Chapter 3 ❤

4 0 0
                                    

Chapter Three: Mr. Yabang VS. Ms. Sungit

********

[ CASSANDRA'S POV ]

" Good morning class. " bati ni Mr. Robles sa min. Araling Panlipunan ang subject namin ngayon at medyo paborito ko to dahil magaling mag explain si Mr. Robles tapos kada isang chapter, debate kaagad. At ngayon, kakatapos lang naming mag aral tungkol sa mga dating batas na ipinatupad at ang mga pagbabago kaya naman mag dedebate na kami.

Sobrang iniinis lang talaga ako ng pagkakataon. Kasi, ako ang napagdesisyunang maging Girls Representative for the Debate. Hindi naman yun yung kinaiinis ko kasi happy naman ako na ako ang lalaban. Pero ang badtrip lang, yung kakalabanin ko. Natripan kasi ng boys si Patrick. Sabi nila, since transferee siya, kelangan nilang makita ang capability nito. Buti sana kung si Vans nalang ang kalaban ko kasi sanay na ko dun. Pero bakit yung mayabang na yun pa?! Tsss. Pero, hindi naman ako papatalo sa kanya. May additional points for academics ang mananalo rito kaya naman hindi ko siya uurungan, kahit na badtrip pa ko sa kanya.

" So, the girls representative is Ms. Cassandra, as usual. And oh! Our boys representative is Mr. Patrick. So our issue is about the Death Penalty. Cassandra will be the one disagreeing and Patrick will be the one agreeing. Let the DEBATE BEGIN! " sabi ni Sir na hudyat na ng pagsisimula.

Magandang laban to kasi gusto ko talagang wag ipabalik ang Death Penalty kaya madali ko lang mailalaban to. :) Humanda ka, Patrick Samonte. Ako na muna ang pinaunang magsalita. Impromptous speech to kaya naman okay lang sakin kasi madaming pumapasok sa isip ko, lalo na kapag alam ko na hate ko ang kalaban ko. Hmp!

" Unang una sa lahat, alam naman nating pinatupad dati ang Dealth Penalty dito sa Pilipinas, at dahil dun, marami na ring namatay na mga tao ng walang kalaban laban. Oo, maaring may mga mabubuting nadudulot ang pagkakaroon ng Death Penalty, may sari sarili itong advantages and vice versa, pero hindi ito nararapat sa pananaw ko. Dahil ang Death Penalty ay isang batas na pumapatay o kumikitil ng buhay ng isang tao, at sino ba ang lumikha sa tao? Di ba ang Diyos? So kung iisipin, kapag pumatay tayo ng isang tao kahit ano pang edad niyan , pinatay pa rin yan. Kung papatay tayo, para na rin nating pinatay ang Diyos. " sabi ko. Sumunod namang nagsalita ang mayabang.

" Death Penalty. Ang Death Penalty ay ipinapataw sa mga bilanggo o mga taong nakagawa ng mabigat na kasalanan sa kapwa nila. Maaring may mga napatay na rin sila. Sa tingin ko, dapat ipasabatas muli ito dahil mas nakakatulong to para naman mabawas bawasan ang krimen sa ting bansa. Dahil kung may Death Penalty? Lahat ng tao matatakot gumawa ng kasalanan. Dahil alam nilang pagkamatay nila ang parusa. Yung mga pinatay ng mga bilanggong yun, maibabalik ba ang buhay nila kahit ibilanggo man sila? Hindi. Kaya dapat kung buhay ang kinuha nila, buhay rin ang kapalit. "

" Maybe you're right sa point mo na hindi na muling maiibalik ang buhay ng ibang tao dahil napatay na sila, pero hindi sapat na dahilan yun para pumatay muli. Kung death penalty ang ipapataw niyo sa nakakasakdal, di ba parang kayo na rin ang pumatay? Ibig sabihin parehas lang kayong nakapatay, at parehas kayong makasalanan. Nasa utos ng Dyos na bawal pumatay hindi ba? Kaya kahit anong kasalanan yan, hindi valid na patayin sila basta basta. Hindi nawawala ang tao dahil sa pagpatay sa kanila ng kapwa nila, nawawala ito dahil kinukuha na ito ng Diyos. Tsaka, lahat ng tao ay deserving ng SECOND CHANCE. "

Ano ka?! Hindi ako papatalo sa yo no! Asa ka pa, boy! Naiinis ako sa yo kaya dito ko yun ilalabas! =____=

" Eh yun naman pala. Everyone deserves a second chance? Bakit di mo ko bigyan ng isa pang pagkakataon para maging kaibigan mo? Dahil lang sa nangyari nun sa DQ nagalit ka na agad sakin? "

Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Anu daw? Napaka unprofessional debater naman nito, bakit niya idadamay ang personal na problema namin dito? Shunga lang? :3 Nagbulungan naman tong mga mabubuting estudyante sa harapan namin. Tsismoso at tsismosa lang? Tsss. Lagot ka sakin ngayon, Mr. Yabang!

