Chapter 11 ❤

1 0 0
                                    

Chapter Eleven : Preparations

*****

[ CASS ]

" Guys, I hate to rule you but kelangan nating mag double time. Marami pa tayong kailangang ikabit sa venue na 'to. " Vans said habang chinecheck yung mga gumagawa at nagkakabit ng designs.

Nagpeprepare na kami ng auditorium ngayon since malapit  na yung Concert na inischedule namin. One week  na lang ang palugit at hanggat maari, nais naming maging almost perfect ang concert na yon.

Pumili si Principal ng ilang estudyante na makakatulong ng Council sa pag peprepare, kasama na doon si Patrick. Yes, and I think may ginawang kababalaghan si Vans kaya siya  napasali. According to the school's protocol kasi, sa mgs events na ito, understood na na hindi kelangang tumulong ng mga transfer students since bago pa lang sila.

So, malaking pagtataka kung bakit napasali si Patrick dito, right? So ayon. Sino pa bang magsasali kay Pat kundi si Vans na pinsan niya lang. Okay lang naman since good vibes naman kami kay Principal, PS nalang itawag natin sa kanya ha? Kasi nga, tinulungan niya na kami finally sa mga events and projects ng Council. Nagbigay na siya ng malaking pondo na sasapat para sa pagpaparenovate ng comfort rooms.

Saya di ba? Actually, sinisimulan na nga nung mga karpintero na kakilala ni Quen yung trabaho at mas lalong walang problema kasi normal na yung pagpapasahod sa kanila, kasi nga may pondo na. ^.^ At alam niyo ba? Hindi na rin namin kailangang galawin yung perang naipon ng Council from solicitations and contributions, dahil, NAGBIGAY RIN SI PS NG PONDO FOR THE TRIBUTE CONCERT! Hay grabe andaming nangyayaring magaganda ngayon. Ilaan nalang daw namin yun dun sa ibang projects na maiidiscuss.

Kaya nga, lalo kaming ganado this day to prepare, kasi alam naming wala na kaming masyadong poproblemahin. Syempre, hindi lang naman ito tungkol sa financial needs e, we need to talk about the program and the way it will flow. Kaya naman......

" Guys, guys. Attention please. " pagaannounce ko sa microphone. Lumingon naman ang lahat sa akin at pansamantalang tinigil ang mga ginagawa nila.

" Please just continue what you are doing, at wag kayong masyadong masa-stress kasi hindi niyo magagawa yan ng maayos kung pressured kayo okay? Dahan-dahan yung mga nagkakabit ng palamuti sa may kisame okay? Baka mahulog kayo, babae pa man din. Boys, pakialalay lang sa kanila. "

Syempre gusto pa rin namin ng safety, lalo pa at mga bestfriends ko ang umakyat ng mataas na hagdan at nag-sasabit ng kung ano-anong pakeme sa auditorium, baka mahulog, hindi ko kakayanin. Mabuti nalang nandito si Patrick, and ofcourse Japs to take care of Miks and Sasha pati na rin ang ibang mga babae na alanganin sa tayo nila.

" We just need to discuss something so hindi muna namin kayo mababantayan. Punta lang kami sa Council Room and right after the meeting, we'll return okay? Tuloy niyo nalang ginagawa niyo, salamat ulit sa kooperasyon at hardwork. Wag kayong mag-alala, may maeearn naman kayong credentials after e. At, mag eenjoy pa kayo sa darating nating Concert. :) So, we'll go na. " at pagkatapos noon ay umalis na kami.

Sinabi ko lang na papunta kami sa Council Room pero ang totoo, dito lang kami sa labas. Okay na rin namang dito magdiscuss since walang tao. Para rin mabantayan namin sila habang nag-uusap usap.

" Guys, so, paano na yung program? Yung flow ng program nalang yung iniintay pati yung confirmation ng iba nating special guests then ayos na lahat. " pagsisimula ko.

" Ms. VP, pasensya na po kayo kung hindi ko nasabi kaagad sa'yo, naging busy na rin po kasi tayo kanina. Good news to. Tumawag po sakin kanina yung manager ng Hashtags ng Showtime, pwede raw po silang magperform sa concert natin. Kaso, mukhang hindi po sila makukumpleto e. Yung iba po kasi, conflict sa schedules ng shootings and private na okasyon. " sabi naman sa amin ni Marie.

Opposites In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon