Chapter Seventeen
"ANG hot niya. Shit! Kumibot ang kepyas ko, Mamshie."
Napaangat ang kilay ni Mariquit sa sinabing iyon ng isang babae. Kasalukuyang siyang nakaupo sa trono sa loob ng isang cubicle at umiihi. Nainip siya sa opisina ni Omi kaya naglakad-lakad siya. Hanggang sa makaramdam siya ng pagkaihi at agad na naghanap ng banyo.
"Ikaw lang ba? Ako nga sa tanda kong 'to parang biglang nabuhay ang katawang-lupa ko."
Na-curious siya. Napakasimpatiko naman yatang nilalang ang pinag-uusapan ng mga ito at nakabubuhay ng katawang-lupa at nakakapagpakibot ng kepyas.
"Single pa ba, Mamshie?" tanong pa noong una.
"Mukhang single pa naman. Walang suot na wedding ring, eh."
"Ang bango-bango niya, gosh. To think na akala ko kanina ay amoy-lupa na ang makakadaupang-palad kong CEO ng Supremo Distilleria. Hindi pala."
Ang balak na pag-flush ni Mariquit ng water closet ay naudlot. Si Omi ba ang tinutukoy nitong CEO?
"Iyon nga rin ang buong akala ko," sagot ng ikalawang boses ng babae. "Wala kasing nabanggit sa background ng may-ari. Although sa pagkakaalam ko ay matandang kompanya na ito, eh. Kaya nga I already assumed na isang dirty old man ang makakaharap natin sa conference room kanina."
"He looks so hot. Not to mention, rich. I guess, this is it, Mamsh. I finally found the one."
"Hindi kita pagbabawalan. Support kita all the way. Kumpara rin lang sa mga past boyfriends mo, this one is gold."
"But not old." Bumuntot doon ang masayang hagikhikan ng dalawa.
Narinig pa ni Mariquit ang lagapak ng pag-apir ng mga ito. Mukhang siyang-siya sa binubuong plano na mabitag ang pinag-uusapang CEO na walang dudang si Omi. Napasimangot siya. Padaskol niyang nai-flush ang inidoro saka walang seremonyang lumabas ng cubicle. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng dalawang babae. Akala siguro ng mga ito ay walang ibang tao roon komo busy ang lahat ng empleyado at office hour. Hindi na siya nabigla nang makita si Mica L. Isidro kasama ang isang nakatatanda ritong babae na hula niya ay manager ng aktres.
"Hi!" bati sa kanya ng aktres. Giving her a saccharine smile that she felt wasn't even genuine.
Ibinalik niya ang peke nitong ngiti at dumiretso sa basin type lavatory para maghugas ng kamay. She noticed the cleanliness of the bathroom. Para lang iyong banyo sa mga five-star hotel.
"Do you work here?" Mica L. Isidro asked in a very friendly tone.
"No. I'm just a visitor." Siguro kung isa siyang luka-luka at kalahati sinagot na niya ito ng kabalbalan.
"Do you know me?"
Muntikan na siyang matawa sa tanong ng babae. Marahil ay nagtataka ito na hindi siya tulad ng ibang tao na halos magpatirapa na sa harapan nito dahil sa paghanga. Not happening. She's used to meeting stars brighter than her during her grandfather's campaign. Pero hindi siya na-starstruck sa sinuman sa mga iyon.
"I thought you're one of the employees here," tila may disappointment na sabi ni Mica.
Marahil ay inisip nitong may makukuha itong impormasyon sa kanya sa pag-aakalang doon siya nagtatrabaho.
"Sino naman ang binisita mo rito?" patuloy na pang-uuritat ng aktres. Mukhang binalewala na nito kung hindi man siya nag-fangirling. "Boyfriend mo ba? Does he work anywhere near the CEO?"
Bago pa niya nasagot iyon ay bumukas ang pinto ng restroom at sumungaw roon ang ulo ng controversial na CEO.
"There you are."
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 4 Ominous Burman
RomanceSPG 18 "Honestly, I could only tell you the hows and whys. How the sound of your voice makes me feel tingly and fluttery. How your smile makes my heart beats like an idiot. And why every time we're together, every thing feels perfect. I feel complet...