" Ano bang sinasabi mo? Bakit mo dinadamay ang personal na problema? Labas ang problema ko sa yo sa debateng ito kaya pwede ba? Tumigil ka. Atsaka, binibigay lang naman ang pangalawang pagkakataon sa mga taong deserving. Yung mga taong NAGSISI na sa nagawa nilang mali at hindi na NAGMAMAYABANG pa uli. " sabi ko naman sa kanya. Akala mo lang huh? Hindi ka deserving kasi, hindi ka pa nagsosorry sa kin. Atsaka, ang yabang yabang mo pa rin eh.

Hindi na siya nakasagot ulit. At patawa tawa pa siya, anong nakakatawa sa sinabi ko? Hindi mo ba sineseryoso ang sinabi ko? Eh totoo naman yun lahat e. Tsss. Im pissed off with this Samonte guy. -____-

" Oh, Cassandra? Patrick? Mukhang nagkakainitan na kayong dalawa ah? Kalma lang. You may now take your seats. Pinagdebate ko lang naman kayo to see your insights sa batas na yun, wag niy namang masyadong seryosohin. But then, may additional points kayo for this subjects :) " sabi ni Mr. Robles. Yeyeyeye! Dagdag points na naman to. Omggeeeeee. :))

[]

GARDEN

Natapos na ang klase samin ni Mr. Robles kaya hudyat na yun na lunch break na namin. Pumunta na agad kami nina Miks at Sash sa caf tapos umorder na kami. Baka kasi maunahan pa kami sa pila e, ang dami pa namang estudyante dito sa building namin. Hindi kami kumain sa cafeteria kasi hindi naman talaga kami dun kumakain kapag lunch time kaya dumiretso kami sa place ng building kung san tahimik atsaka kami lang yung tao, sa GARDEN. Kami lang tatlo yung tao dito kasi hindi naman madalas nagpupunta rito ang mga estudyante ng academy. -___- Kami lang ata ang may favorite ng place na to.

" Nakakainis! Nakakainis talaga yang Patrick na yan! Talaga bang iniinis niya ako? Walang hiya naman oh. Epal talaga. Packing siya to the moon and back! " sabi ko naman. Hindi naman nakakahiya kasi kami kami lang naman ang tao dito, okay lang kahit magsisigaw pa ako.

" Chill lang Cass. Pero, may napansin ako. Medyo brainy rin si Patrick no? Biruin mo, once in a blue moon lang na may bago kang makalaban sa Debate, at sa subject pa ni Mr. Robles. " say ni Sasha. Oo, tama siya kasi si Vans lang naman kadalasan ang lagi kong kalaban sa mga debates na nilalabanan ko. Nung nalaman ko na si Patrick pala ang representative ng boys, nagulat ako at nagtaka kasi bakit naman siya di ba? Di hamak na mas matalino talaga si Vans sa kanya, hindi sila magkalevel kahit magpinsan pa sila. And worst, akala siguro ng mayabang na yun na matatakot ako sa kanya. Duh! He's not even threatening me, so why would I even bother? Naks. English yun ah! XD.

Tumigil muna ako sa pagsubo ng pagkain.

" Sasha, gusto ko lang ipaliwanag sa yo yung rason behind all of the happenings. Una, napagtripan lang raw si Patrick kaya siya yung naging representative ng boys at hindi si Vans. Pangalawa, maraming maraming stages pa ang dapat tingnan para masabing matalino yang Patrick na yan. Pangatlo, kung matalino talaga yang Patrick na yan, diba dapat marunong siya ng GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT? Eh bakit hindi naman yata? At pang apat, kung matalino man siya. Wala akong pakealam. Oh ano, nagets mo na ba? " mahabang speech ko kay Sasha. Hmppppp.

Kung matalino naman si Patrick, hindi naman ako papatalo sa kanya. Iingatan ko ang position ko as Top two at kapag may aagaw nito, mas gugustuhin ko pang ibang tao kesa yang mayabang na Patrick na yan.

********

CHAPTER THREE DONE.

Opposites In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon