Camaraderie

4.5K 239 25
                                    

Prologue

SUKBIT ang isang duffel bag sa kanan at sleeping bag sa kaliwa and fully geared up in a hiking attire, excited na lumabas ng silid niya si Omi.

"Ready, son?" nakangising tanong ng amang si James Burman.

Sunud-sunod na tango ang sagot ng labing-isang taong gulang na si Ominous. Before summer vacation came, wala na silang ibang paksa na mag-ama kundi ang summer camp na pagdadalhan sa kanya nito pagsapit ng bakasyon. The idea of a summer camp thrilled him. Ayon pa sa kanyang ama ay mas mahahasa raw ang lahat ng natutunan niya sa self-defense roon. Kumbaga, alam na niya ang basics. Kailangan na lang niyang ipakita sa actual ang lahat ng kanyang natutunan sa training. Ngunit ang pag-uusap nilang mag-ama tungkol doon ay parating sikreto lamang. Dahil kung magkakaideya ang kanyang ina sa plano nilang mag-ama ay isa iyong malaking gulo.

His father, James Burman is a crime boss. It was a well-known fact to every one but seldom talk about--at least not in front of his father. Sa kanya naman ay hindi big deal iyon. In fact, he thinks his father is the coolest guy in the planet. And he is way tougher than Al 'Scarface' Capone or Tony Soprano.

"James, where are you taking Omi?" Monica Burman's voice boomed like thunder at the bottom of the stairs.

Kitang-kita ni Omi nang mapatalon ng isang baytang pabalik ang amang si James. Yes. His father may be tougher than Al Capone and Tony Soprano combined but he's a pussy when faced with the highest authority named Monica Burman. In short, his father is a henpecked husband.

"Uh, did I forget to mention it to you last night, darling? If I am not mistaken I told you about it during dinner, right son?"

Bahagyang kumiling ang ulo ni James sa anak at kumibot-kibot ang kaliwang mata.

"What happened to your eyes, Papa?"

"Just play along, goddemmit," mahinang sabi nito na halos hindi bumuka ang bibig. "Just say yes."

"Yes?"

"What's that?" tanong ni Monica.

"He said yes, darling. I told you over dinner that we're going on a trip for a few days."

"I don't remember discussing this matter, James. Hindi pa naman ako ganoon katanda."

"Who said you're old? Of course not, darling," mabilis na bumaba ng hagdan si James at malambing na inakbayan ang asawa na nakasuot pa ng long sleeved sleeping gown. Ang haba niyon ay sumasayad na halos sa sahig at may lace trimmings sa dulo ng magkabilang manggas at mataas na collar.

Maganda ang Mama niya, iyon ang nasa isip ni Omi kung ang pagbabasehan ang mukha. Bagama't madalas na konserbatibo ang tabas ng mga damit na isinusuot nito at hindi iyong litaw na halos ang maseselang parte ng katawan, maganda pa rin ito. Mukha kasi itong santa. Palibhasa siguro ay dahil relihiyosa ito. Kabaliktaran ng kanyang ama na isang crime boss. His mother was raised by a conservative and religious parents but ends up marrying a lawbreaker. Talk about irony, 'ika ng isa niyang tiyahin na bunsong kapatid ng kanyang ina. Madalas nitong sabihin iyon dahil napaka-opposite ng personalidad ng kanyang mga magulang. Had they been strangers to him, he would have thought their story were just made up.

Ngunit katulad ng madalas ikuwento ng kanyang ina, nakilala nito ang kanyang ama sa isang gala event na parehong dinaluhan ng mga ito. Na-love at first sight diumano rito ang kanyang ama. At magmula nang unang makita ito ay hindi na tinantanan pa. He dogged her footsteps wherever she goes. His mother felt the same for him, though. She said James swept her off her feet the minute their eyes met. Ngunit nang ligawan ito ng kanyang ama ay pinahirapan daw muna nito ng isang taon bago sinagot. One month after they officially became a couple James asked her to marry him. Pero dahil hindi pabor ang mga magulang sa relasyon ng dalawa, tanan ang nangyari sa mga ito. Three years old na siya nang ganap na matanggap ng grandparents niya ang relasyon ng kanyang mga magulang. Pero may mga pagkakataong may mga parunggit pa rin. Mahusay lang magbingi-bingihan ang Papa niya.

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon