Her Naughty Little Secret

3K 224 33
                                    

Chapter Thirteen

"WHY, why, why?" sinabunutan ni Mariquit ang sarili dahil sa kagagahang ginawa.

Ano ba naman kasing kabaliwan ang sumapi sa kanya at basta na lang siyang nanghalik? Ngayon tuloy ay hindi niya alam kung paanong haharapin si Omi. Pakiramdam niya kapag nagtama ang kanilang tingin ay bigla na lang siyang malulusaw. Katulad kanina. Nang paigtad halos siyang lumayo rito matapos itong halikan ay nakita niya ang pangingislap ng mga mata nito sa kapilyuhan.

"Hindi mo pa talaga ako crush?" ang nanunuksong tanong nito.

Pairap siyang nagbawi ng tingin. Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi. "I-it was just a thank-you kiss. 'Don't mean a thing."

"Uh-huh?" ngingisi-ngisi ito.

"You look creepy, stop smiling like that," paismid niyang sabi rito. "Where is the bathroom?"

"Over there," itinuro nito ang isang pinto sa may right side corner bandang ulunan ng queen size bed.

Pumasok siya roon at nagsarado ng pinto. Na para bang sa pamamagitan niyon ay mapagtatakpan niya ang kagagahang ginawa. Grateful lang kasi talaga siya. Na ang isang estrangherong tulad ni Omi ay pinagkaabalahang tulungan ang isang katulad niya. Of course, hindi naman niya minamaliit ang sarili. Hindi lang talaga siguro siya sanay humingi ng tulong sa iba. O dumepende sa kahit na sino.

"Bakit kasi?" tanong niya sa kaharap na babaing sabukot.

She's in front of a mirror. Isang pahabang white marble countertop ang naroroon na may dalawang ceramic wash basin sa ibabaw. 

Dalawa? may pagtatakang tanong niya sa sarili.

She explored the bathroom. It was big and luxurious. Katulad sa ibang parte ng bahay ay itim at puti ang dominanteng kulay roon. Meron doong bath tub. She must admit, iyon ang una niyang hinanap. She missed having one. Namulat siya at nagkaisip sa isang marangyang pamumuhay. Nang unti-unting maglaho ang karangyaang iyon, she was helpless to do anything.

What can a fresh graduate do, anyway? Nang magkatrabaho siya ay hindi naman sapat ang kinikita niya para maisalba ang mga ari-arian nila na isa-isa ng naiilit ng bangko. She's a Business Management graduate. At sa totoo lang ay hindi naman niya choice ang kursong 'yon. Nagkataon lang na noong araw ng enrollment ay iyon ang may pinakamaikling pila. Sa kagustuhang matapos na siya para makauwi ay iyon na ang pinasukan niya.

Gusto niya talagang magsulat. Hindi niya alam kung kelan nagsimula ang hangarin niyang bumuo ng sariling akda. But from the moment she learns how to read, malaking parte na ng buhay niya ang mga libro. Hindi naman siya nerdy o geeky na kapag nagsalita ay papasa ng alipores ni Einstein. No. She's more into fiction stories. Pero hati ang loob niya na i-pursue ang literary writing dahil na rin sa mga sinasabi noon ng kanyang ina. Ano raw ang mapapala niya roon? Wala raw pera sa pagsusulat. Maliban na lang daw kung mapapantayan niya ang achievement ni J.K. Rowling. O kaya ay ni Agatha Christie. Otherwise, kalimutan niya na lang daw.

It left a mark. Words like that coming from your own mother will definitely leave a scar. Kasi ang alam niya ang ibang nanay, malaki man o maliit ang pangarap ng anak ay dapat pa rin itong bigyan ng moral support. O kung hindi man ay sabihin sa mas katanggap-tanggap na paraan.

But Renata Dominguez is Renata Dominguez. Matalas itong magsalita at talagang nakasusugat. Hindi man lang ito nagmana ng pagka-levelheaded ng Lolo Anton niya. Dealing with her is a bit challenging. Kaya naman mas malapit siya sa Daddy niya at sa abuelo.

Napabuntonghininga siya at itinaboy ang mga isiping may kinalaman sa pamilya. Nagpatuloy siya sa pag-explore sa banyo. Hanggang sa makita niya ang isa pang pinto.

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon