Mi casa es su casa

3.1K 226 13
                                    

Chapter Twelve

EMPYREAN. Walang kasunod na village o subdivision sa hulihan ng pangalan niyon. Ngunit sa tuwing tutukuyin ito ng ibang hindi nakatira sa lugar na iyon ay parating may nakabuntot na village sa pangalan ng lugar. Walang guard house sa magkabilang lane ng entrance at exit gate na katulad ng madalas makita sa ibang village. Automated din na bumubukas ang gate. May scanner para sa mga homeowners. Ganoon din sa mga guests who can either use their own identification card or a guest pass to enter Empyrean. Ang sabihing moderno ang lugar na iyon ay kulang. At kaya marahil doon siya dinala ni Omi ay dahil ayon dito, 24/7 ang surveillance ng security camera roon. Bawat lumalabas at pumapasok ng Empyrean ay monitored ng security personnel. If ever man daw na may banta sa sino mang naninirahan doon ay awtomatikong naka-high alert ang security ng Empyrean.

Sa mga sinabi ni Omi ay napukaw ang kuryosidad niya sa lugar. Pati na sa mga homeowners na naninirahan doon. Ano kayang klase ng mga tao ang allowed tumira roon? Kung totoo ang napabalitang ni-reject ang isang kilalang pulitiko at sikat na artista na makapanirahan doon ibig sabihin lamang ay hindi katayuan sa lipunan ang batayan ng Empyrean. Does it have anything to do with their moral?

Kung hindi siya nagkakamali ay may kinasangkutang rape case ang naturang sikat na artista. Na-dismiss lang ang kaso dahil sa diumano'y kakulangan ng sapat na ebidensya upang mapanagot iyon sa batas. Samantalang iyong pulitiko naman dawit sa maalingasngas na usapin na pagbubulsa ng pondo ng bayan na nagkakahalaga ng dalawandaang milyong piso. If they were rejected because of those issues, ibig bang sabihin ay may katotohanan ang mga alegasyon? 

Her thoughts lead her back to Omi. Kung totoong ang malinis na reputasyon ng isang tao ang basehan ng mga taga-Empyrean, ibig bang sabihin ay malinis ang pagkatao ng isang Ominous Burman? Hindi niya masasabing mahusay siyang kumaliskis ng karakter ng isang tao. Mapagduda lang siya. Tamang hinala, sabi nga. At kapag hindi siya komportable sa isang tao ay hindi siya bastang sumasama o nagtitiwala. Pero bakit kay Omi? Was she blinded by his good looks to completely trust the man?

He rescued you from that homicidal wretched, you ungrateful wench!

Hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakatitig sa lalaking panay ang salita habang nagmamaneho. Wala lang siyang naiintindihan dahil nakikipag-usap siya kina Mariquit 1 at Mariquit 2. Minsan meron pang Mariquit 3 at Mariquit 4. At kapag talagang nasa mood ang hyperactive niyang neurons, umaabot pa sila ng twelve. Nagkakaroon ng board meeting.

"Ahem. Crush mo na talaga ako," hindi lumilingong sabi ni Omi.

Nag-iinit ang mukhang ipinaling niya ang tingin sa daan. "Hah. You wish."

Malutong na halakhak lang naman ang sagot nito.

Nang mapagmasdan ni Mariquit ang dinadaanan nila ay hindi niya napigilan ang mapabuntonghininga. Ang view na nakikita niya ay makapigil-hininga. Para siyang pumasok sa isang nature's park na pawang matatanda at naglalakihang puno ang nakikita. Napakagaganda rin ng mga bahay. Modern contemporary architecture at its finest. 

Marahil ay napansin ni Omi na nawiwili siyang magmasid sa mga nadadaanan nila kung kaya't sadyang binagalan nito ang pagmamaneho. Larawan ng isang tahimik at payapang komunidad ang lugar na iyon. Malalayo ang pagitan ng mga bahay at mukhang mangilan-ngilan pa lang ang naninirahan. Pero kung masipag ka namang maglakad at gusto mo talagang mangapitbahay, wala sigurong problema. Tingin niya rin kahit summer ay hindi masyadong ramdam ang init dahil sa mayayabong na dahon ng mga naglalakihang puno.

"Can we open the window?"

"Sure."

Katulad ng inaasahan niya ay malamig at presko ang hanging dumampi sa kanyang balat nang pumasok ang hangin sa loob ng sasakyan. Quarter to eleven na iyon ng umaga at mataas na rin ang araw pero hindi pa ramdam ang init. Hindi tulad doon sa apartment niya. Firewall to firewall halos ang dingding ng magkakapitbahay. Kaya ang hangin ay hindi na halos pumapasok. Dumagdag pa na mangilan-ngilan lang halos ang puno sa paligid. Tiis-ganda lang siya roon dahil tahimik at may privacy. Kaso sa sobrang tahimik at private pala ng lugar na napuntahan niya kahit yata tumili siya sa bubong ng bahay ay walang saklolong darating. Ngayon niya lang napag-isip-isip iyon. Puwedeng-puwede pala siyang gilitan ng leeg doon at wala man lang makakapansin. Maliban siguro kung mamaho na ang bangkay niya.

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon