Chapter Five
KASUNOD ng reyalisasyon na nagkamali siya ng taong napagbuntunan ng galit, ramdam ni Mariquit nang biglang takasan ng kulay ang kanyang mukha. She was probably as white as a bond paper.
"Dumb biiitch...!"
Tutop ang bibig na napaatras si Mariquit palayo sa lalaki. Yep, she really felt like it. She's a dumb bitch.
Shit, shit, shit! sa isip ay sunud-sunod ang pinawalan niyang mura.
Her grandfather once told her that she has a very bad temper and she must learn how to tamp it down, lest it will get her into trouble. At mukhang nangyari na nga iyon.
What to do, what to do? nagpa-panic na tanong niya sa sarili.
"G-grab her," tutop ang harapan ay nagawa pa iyong sabihin ng lalaki sa mga kasama nito.
Hindi halos maipinta ang mukha sa labis na sakit. Gustong humingi ng dispensa ni Mariquit. Pero sa nakikita niyang galit sa mukha ng dalawang lalaki na kasama nito ay biglang nangurong ang tapang niya. Akmang susunggaban na siya ng dalawang lalaki na mukhang sanggano nang imboluntaryong mapaurong ang kanyang mga paa. Hanggang sa namalayan na lang niya kusa na siyang tumatakbo palayo sa mga ito! Malaking factor marahil ang takot niya dahil hindi man lang siya natapilok gayong kanina lang ay hirap siyang ibalanse ang sarili sa anim na pulgadang takong.
"Don't let her get away!" galit na galit na utos ng lalaki sa dalawang kasama.
At hindi niya ito masisisi. Ikaw ba naman ang gawing scrambled eggs ang dalawang nananahimik mong itlog hindi ka kaya magalit?
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Para ng mabibiyak ang rib cage niya sa matinding nerbiyos. Paano ba niya lulusutan ang gulong 'yon?
Ang kanina'y mga parehang nagkukuyamyaman ay naistorbo sa komosyong ginawa niya.
Pero teka lang, nasaan na ba ang exit?
Lito siyang nagpalinga-linga kung saan susuot para matakasan ang dalawang lalaki na humahabol sa kanya. Nang bigla na lang ay may humawak sa braso niya at hatakin siya sa kung saan!
"This way."
Natatakot man ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod dahil halos kaladkarin na siya ng lalaking humatak na lang basta sa kanya! May pagdududa man sa isip niya na baka masamang tao rin ito ay sumunod pa rin siya. At least nag-iisa lang ito. Sakali man na may gawin itong masama sa kanya ay puwede niya ulit gamitin ang tuhod para gawin ding scrambled eggs ang mga itlog nito. Isasama na niya ang hotdog. Tutusukin niya ng pagkatulis-tulis na takong ng suot na boots.
"I think we're safe here for a while," hinatak siya nitong papasok sa isang silid.
Natutop niya ang dibdib dahil parang lalabas na ang puso niya. Pagdaka'y nilingon niya ang kasama. Hawak pa rin nito ang kamay niya habang nakasilip sa maliit na siwang ng pinto.
Marahang naglakbay ang tingin niya sa kabuuan nito. He's quite tall. Siguro kung hindi mataas ang takong ng suot niyang boots ay hanggang balikat lang siya nito. Pero hindi ito mukhang wrestler na katulad noong dalawang lalaki na humahabol sa kanya. He's wearing a black leather jacket. Hapit na faded jeans ang suot na humulma sa magandang puwetan nito. He was also wearing an expensive Rolex watch and Italian shoes. He must be rich. Either that or he's into shady business.
"You can touch it, it's free."
Nag-init ang magkabilang pisngi ni Mariquit. Her eyes were still glued on his firm butt when he glanced her way. At kung hindi sa inisyal na pagkapahiya ay muntikan na siyang mapatulala sa kaguwapuhan nito. Oo, hindi siya madaling humanga sa guwapo. Pero marunong siyang maka-appreciate ng guwapo sa salitang guwapo. He has facial hair. Hindi kakapalan ngunit bagay na bagay sa rugged nitong hitsura. Ngunit ang pinaka-best asset ng mukha nito ay ang magandang pares ng mga mata na bahagyang naniningkit habang nakangisi ng pilyo ang sexy nitong mga labi.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 4 Ominous Burman
RomanceSPG 18 "Honestly, I could only tell you the hows and whys. How the sound of your voice makes me feel tingly and fluttery. How your smile makes my heart beats like an idiot. And why every time we're together, every thing feels perfect. I feel complet...