Chapter Sixteen
AKALA ni Mariquit ay nagbibiro lang si Omi nang sabihin nitong isasama siya hanggang sa pagpasok sa opisina. Iyon pala ay talagang seryoso ito. Ginising siya nito around seven in the morning. Kasarapan pa lang ng tulog niya iyon. Nahiga siya around two in the morning at nakatulog siya ng mag-a-alas tres na nang madaling-araw dahil pinanood niya pa ang latest episode ng One Piece. Mabigat ang katawan niya at pikit pa halos ang mga mata nang pagbuksan niya ito ng pinto.
"Good morning, kitten."
"'Moaning," bahagya niya lamang idinilat ang isang mata para tingnan ito.
He smelled good and he looked absolutely gorgeous in a business suit. Pero wala masyadong effect sa diwa niya iyon because in that very moment her bed looked more appealing. Kinakawayan siya niyon na bumalik at maglunoy sa ipinapangako niyong glorya. Aminado siya na napakakomportable at napakasarap higaan ng kamang tinutulugan niya sa silid na iyon kumpara sa nasa bahay niya. Sa loob ng ilang gabing pagtulog roon ay napakahimbing ng tulog niya. Heaven. Sana. Kung hindi lang siya naistorbo ng lalaking nabungaran niya.
"I'm still sleepy," pinagkrus niya ang dalawang braso sa tapat ng dibdib para maikubli ang kawalan niya ng bra. Pagkuwa'y sumandal siya sa hamba ng pinto dahil antok na antok pa talaga siya.
Gaano man kaguwapo ang kaharap niya sa mga sandaling iyon ay hindi niya maa-appreciate. Katawang lupa niya lang ang kaharap nito at one percent lang ng utak niya ang gumagana sa mga oras na iyon.
"What do you want ba?" tanong niya habang nakapikit.
Wala siyang pakialam kung ano ang hitsura niya sa mga sandaling iyon. She is far from being a princess material anyway. Iyon bang klase ng mga babae na kahit magdamag na puyat ay pamatay pa rin ang kagandahan. Na kahit patung-patong ang eye bags ay papasa pa ring beauty queen. Siya sa palagay niya ay may muta pa at amoy-kanal ang hininga. Not to mention her hair is probably as messy as hell.
Drat.
"We're going to the office."
"What office?" idinilat niya ang isang namimigat pang mata.
"You're coming with me, remember?"
Office, office, office. Shit! "Is it Monday already?"
"Yup. Move your butt and hit the shower, breakfast is ready."
Napasimangot siya. "Dito na lang ako."
"No puwede."
"Sabi mo safe naman dito, di ba?" marahas siyang napakamot sa leeg. Gusto niyang mapapapadyak ng paa sa inis.
"Yes. But I'm more rest assured if I can keep a close watch on you twenty-four-seven."
There he goes again. Para naman siyang prominent figure na kailangan talagang bantayan oras-oras para lang matiyak ang kaligtasan.
"Inaantok pa nga ako," gusto niya sanang idagdag na kapag kulang siya sa tulong ay mabigat ang kanyang paghinga, sinusumpong siya ng asthma.
"Fine. Ako na lang ang magpapaligo at magbibihis sa'yo."
Sa sinabi ni Omi ay biglang naalarma ang katawang-lupa niya! No way, highway! Ano ito, sinusuwerte?
"That wake you up, huh?"
Nang mag-angat siya ng tingin ay sumalubong sa kanya ang namimilyo nitong ngiti. Permanente na yatang nakapaskil iyon sa mga labi nito. Nang lumapit ito at itukod ang isang kamay sa may gawing itaas ng bumbunan niya ay awtomatikong naitakip niya sa bibig ang dalawang kamay. Isang malutong na halakhak ang kumawala sa bibig nito.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 4 Ominous Burman
RomanceSPG 18 "Honestly, I could only tell you the hows and whys. How the sound of your voice makes me feel tingly and fluttery. How your smile makes my heart beats like an idiot. And why every time we're together, every thing feels perfect. I feel complet...