CHAPTER XV: Encounter with his Ex? O.o

14 2 0
                                    

Labasan na namin sa last subject which is kay sir rey. Yung iba kong mga kaklase ay nagsisilabasan na. Tanghale na din kasi ng idismiss kame ni sir kaya medyo gutom na ang mga alaga namin. Nasipat ko sa peripheral vision ko na tumititig si rowena sa gawi ni sir na ngayon ay abala sa pag-ayos ng gamit nito sa table.

Don't tell me gagawin na naman nila ulit yun? Nah-uh! No way! Hindi pwedeng gawin nila yun kada tanghale, ano yun pananghalian nila? Gagawin pa nilang motel ang room at kama ang mga tables? WTH! Saka, for goodness sake! Hindi maganda tignan na pumapatol sa studyante niya ang isang professor. Lalo pa't eww wag na nga lang. It's really disgusting. Pakinggan pa nga lang nakakadiri na ano pa kaya kung makita ang kababalaghan sa relasyon nila? Kinikilabutan talaga ako. Mas lalo kong binagalan ang pagsilid ng notebook ko sa bag at pasimpleng tinitignan si rowena.

"Are you not finished packing your things Ms. Flora?"

Napatingin naman agad ako sa gawi ni sir.

"Tinatamad po kasi ako." sabe ko nalang.

Alangan naman sabihin ko na 'hindi sir gusto kong tignan kung ano na naman ang gagawin niyo this time?'

"Wait, why are you in uniform?" takang tanong niya.

Ay! Nakalimutan ko yun ah, ngayon lang ba niya napansin na nakaganito ako? O talagang busy lang siya kakatingin sa pwesto ni rowena kanina? Bakit ba ako affected?

"Err..ngayon lang po ba niyo napansin? Kanina pa po ako nakasuot nito since nung pagpasok ko."

I saw rowena na nilapag ang bag niya at umupo sa kaharap na upuan.

"Ah, i didn't notice it earlier. And you Ms. Montero? Why are you still not packing?" baling nito kay rowena.

Nakita ko naman na parang hindi mapakali si rowena. At saka tumingin sa gawi ko. What? Did i do something wrong?

"Sabay ka nalang sakin wena." aya ko sa kanya saka ngumiti.

Well, maybe that's the right thing to do para hindi na siya magpaiwan at makipagchurvahan ulit sa professor NAMIN! In fact, magpasalamat pa siya dahil tinutulungan ko pa siya sa kahihiyang gagawin niya.

"Mauna ka na hershey, medyo matatagalan ako." sagot niya at tumingin ulit sa gawi ni sir.

Oh c'mon! Hindi mo ako maloloko sa ganyan mo.

"I'll wait for you nalang. Just make it faster, nagugutom na kasi ang alaga ko. Hihi." sabe ko.

Pinanlakihan naman niya ako ng mata. I didn't mind her saka sinukbit nalang bag ko. Wala na siyang nagawa at sinukbit sa balikat niya ang bag saka lumapit sakin. Narinig ko pa ngang may binulong siya eh.

'Pwede ka namang mauna bakit kailangan pa akong hintayin' may inis sa boses niya.

Hindi ako sumagot at basta nalang siyang hinigit saka kumaway at nagpaalam kay sir. Ngumiti lang siya bilang tugon.

Habang nasa daan kame panay ang reklamo ni rowena. Porke daw lesbian ako kasi gusto ko lang daw siyang makasama. WTH? Ano tingin niya sakin? Makikipagtalo sa kapareho kong babae? Yuck! No way! Hindi ako ganun kababoy para pumatol sa kalahi ko nuh. I'm not a lesbian. Kung tutuusin mas babae pa ako sa kanya kahit walang make-up. Sabe pa niya may gusto daw ako kay sir. Halos lumuwa nga ang mata ko dahil sa sinabe niys. Owkay! Gwapo naman si sir ang kaso may sabit. At isa pa anong kinalaman nun sa pagsama ko sa kanya?

Masyadong kumpiyansa sa sarili nuh? Kung batukan ko kaya? Kaya lang awkward naman nun sabihin pa nito FC na ako masyado. Umuna nalang akong maglakad at kunwaring hindi pinansin ang mga sinabe niya kaya lang bigla niyang hinigit ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Bakit?" maang na tanong ko.

Nanlisik naman ang mata niya at hinigpitan ang kapit sa braso ko at naramdaman kong bumaon ang kuko niya.

"Aww! Ano ba masakit!" sabay hila sa braso ko.

"Masasaktan ka talaga dahil masyado kang pakialamera!" sigaw nito.

Eh? Ang harsh niya at masyadong mainit ang ulo. Problema niya?

"Ano ba problema mo rowena?" tanong ko na ikinalaki lalo ng mata niya.

Owkay! Siya na! Siya na ang kapatid ng tarsier! Makapanglaki ng mata eh, luluwa na ba luluwa? Tsk.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ba sinabay mo ako sa pag-uwe ha? Hindi naman tayo magkapitbahay."

Aysus! Kaya naman pala, gusto palang magpaiwan kasama si sir. Yun ba ang pinuputok ng butse niya?

"Ikaw nga wena umamin sakin. Mgjowa ba kayo ni sir?" diretsang tanong ko.

Hindi na ako nakapagpigil. Pasensya naman. Madaldal lang eh. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya at lalo lang lumaki ang mata niya. Sabihin niyo nga sakin, totoo bang kapatid to ng tarsier? Lalong lumaki yung mata eh. Ewan ko ba kung tarsier pa siya o owl na. My gosh! Nakakaloka ang lahi niya.

"W-what are you saying?" utal na sabe niya.

Oy! English oh! Gusto ko yan. Hehe. Kaya lang andito na kami sa harap ng bahay namin.

"Bye! By the way, next time na ibaon mo ulit yang kuko mo sa balat ko hindi ako magdadalawang isip na itarak ang dala kong kitchen knife sa daliri mo. Palalagpasin kita ngayon pero sa susunod hindi na." sabay talikod saka pumasok ng bahay.

----------------------------------------------

My Two ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon