Chapter 14 ❤

6 0 0
                                    

Chapter Fourteen: Concert(II)

******

" Uhm, Patrick. Marunong ka bang kumanta? " tanong ko kay Patrick.

Ewan ko ba. May nararamdaman ako sa kanya na para bang marunong siyang kumanta at may ibubuga naman yung boses niya. Hindi ko pa nga lang nakukumpirma kasi never ko pa naman narinig siyang kumanta.

" Bakit mo naman natanong? " pagbabalik sakin ni Pat ng tanong ko. Okay, edi sagutan lang kami dito.

" Uhm, ano kasi e. Base lang naman sa opinyon ko, mas gaganda ang performance natin kung pareho tayong kakanta di ba? Ano sa tingin mo? " tanong ko ulit.

Sana lang talaga pumayag siyaaa. Sana sana sana talaga.

" Ah oo. Kumakanta naman ako. Yun nga lang, hindi kasing cool kumanta ni Daniel Padilla,ng One Direction, o The Vamps. Pang banyo lang yata tong boses ko. " sabi niya.

Humble ba talaga ito o nahihiya lang amining kumakanta talaga siya? Pero, hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Oo, hindi man siya kasinggaling nina DJ, ng OneD, at ng The Vamps, kung talagang kumakanta siya, sigurado ako na may sarili siyang style of singing.

" Okay lang yun, ano ka ba? Akala mo naman pang- Sarah G din itong boses ko, syempre hindi rin naman. Pero, sigurado ako na may talent ka sa pagkanta, may sari-sarili naman kasi tayong style ng pagkanta e. "
pangungumbinsi ko.

Ngumiti lang siya at nagpatuloy pa kami sa pag-uusap. 2 nga pala ang prod ng NLex, so napagusapan namin na sa pangalawa, Nagkakulay Ang Mundo by Kathniel ang kakantahin namin. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko pero, na-eexcite ako sa pagduduet namin. Ewan ko ba, I feel like it's a dream come true for me na makakasama ko siya sa iisang stage at sabay pa kaming kakanta. Nahuhulog na ba ako sa kanya?

Hindi naman pwede. Paano ako maiinlove sa isang taong, sa tingin ko ay masama ang ugali noong una? Paano ako maiinlove kay Patrick kung dati, hate na hate ko siya? Paano? Hays. Okay. Ikakalma ko muna ang sarili ko. Focus muna ako on the concert.

" Guys. "

Nagsastrum si Pat ng gitara at malalim naman ang iniisip ko ng biglang dumating si Marie. Napatingin ako sa kanya at nagtapon ng oh-bakit-Marie look.

" Kasalukuyan ng nagpaprod ang mga celebs. Magready na kayo sa hagdanan ng stage sa bandang kanan kasi kayo na ang sunod. Go guys. Kaya niyo to okay? Go Go Go. "

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

OH NO! Kami na ba ang next? As in, kami na? Agad-agad? Omgsh. Lord, gabayan niyo ako please. I hate to say this pero ayoko pong magkamali sa harapan ni Patrick, though hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, gusto kong lamunin na ako ng lupa kapag napahiya ako sa harap niya. You know, mistaken lyrics, out of tune, blank spacing. Wuuuu! Kaya to. Go Cass. For the concert and for your grades and for your responsibility as a Vice President.

" Ah ganon ba? Sige, Marie. Salamat. Papunta na kami dun. "

Pagkatapos sabihin yun ni Patrick, umalis na si Marie at bumalik sa pwesto niya. Tumayo na si Patrick dala ang gitara niya. Hinila niya na ako sa braso pero hindi pa ako tumatayo. Kaya naman, napatigil ri  siya at malamang, nagtaka.

" Cass, bakit? A-anong problema? " tanong sakin ni Patrick.

Nanginginig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Ganitong ganito ako nung bata pa ako. Dati naman kasi, when I was like five to six years old, hindi ako sanay na magperform sa stage. Honestly, may stage fright ako back then. Nung nag grade six lang ako, tsaka ko naovercome yung fear ko sa pagpeperform at naembrace ko naman yun ng bonggang bongga. Pero bakit nag-iba yata ang aura ko ngayon? Ano? Bumalik na naman ba stage fright ko?

Opposites In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon