Chapter 12 ❤

7 0 0
                                    

Chapter Twelve: Concerned 😍

[ CASS ]

Two days nalang bago ang Concert at okay naman ang mga nangyayari. Okay na yung auditorium kaya, hindi na muna pinapayagan ang mga estudyante na bumisita at gumamit non, always locked para raw surprise. Hindi din kami pwedeng magsalita ng tungkol sa concert o sa mangyayari doon kasi lahat kami, babagsak sa next test namin sa lahat ng subject, e ang laki ng mawawala sa grades namin. Kaya naman mas ginusto namin na tumahimik kesa naman magkaron ng line of 7 sa card.

Andito nga pala kami ngayon sa cafeteria. Kanina pa kami nandito, kumakain. Hinihintay pa kasi namin so Patrick, ang tagal tagal kumain.
" Pat, ganyan ka ba talaga katagal kumain? Gurabe ka ha. Hindi ka pwede ng tinatawag nating 15-minute break. Siguradong malelate ka lagi sa next class mo. " pang-aasar ni Japs.

Hahaha! Oo nga naman. Mabuti nalang 30 minutes yung break namin, pero kanina pa naman yon.

" Pasensya na kayo, nakakahiya mang sabihin pero ganito talaga ako kabagal kumain. Hindi ko rin alam e. Pero pakiramdam ko, kapag kumakain ako ng mabilisan, parang wala rin akong kinain. Di ko kasi maramdaman na busog ako e. "

Wow ha? May ganong tao pala. Special ba metabolism nito?

" Ganyan kasi talaga yang si Patrick. Maliit pa lang kami ganyan na yan. Laging naming nauunahan kask tapos na kami, naglilinis na sila Manang ng lamesa, nandon pa siya, kumakain. " sabi naman ni Vans. Uhhh, okay?

Kapanibago naman kase. Usually kasi sa boys, super dami nilang kumuha ng ulam at kanin pero ang bilis naman nilang kumain.

Magsasalita palang sana ako ng biglang nag-ring ng malakas yung bell at tumunog rin yung speaker! Grabe lang yung pangwindang ni PS sa mga estudyante. Gusto talagang walang malate sa next class!

Ay shet. Nagtatakbuhan na yung mga tao dito sa cafeteria! Tapos natabunan na kami at napag-iwanan!

" Guys, we need to catch up sa next class! Remember, terror si Ms. Petrakis. HISTORY pa naman subject natin! Bilisan niyo na diyan and let's go! " sabi ko habang nag-aayos ng gamit ng mabilisan at iniipon yung mga libro ko. Hassle, de-takong pa naman yung shoes ko.

Dali-dali kaming nagsitakbuhan. Nangunguna si Japs at hila-hila niya si Sasha, si Vans naman ang sunod at habol habol siya ni Mika. Jusko lord, nahuhuli pa ako! Paktay ako nito. Isang segundo lang mahuli sa class ni Ms. Petrakis siguradong mapapalabas ka na kaagad e.

Dali-dali pa akong tumakbo pero bigla nalang akong nadulas. Letse naman kasi! Sinong basta-basta nagkalat ng BALAT NG SAGING sa sahig ng cafeteria?! Buset naman e. Napaupo tuloy ako sa sahig at na-twist yung right ankle ko.

Ouch! Ang sakit. Ang sama yata ng pagkakabagsak ko e. Ang sakit ng ankle ko. At gaya ng sinabi ko, NAKAHEELS PA AKO! =_____=

" Oo-uuuch. "

Yan nalang ang nabitawan kong salita. Ako nalang kasi mag-isa sa cafeteria, nagsialisan na ang mga estudyante dahil sa bell ring. Paano na ako? Sobrang badshot ako kay Ms. Petrakis.

Pero bukod dun, ang sakit talaga ng paa ko. Parang hindi yata ako makakalakad nito e. Bakit ba naman kasi may balat ng saging dito? Ang lapit lapit na ng basurahan at ang dami-daming pwedeng pagtapunan, bakit dito pa? Sinusumpa ko kung sinomang nagtapon nito dito. Tapos yung mga kaibigan ko naman, sa sobrang bibilis tumakbo, hindi na napansing nadisgrasya na ako dito. :(

But wait, I can see someone's face. Nagtatakbo sya papunta sa akin at mukhang worried na worried.

" CASSANDRA! Anong...... Anong nangyari sa yo? Shet. Namamaga ng sobra yung kanan mong ankle. "

Opposites In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon