Chapter 9❤

9 0 0
                                    

Chapter 9- Council Duties

[ CASSANDRA ]

It's Friday. Inexcuse muna kami ng magaling naming principal para mag-duty sa Student Council Room, may aasikasuhin kasi kaming student records, school programmes, at kung ano-anong schedules na kailangang i-organize.

Right now, we are having a meeting. I am with Vans, the president. Kasama rin namin ang secretary na si Liz, auditor na si Quen, at project manager na si Dexter. Nandito rin si Diossa which is our treasurer. Sa school namin, may ineelect na President Assistant and Vice President Assistant. Si Adrian yung assistant ni Vans then si Marie ang assistant ko.

" Vans, I think we need to double check the student records as well as every student's formal requirements. Especially yung mga new students dito sa school natin. Kailangan nating maasikaso ang mga iyon ng maaga para maremind natin ang ibang estudyante to complete their requirements before the year goes in half. " I said, habang binubuklat ang makakapal na folders.

Si Marie, ang assistant ko naman, panay ang sulat or should I say, sila ang may tungkulin na inote ang lahat ng sasabihin ng boss nila. Parang sila yung may tungkulin na gumawa ng kung ano mang iuutos namin lalo na kapag busy kami. Tumutulong rin sila sa pag-oorganize ng mga files if kapos kami sa oras para ayusin yun, pati na rin sa pagsche-schedule ng events or celebrations ng school.

" Yeah, take note of that, Marie and Adrian. Atsaka nga pala, may isa pa tayong kailangang unahin. Kinausap ako ng principal natin kanina, sabi niya, we need to organize a seminar or meeting for every club. Kailangan nating sabihan ang mga heads and presidents ng clubs to get ready for their platform and plans for their clubs. We need to get an update sa mga presidents ng mga clubs na yun as soon as possible para makapagmeeting na sila at maisaayos na ang kagustuhan ng principal natin. " Vans said habang nakacross-arms at nakatayo.

Woo. Under pressur kami kay Principal.

" Mr. Pres, remind ko lang po kayo na bukod sa mga kailangang i-organize, mat dagdag na trabaho pa po tayo. Tayo pa rin po ang in-charge para i-renovate ang mga comfort rooms ng bawat buildings, and sa meeting po natin last week, naka-schedule po yun by Saturday. Wednesday na po ngayon but we did not call any professional to help us with this project. Kailangan na po ni Principal ng update, malalagot po tayo kapag wala tayong napakitang progress bukas sa meeting natin with him. " paalala pa ng secretary naming si Liz habang tinitingnan ang Notebook niya na naglalaman ng bawat schedules for this month.

Shez. Ang dami naming gagawin, kailangang asikasuhin ang formal requirements ng lahat ng estudyante, hindi lang yun ganon ka simple. Syempre, we need to sort it one by one. Kailanganh maibukod ang file ng students na complete sa incompletes, at thousands ang estudyante rito. Maybe in one day? Hindi pa namin kaya, kahit lahat kami ay gagawa nito. Pagkatapos yung seminars ng bawat clubs, kailangan pa ng approval ng bawat heads kung kelan sila lahat free. Pagkatapos yung renovations pa. Hayst. Bakit ba hindi kami tinutulungan ng principal namin?!

Puro lang siya utos,utos,utos. Pero wala naman siyang ginagawa. Hindi porque may SC sa school na to, kami nalang ang gagawa ng lahat.

" Ms. Vice President, ayoko na pong dumagdag sa nakakarinding schedules natin pero kailangan po kasing mabigyan kayo ng update tungkol dito. Wala pa pong progress about sa pinagpaplanuhan nating Concert For A Cause. Kulang po kasi tayo sa funds. Hindi naman po pe-pwedeng sa solicitation lang lahat idaan, wala pong binibigay na pondo ang school para maisagawa ang concert na ito. Kung hindi naman po ito maisasagawa, baka wala rin tayong maipagpagawa ng comfort rooms dahil sa kakulangan sa pera. " dagdag pa ni Diossa.

JUSKO! AYOKO NAAAA! Andaming kailangang gawin. Hindi naman kami tinutulungan ng magaling naming principal. Hindi naman namin magawang magreklamo dahil baka kami ang malintikan, o mapatalsik sa school na to.

Opposites In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon