. Yan kasi! Kasama niya BF niya tapos ikkwento pa niya yung lalaking kumindat DAW sa kanya. Isa ding MAKATI CITY, Minsan lugar at minsan itong Babaeng katabe ko. xD

"Wwooooohhh! Go go Red Team!"

"Ang gwapo mo #11!"

Napatingin agad ako sa laro at sa scoring board. 35-20? Wow! Ang bilis ah? Lamang ang red team. Ang galing!

"Woooohhh! Go Red team! Go Red Team! Go go go RED TEAM!" sigaw ng ibang crowd.

Nakicheer din ako pero hindi masyadong malakas. Hihi.

*****

Natapos ang laro at ang panalo ay sila kuya, lamang sila ng 45 points all in all. Nagsilabasan na ang ibang players na tapos ng maglaro, maglalaro naman daw ngayon ang Blue Team at Gray Team. Wala na akong pakels. Gogora na ako dahil baka makauwe agad ang kuya at baka pagmadatnan na wala ako sa bahay. Gisado na agad ako.

Tumayo na ako at akmang maglalakad ng marinig ko ang buo kong pangalan.

"Stay Ms. Hershey Flora."

Napatingin ako sa loob ng gym at hinanap kung sino ang tumawag sakin. I even search at the Exit gate baka si kuya ang tumawag sakin. Pero wala ng tao dahil nasa loob na lahat ng tao. Ibig sabihin wala na sila kuya at hindi si kuya ang tumawag sakin. Naghahaluccinate lang ata ako. Tama! Haluccination lang to. Humakbang na ako pero napahinto ulit ako.

"Where are you going? I told you to stay. The lady in a pink hoody shirt with a printed dog at the back."

F*ck! Damit ko yun. At sigurado akong sa stage nanggagaling ang boses na yun. Lumingon ako agad sa stage and then i saw him. Holding the microphone and looking at me in a serious mood.

"Now, you know. Go back to your seat." sabi ulit nito.

Napatulala lang ako dahil sa pinagsasabe nito. Problema nito? Utusan daw ba ako.

Bagkus na sumunod ay nakatayo parin ako at nakayuko. Feel ko na sakin ngayon nakatingin ang lahat ng tao dito sa gym.

"Are you listening Ms. Flora?"

Fudge! Ano bang problema niya? I need to go home baka andun na si kuya. Huhuhu. Lagot ako.

Naglakad ulit ako at hinihintay na tawagin niya ako pero wala akong narinig. Baka napagod at hindi kinaya ang tigas ng ulo ko. Buti naman.

Nakababa na ako sa bleachers at maglalakad ulit sana papunta sa Exit ng biglang may humila sakin papunta sa loob ng gymnasium at naglakad sa court kung saan nagpapractice ang mga players.

"Hindi ka talaga marunong makinig. Ngayon maupo ka dito at manuod."

Pinaupo niya ako sa bench malapit sa Announcer dito sa stage habang siya ay naglakad na sa gitna ng gym at nilapitan ang teammates niya. Ako ito tulala at hindi makapagsalita.

Nilibot ko ng tingin ang loob ng gym especially sa magkabilang panig ng bleachers at lahat ng tao nakatingin sakin. May seryoso, may tulala katulad ko, may shock at ang iba ay nakasimangot.

"Girlfriend ka ba ni Sir Fuentes?"

Dun lang ako natauhan sa tanong ng announcer sakin.

"No fr**king way!" napasigaw ako.

Nakita kong tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti.

F*ck! Waaahhh! Sir ano tong ginagawa mo?

-------------------------------------------------------

My Two ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon