The Mischievous Samaritan

1.8K 132 13
                                    

Chapter Fifteen

PANAKAW ang mga sulyap ni Mariquit kay Ominous. Kasalukuyan silang nasa kalsada at bumibiyahe patungo sa bahay niya. He's driving a black, Lamborghini Diablo. It was a very fast car, if she were not mistaken. Ngunit katamtaman lamang ang bilis ng takbo nila at parang hindi ito nagmamadali. Wala ba itong ibang pinagkakaabalahan? Nahihiya talaga siya rito dahil pakiramdam niya ay sobra-sobra ng kaabalahan ang ginagawa niya. Free board and lodging at ngayon ay libreng driver at sasakyan pa.

"What is it?" nag-side glance sa kanya si Omi kaya mabilis siyang napabawi ng tingin. "You've been staring, kitten."

She mentally drew a deep breath. Useless na pagbawalan niya ito sa pagtawag ng kitten sa kanya. Maging si Rachel ay narinig niyang tinukoy siyang kuting.

"Wala ka bang trabaho?"

Napalabi ito. To other men he will probably look hideous acting cute and childish. But to Omi he looks, well... adorbs. 

"I'm entitled to a rest day, don't you think? I'm at your disposal until Monday," his brows wiggled mischievously. 

"Nakakahiya sa'yo. Sobra-sobrang kaabalahan na ito. Kaya ko namang lumakad na mag-isa dahil sandali lang naman ako."

"Nah-uh. I won't entrust your safety to anyone. Kung nasaan ako dapat naroon ka rin."

"Ano? Sobra naman 'yon," napaingos siya. Para naman silang magdyowa kung lagi na lang siyang nakadikit sa puwetan nito.

Pero may choice ba siya sa bagay na iyon kung ganoong pakalat-kalat pa ang panganib sa buhay niya? Naisip na niyang magsabi sa abuelo para humingi ng tulong dito. But doing so might caused unnecessary concern from her grandfather. Ayaw niyang bigyan ito ng alalahanin lalo pa at ito ay nasa ganoong sitwasyon na limitado rin naman ang kapangyarihan. Baka mag-isip pa ito sa kalagayan niya ay mapasama lang ang kalusugan. Mahina na rin ang puso nito. Bagaman wala pa itong idinadaing na major health issue ay mas mabuti ng wala itong iniisip na problema. She will handle it herself. At kung kinakailangang samantalahin niya ang tulong na ginagawa ng pilyong Samaritanong ito ay gagawin niya.

"As a matter of fact, I'm planning to take you with me in the office."

"Naku, hindi na," nagpakailing-iling talaga siya. Que horror. Ano lang ang sasabihin ng mga taong makakakita sa kanilang dalawa na parating magkasama? And worst, "Baka masabunutan ako ng girlfriend mo."

Iyon talaga ang main concern niya. At kawawa naman siya. Ang kapal-kapal ng buhok niyang sabukot, lugi siya sa sabunutan.

"Is that your subtle way of asking kung may girlfriend na ako?" nangingislap sa kapilyuhan ang mga mata nito.

Napailing siya. Iba talaga ang takbo ng utak nito. Sinabi lang naman niya kung ano ang inaalala niya kung ano na kaagad ang konklusyon nito. Dapat yata ay ito ang maging writer sa pagitan nilang dalawa.

"I'm very much single and ready to be taken--by you, if you will."

"I find it hard to believe," she replied, nonetheless. 

Siguro nga ay single pa ito. Pero hindi siya naniniwala na walang babaing involve rito. Maybe he's not the type who commits in a monogamous relationship. Malandi kasi talaga ang impression niya rito kahit mukhang mabait.

"Bumilib ka naman sa akin kahit kaunti. Kasi ako, bilib na bilib bukod sa--"

Muli itong nilingon ni Mariquit. He stopped what he was saying in mid-sentence. Ang kanang kamay nito ay nasa steering wheel habang ang kabila ay nakatukod ang siko sa gilid ng bintana, his thumb and forefinger were under his bottom lip. Nakatingin ito sa kalsada na parang may malalim na pinag-iisipan.

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon