01

246 9 0
                                    

NOTE: Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All characters appearing in this work are a work of fiction.

Contain content of an adult nature. If you are easily offended or are under the age of 18, please exit now. The posts and pages within are intended for adults only and may include scenes of sexual content, suggestive pictures, or graphic violence. Reader discretion is advised.

Chapters are still un edited. You would encounter errors of spellings and grammar along the way. Please  bear with me.

Slow-burn po 'toh, be patient and trust me with this. 🫶

Enjoy reading:)

_________________________________________________________________

Ivy

"Ma, please lang! Ayoko nga mag transfer!" Piyok kong sigaw.

"Anak, gusto ng father in law mo na same school kayo ng asawa mo." Lambing na sabi ni mama.

Bakit ba kasi ako pinakasal sa lalaking wala namang pake sa'kin! Ni hindi ko pa nga siya nakita man lang! We just signed papers dahil ayaw daw pumunta nung groom, salbahes! Napilitan lang talaga ako na magpakasal dahil may utang daw si papa sa father in law ko. Ako ang ginawang pambayad sa utang?!

Tapos ngayon, mapipilitan nanamang mag transfer ng school para same school  daw kami ng asawa ko! Jusko ano ba 'toh!

"Besides, hindi naman basta-basta lang ang paaralang itratransfer mo. Estrenella high academy, isa sa pinaka sikat na academy dito sa pilipinas." Pag kumbinsi niya pa sa'kin.

Sabagay din naman..Estrenella high is my dream school since I was young. Wala namang mawawala kung dito ako mag tatransfer diba? Malaki ang advantage mo kapag graduate ka sa E.H.A, maraming kukuha sayo  at hindi ka mahihirapan sa paghanap ng trabaho.





***

"Gago, ang laki.." Nakatingala kong saad nang nakarating na ako sa  entrance ng E.H.A. Ang laki ng gate!

Na-estatwa lang akong nakatayo sa harapan ng gate. Pinagmasdan ko pa ito ng mabuti. Hindi talaga ako makapaniwala! The gate was as tall as the mountains! May nakalagay pa'ng pangalan ng academy sa gitna ng gate.

"Watch where you're going!" Malditang sigaw sa'kin ng babae matapos niya akong binangga. Oo, siya ang bumangga.

"Hoy, babae! Ikaw kaya ang bumangga sa'kin!" Pinagkrus ko ang dalawa kong kamay sa harapan ng dibdib ko. Hindi naman kasi ako 'yung nakabangga!

"You were blocking the way, you bitch!" Biglang nanlaki ang mga mata ng babae. Ang creepy!

"Sa laki ng mata mo hindi mo pa talaga nakitang ang laki ng space sa giliran!" Dito pa talaga dumaan sa gitna, e merong space sa gilid!

"W-What did you just say?! H-Hindi kaya malaki ang mga mata ko!" Utal niyang sigaw pabalik.

"Gaslightin mo pa ang sarili mo, teh!" Mas nilakasan ko pa ang sigaw ko.

Ang dami ng students ang nakapaligid sa'min. Nag-vivideo pa 'yung iba. Wala na akong pake, nabwebwesit na ako sa babaeng 'toh.

Magsasalita pa sana siya kaso bigla nalang nag ring ang bell. Nang nagring 'yung bell, agad na nagsitakbuhan ang mga estudyante papasok sa gate ng academy. Nataranta pa 'yung iba, binabangga na nila ako sa pagtataranta nilang makapasok. Bakit ba sila natataranta? Ay, ano pa ba? Ayaw nilang mamiss 'yung first period!

The unwanted wife.Where stories live. Discover now