Chapter 15♥

4 0 0
                                    

Chapter Fifteen: New Enemy

*******

[ Patrick ]

Naglalakad ako ngayon sa may garden ng school. Papunta kasi akong library para kumuha ng ilang research books na gagamitin sa Science subject namin mamaya. Liliko na sana ako ng biglang may sumulpot na isang babae sa harapan ko.

Maganda? Check. Mahaba ang buhok? Check. Maputi? Check. Matangkad? Medyo check. Madaming kolorete sa mukha? Well check. Hindi ko matatawag na make-up yan kasi sobrang kapal naman, parang hindi ko na makita ang totoong balat ng mukha niya sa kapal ng pulbos na pinahid niya sa mukha e.

Ano naman kayang kelangan nito saken? Mukha naman siyang may muang na sa eskwelahang to, kaya imposible namang magtatanong saken ng direction 'to.

" Uh, Miss? May problema ka ba? B-bakit ka nakaharang sa daan? " nagtataka kong tanong.

Medyo makitid kasi yung daan dito, sa kanan ay may mga seniors locker tapos sa kaliwa naman ay may mga benches na napapaligiran ng mga nasa pasong halaman. At syempre, maraming students na pakalat-kalat sa oras na to. Kung may choice ba ako na dadaanan, hindi ko na siya kakausapin e. Kaso wala, siksikan kami dito.

Pero, ang pinagtataka ko, aba, nakangiti pa talaga si Ate. Ano? Nganga?

" Hi, uhm. I'm Jessica Victoria Willford, but you can call me Tori. Nice to meet you. " nakangiti siyang naglahad ng kamay niya sakin na para bang nakikipagshake-hands.

Baka masabihan pa ko ng hard kaya nakipagshake hands na din ako sa kanya, though wala akong balak makilala talaga siya.

" Nakilala lang kita sa concert. You really look very handsome and you really sing very good. William Patrick Samonte right? " tanong niya pa.

" Ah, oo. Patrick nalang. " sabi ko naman sa kanya.

This is real shoot. Nakaka awkward buset. Hindi ko naman balak kilalanin ang babaeng to e. Sa totoo lang, naaartehan ako sa kanya. Kabilang siya sa mga babae na ang tingin sa sarili ay dyosa ng kagandahan. Mas maganda pa nga si Cassandra kesa sa kanya e. Make up lang yung nagdala sa sarili niya.

I was just trying to be nice to her kasi transferee ako, pero nothing beyond that. Baka naman akala niya, friends kami or close.

" You know what. I really like you. I think magtetrend tayo dito sa buong campus if you'll be my boyfriend and I'll be your girlfriend. I know a boy like you cannot resist a girl that's hot like me. " sabi pa niya in a seductive voice.

Yuck. -_- Kahit pa sabihing sexy siya, ayoko sa kanya. Napakababa ng standards ng mga girls na katulad niya, kung makapagsuot ng damit akala mo kinulang sa tela. E ang yayaman naman nila. Naka-crop top na nga siya, tapos naka short shorts pa? Hindi man lang ba niya binibigyan ng kahihiyan ang sarili niya?

" Jessica Victoria Willford, hindi ako nambabastos ng babae ah pero kelangan na kitang iwan kasi may mas importante pa akong gagawin. Mauna na ko sa yo. " sabi ko at tinalikuran na siya, pero bigla siyang sumigaw sa harapan ko at hinawakan ang braso ko.

" Alam mo, wag ka ng pa-hard to get. I know the type of boys like you. Alam kong hindi ka rin makakatiis at papatulan mo rin ako. Besides, don't you want fame? I mean, maraming tao ang tumitingala saken, at kapag naging boyfriend kita, magiging popular ka ------ "

Hindi ko siya pinatapos kasi hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi niya. Ganun ba kababang lalaki ang tingin niya sakin?

" Kahit ano pa yang gusto mong sabihin saken, wag mo nalang ituloy. Hindi ako ganyan kababang lalaki kagaya ng iniisip mo. Kung maggigirlfriend ako, dun ako sa babaeng gusto ko. Excuse me. " sabi ko naman at saka patakbong umalis doon.

Opposites In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon