Chapter 8 ❤ ( Part II )

6 0 0
                                    

Chapter 8: Sunday Meet Up(2.0)

************

[CASSANDRA]

Wala na kaming nagawa kung hindi ang sumama. Sumakay lang kami ng jeep hanggang sa kanto tapos naglakad nalang kami, para bawas rin sa pamasahe. Pagpasok palang namin sa bahay nina Vans, namangha kaagad ako.

Yeah, I know na hindi ko first time makapasok sa bahay nila pero andun pa rin yung amazement sa hitsura sa loob at labas ng bahay nina Vans. Mayaman sina Vans, si Tito Carlo kasi ay isang seaman tapos si Tita Iya ay isang wedding planner at may -ari rin sila ng isang sikat na Shoe Company na located sa Marikina. May kapatid si Vans, si Ate Crystal, 23 years old siya pero kasundong kasundo namin pag usapang BAGETS. Hahaha. Sa kasalukuyan, siya yung nagpapatakbo ng Shoe Company nila since parehong busy sa kani-kanilang careers si Tito and Tita. Pero meron rin siyang trabaho, hindi lang sa company nila, dahil sa sipag at tiyaga niya eh nakapagpatayo siya ng isang orphanage na nangangalaga ng mga bata o mga sanggol na ulila na. Dalawang beses sa isang linggo kung dumalaw siya dun sa God's Children Orphanage. Kasama niya din sa pagdalaw dun at pagpapatakbo si Kuya Carlo, boyfriend niya na mula rin sa maykayang pamilya.

So eto na nga tayo, back to reality. Si Mika at Vans, nagpeprepare ng snacks namin kasi mas maganda daw na nagsasnacks while watching. Kaya kami ni Patrick yung naiwan dito sa Entertainment Room nila sa second floor ng bahay.

Ay grabe! Ang tahimik, wala kasi saming naglalakas-loob na unang mangausap. Ayoko namang mauna kasi baka hindi niya lang ako pansinin.

" Ehem. Ah, Cass, ah ano uh.... Musta na? " Siya.

Luh? Kabadtrip din to. Mauutal utal siyang makipagusap sakin pagkatapos yun lang pala sasabihin niya? Congrats baby ha? Nakafirst word ka na, hindi nga lang salitang mama o papa. Tss. Karume!

I just fake a smile and answered. " Okay naman ako. Ikaw ba? "

Sumagot naman agad siya. " O-okay lang rin naman. S-sorry nga pala kung pagkatapos 'nong pagsosorry ko sa iyo eh, hindi na kita madalas makausap."

Haha! Salamat naman at nasabi niya rin yan sa'kin. Mabuti naman, at pansin rin niya na yun. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na:

Hindi, okay lang. Hindi mo naman kasalanan na sadyang snobbish ka lang. Hmp!

Pero syempre, hindi ko naman kayang maging ganon ka-hard magsalita. Kaya, sinagot ko nalang siya ng maayos.

" Hindi, okay lang. Besides, parehas naman tayong naging busy, hindi ba? Okay na yun sakin, wala lang yun. " sabi ko then I fake a smile.

Actually, hindi talaga ako okay na hindi siya namamansin. Hindi ko alam sa sarili ko, pero, nasaktan ako sa mga ginawa niyang pag-iwas o hindi pagpansin sa akin. Siguro, dahil sa inakala ko na, magiging friends kami pagkatapos ng pagsosorry niya sa akin. Pero hindi naman nangyari,e.

" Kung sa'yo okay lang yun, sa akin hindi. Hindi naman kasi dapat ganon ang ugali ng isang disenteng lalaki. Dapat marunong makisama, specially sa mga babae. Tsaka, hindi naman porque nakapagsorry na ako sa iyo, e ayos na tayo. Actually, I want to be friends with you. "

Napapitlag ako at biglaang napatingin sa kanya ng sinabi niya yon. My eyes widen. Eh hindi ko naman inexpect na yun ang isasagot niya e. Malay ko ba?

" T-talaga? You want to be friends with me? Akala ko kasi, kaya hindi mo na ako pinapansin at umiiwas ka na sakin, kasi you don't want me in your way. Akala ko, nagsorry ka para matapos na ang perwisyo na dala ko sa'yo. "

He laughed for a second and answered.

" Really? Well, hindi ganun yon. Gusto kitang maging kaibigan, Cass. Honestly? Kaya lang naman ako umiiwas at kaya lang naman hindi kita pinapansin, kasi sobrang nahihiya ako. Nakikiramdam rin kasi ako, alam mo yun? Na baka, ikaw pala 'tong naaalibadbaran sa akin o baka ayaw mo sa akin kaya hindi na ako lumapit pa. "

Opposites In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon