Chapter 1 ❤

7 0 0
                                    

Chapter One : Hate at First Sight

*****

[ Cassandra's POV ]

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa Mall.^____^ Malapit na kasi ang pasukan kaya naman namimili na kami ng mga gagamitin namin for this School Year.

" Ano girls, nakuha niyo na ba lahat ng mga kailangan niyo? " tanong ng kaibigan kong si Mika. Siya si Mika Raphaelle Lopez.

" Oo Miks. Okay na yung sakin, wala ng kulang. Ikaw Cass? " tanong naman sakin ni Sasha, isa ko pang kaibigan. Siya naman si Sasha Jade Montalbo.

Nag nod nalang ako sa kanila tapos dumiretso na kami sa counter. Nasa hulihan pa naman ako ng pila kaya magkukwento muna ako sa inyo. Ako si Cassandra Ericka Mercado, anak nina Sandy Angeles at Eric Mercado. Obvious na naman siguro kung san ko nakuha ang pangalang CASSANDRA ERICKA. Haha! Sabi nung mga kaklase ko dati nung third year kami, may pagkamasungit daw ako. Pero hindi naman para sakin, kasi nagsusungit lang naman ako sa mga taong mayabang atsaka akala mo kung sino, wala akong pinipili, mapa girl or boy payan. -___- Nakakainis kasi minsan eh, alam niyo yung feeling na ang yabang yabang nila, kala mo kung sino. Tsss. Anyway, yun nga. Pero sa family and closest friends ko naman eh opposite ako. Hindi ako nagsusungit sa kanila.

To make this short, lumalabas ang kasungitan ko sa mga taong di ko kilala atsaka sa mga taong mayayabang at mapagmataas. Kaya kayo, good lang kayo ha? Para di ko kayo masungitan. :)

[]

Pagkatapos nina Mika at Sasha, ako naman ang nasa counter. Nagbayad na ako ng mga pinamili naming school stuffs tapos lumabas na kami ng store.

" Ano guys? San nyo muna gustong pumunta? Medyo maaga pa naman para umuwi, and besides, wala naman din tayong gagawin sa bahay kundi mag ayos ng gamit di ba? " tanong ni Miks. Well, tama nga naman siya. Pareparehas kasi kaming excited eh. Syempre, senior na kami e. ^______^

" At dahil 1:30 pm palang naman, magmeryenda nalang muna tayo pwede? Saan ba ang gusto niyo? Ikaw Cass? San mo gustong mag meryenda? " tanong naman sakin ni Sasha. San nga ba maganda? Ah alam ko na! =]

" Parang gusto ko sa DQ nalang tayo. Kahit naman malapit na ang June, nararamdaman pa rin natin ang Summer right? Kaya mas magandang magpalamig tayo. Tsaka, nag cecrave na rin kasi ako eh. Hihihi! " sabi ko naman sa kanila habang tumatawa.

Nag agree naman silang dalawa kaya gora na agad kami sa DQ. Pinatong muna namin yung pinamili namin sa table para alam na ng iba na reserved na yun tapos nagpunta kami sa counter. Umorder na lang kami tapos nagbayad and then bumalik na ulit kami sa table namin.

Habang kumakain kami ng ice cream, napansin kong itong si Sasha text na naman ng text. At syempre, alam na namin ni Miks kung sinong tinetext niya.

" Jasper, Jasper, Jasper. Wala ka ng ginawa kundi itext siya ng itext. Palibhasa patay na patay ka diyan sa boyfriend mo. " sabi ko. Haha! Oo, tama. Boyfriend ni Sasha si Jasper Angelo Corpuz. Good boy naman si Japs kaya wala silang nagiging problema ni Sasha.

" Going stronger ang relationship niyo 'no? Hmp. Edi ikaw na ang colorful ang lovelife. Kami na ni Cass ang single. >_< Kami na! " reklamo naman nitong si Miks. Eh bakit ba! Masaya maging single, wala kang problema sa love life. Tsaka, hindi naman ako naghahanap ng boyfriend, kasi para na din akong naghanap ng sakit ng ulo at intindihin sa buhay. Hay nako! Tsaka, bata pa kami. Di pa namin kelangan niyang mga ganyan.

" Hay nako Miks. Hayaan mo na yang si Sasha, soulmate niya talaga si Japs sa paniniwala niya. Hahaha! " sabi ko naman. Natawa lang sila at bumalik na tong si Sasha sa pagtetext.

Opposites In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon