Chapter 6 ❤

4 0 0
                                    

Chapter Six : Birthday ni Ate ❤

*********

[ Mika ]

Hi guys. First time kong mag POV kaya sana okay to. Haha! So ngayon, nandito kami ngayon nina Sasha tsaka Cass sa coffee shop na paborito naming tambayan. Nacancel kasi ang class ngayon dahil may pinuntahang regional meeting ang mga teachers and staff, eh walang mag hahandle samin kaya pinacancel nalang. Ang astig di ba? Haha. Kaya eto, nilaan nalang namin sa pag hahangout since hindi pa nakukwento samin ni Cass ang nangyari sa pag uusap nila ni Patrick. At feeling ko naman, maganda ang nangyaring pag uusap between the two of them. ☺

" Hoy Cass! May utang ka pang tsismis samin ni Miks ha! O sige na. Go girl! Kwento na. " sabi ni Sasha kay Cass. Yung tinutukoy niyang utang na tsismis ay yung tungkol sa kanila ni Patrick.

" Oo nga girl! Sabihin mo ng atat kami pero gusto na talaga naming marinig kang magkwento kasi madami kaming ineexpect. " sabi ko naman. Miske kasi ako gusto ding marinig ang sasabihin niya. Malakas ang pakiramdam ko na maganda naman ang maririnig namin mula sa kanya.

" Grabe lang guys? Kalma ok? Kalma. Wala naman akong ibang sasabihin at ikukwento na kaexcite excite. Wala lang yun. Nagsorry lang naman siya, then nagkaron ng konting pagtatalo pero pinatawad ko din naman siya in the end. " pagkukwento ni Cass. Omgee! So pinatawad na niya si Patrick na binansagan niyang Mr. Yabang? Simula na ba to ng pagkakamabutihan ng dalawa? Omyg. Exagg na kung exagg pero parang naniniwala na ko sa mga insights ni Sasha the lovergirl. ❤_❤

Ngumiti naman si Sasha ng bahagya.

" I knew it! Ibig sabihin friends na kayo? Omyg. Sinasabi ko na nga ba at di m naman matitiis si Patrick! Papatawarin at papatawarin mo rin naman pala siya! " pagkatapos ay kiniliti ni Sasha si Cass sa tagiliran nito, which is yung part na pinaka nakikiliti siya. Haha!

" Eh alangan namang hindi ko patawarin yung tao kahit nag sorry naman na siya. Di ba nga, sinabi ko sa inyo na, kapag nagsorry siya tsaka ko lang siya papatawarin. Ginawa naman niya, kaya ayun. " sabi naman ni Cass na mahaba ang hair! Daig pa ang traffic sa EDSA sa sobrang haba! Hahaha.

" Hindi naman pala ganun kataas ang kayabangan at self esteem nung Patrick na yun, Cass. Mas mataas pa din talaga ang GREAT WALL OF CHINA. Haha! Pero seryoso girl, ito na ba ang start ng pagiging good friends niyo? " sabi ko naman sa kanya. Its time na ako naman ang humirit! Haha. Pagtutulungan namin ni Sasha tong si Cass.

" Good friends? Depende yun kung magiging mabuti at mabait ba siyang kaibigan. Pwede naman kasing nagsorry siya para lang matapos na yung problema niya sakin tapos biglang BOOM! Hangin nalang ang presensya ko sa kanya. Kumbaga, nagsorry siya, pinatawad ko siya, tapos tapos na. Yun na yun. " sabi naman niya sabay subo ng spoon sa bunganga. Favorite niya kasi ang chocolate truffle cake kaya yun ang inorder niya na may kasamang oreo cheesecake frappe.

" Hindi naman siguro ganun yun. Tsaka, hello lang girl?! Pinsan siya ni Vans. At ngayong nakita mo na ang totoo niyang ugali nung nagsorry siya sa yo, tingin mo ba ganun siyang klase ng lalaki? " seryosohang tanong ko naman sa kanya. Ayoko namang pangunahan si Cass, kaso may nafefeel akong kakaiba sa Patrick na yun. Hindi naman ganun kalalim na difference pero, parang nafefeel ko lang na may bright side siya. Parang hindi naman ganun klaseng lalaki si Patrick. :) Hindi sa kumakampi ako sa kanya ha? Basta, yun lang yung nararamdaman ko e.

" Ewan ko. Alam niyo, hindi naman natin kelangang magpagod kakaisip kung anong klaseng ugali meron siya sa inner side niya di ba? Since walang pasok ngayon, can we just enjoy muna? " sabi naman niya
Hay neke, sabi ko nga mag eenjoy muna tayo eh.

********

[ CASSANDRA ]

Pagkatapos naming mag frappe at cakes sa paborito naming coffee shop, nagdecide kami na bumili ng cake na round-shaped. Black Forest yung flavor niya since favorite ni Ate yung ganung flvor ng cake. Bakit nga ba namin bibilhan si Ate ng cake? Mukhang di ata nabanggit ni Mioa sa inyo ang dahilan. 19th birthday kasi ng aking Ate Criselle Emerald Mercado ngayong araw na to.

Opposites In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon