Chapter Seven
GINISING si Mariquit ng sunud-sunod na pagkahol ni Dampot. Inaantok pang sinipat niya ang nagliligalig na alaga.
"Hey, what is it, baby? Inaantok pa si Mommy," bahagya niya lamang iniangat ang ulo mula sa pagkakadapa sa unan.
Umaga na halos siyang nakatulog. Late na rin kasi siyang nakapagsimula ng pagsusulat pagkahatid sa kanya ni Omi. Hindi pa niya natapos sa isang upuan lang dahil nakaramdam na siya ng antok. Yep, she rarely finish writing one chapter in one sitting. Maraming liko kasi ang takbo ng utak niya. Hindi pa siya marunong gumawa ng outline. Or sadyang tamad lang siya. Itinuro naman iyon sa English at Filipino subject. Mula secondary hanggang college ay may ganoong topic. Pero unique yata talaga siya. Impromptu ang mga scenes na isinusulat niya. Kung ano ang pumasok sa kukote niya ay iyon na. Hindi nga rin niya alam kung paanong nagiging connected sa flow ang story.
"Do you need to poop?" aniya sa alaga.
Matalino ang alaga niya. For an Aspin, he's highly intelligent. Hindi ito dumudumi o umiihi sa loob ng bahay. Kapag kailangan nitong dumumi o umihi ay ginigising siya para palabasin niya ng pinto.
Kumahol ito na parang alumpihit na talaga.
"Okay, okay. Babangon na nga," kahit mabigat pa ang pakiramdam ay napilitan siyang bumangon.
Ang balak niya pagkalabas ni Dampot ay babalik din ulit ng higaan para ituloy ang tulog. Asthmatic kasi siya. Kapag kulang sa tulog ay sinusumpong siya ng sakit. Although seasonal lang at hindi naman ganoon kalala. Kailangan niya lang pakiramdam ang sariling katawan para hindi madalas sumpungin. Stress at puyat kasi ang matindi niyang kalaban.
Bumaba siya mula sa may sampung baytang na hagdan. Sa ilalim ng pinakatulugan niya ay ang kusina at dining area. Kumpleto naman siya sa gamit doon. May ref, rice cooker, at maliit na gas range with electric oven. Small but compact with complete aminities ang maliit niyang studio apartment. Ilang hakbang mula sa kitchen and dining area ay ang kanyang cute na living room. May L-shaped na sofa, glass coffee table, corner table with a small lamp shade on top, and her 32" smart TV on the wall.
Ang cozy ng tirahan niya. Pero karamihan sa mga iyon ay regalo. From her Lolo Anton and Emeliana. The rest, well, pundar na rin niya nang paunti-unti noong kumikita na siya. They weren't that much but they made her life easier.
Mabagal na sumunod sa kanyang pababa ng hagdan si Dampot. Sa lusog nito ay para itong uugod-ugod na matanda kung kumilos.
"Hurry up, baby. Inaantok pa ako. Chop-chop," ipinalakpak niya ang dalawang kamay.
Kumahol naman si Dampot. At sa pagmamadali yata ay napadausdos iyong pababa. Sa awa niya ay nilapitan niya ito at binuhat na papuntang pinto. Kailangan na nga yata talaga niyang i-diet ang alaga niya. Hirap na ito sa sariling katawan.
Pagkabukas ng pinto ay ibinaba niya si Dampot. Pagtuwid ng tayo ay ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang ulo ni Omi na nakasampay sa ibabaw ng gate!
"What a lovely morning," sabi nitong nakatutok ang tingin sa dibdib niya.
Napasinghap siya sabay taas sa neckline ng suot na oversized tee. Wala siyang suot na bra! Sa kabiglaanan ay pabagsak niyang naisara ang pinto ng bahay niya.
"Shit, shit, shit!" nasilipan siya ng dede ng walanghiya!
Medyo luma na pa naman ang suot niyang t-shirt. Maginhawa kasi iyon at komportable sa katawan. Kadalasang ipinapares niya roon ay boxer shorts kapag natutulog.
"What is he doing here?" napatutop siya sa dibdib nang kumabog iyon nang pagkabilis-bilis. Siguro ay dahil sa pinagsamang gulat at inis. Walang modong lalaki!
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 4 Ominous Burman
RomanceSPG 18 "Honestly, I could only tell you the hows and whys. How the sound of your voice makes me feel tingly and fluttery. How your smile makes my heart beats like an idiot. And why every time we're together, every thing feels perfect. I feel complet...