"Ano ba ang MAF?" Tanong ko.
Lumingon kaagad si Via at Khiel sa direksyon ko. Puno ng tinapay ang bibig ni Khiel at ngumunguya pa si Via. Parehas kaming tatlo na nakaupo dito sa isang round table sa canteen.
"Hello? Wala ba'ng sasagot?" Kumaway ako sa kanila at nag aantay ng sagot. Parehas lang kasi silang naka tingin sa'kin na parang hindi makapaniwala na itinanong ko iyon.
"Ivy," Tawag ni Khiel.
"Ano?"
"Nag-enroll kaba dito sa Estrenella dahil trip mo lang?" Sarkastong tanong niya.
"Huh?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko!
"What he means is that—did you enroll here as a joke? Ivy, ba't parang wala kang alam sa Estrenella High?" Napakunot din ang noo ni Via. Nakatitig siya sa'kin na parang naguguluhan.
"Kaya nga," Tumango si Khiel. "scholar ka pa naman dito. Imposibleng hindi mo alam ang profession ng mga MAFS." Rinig ko siyang tumawa nang mahina atsaka nagpatuloy ulit sa pag kain ng tinapay niya.
"Teka, ang layo naman ng sagot niyo sa tanong ko mga beh! Stress lang kasi ako kaya nakalimutan ko. Sabihin niyo nalang kasi kung ano 'yung mga MAFS dito." Reklamo ko. Napakamot pa ako sa ulo.
Kung 'yung mga PS ay 'yung mga professionals, 'yung mga BS naman ay ang mga businessmen/woman. At ang mga DES naman ay ang mga scholar, ano ang mga MAFS?
"MAFS," Biglang pagsisimula ni Via. "just....don't mess with them."
"Bakit?" Kinakain nanaman ako ng kurusidad ko.
Huminga nang malalim si Via bago magsalita.
"Because-"
Nagulat kaming lahat sa isang kalabog. Automatiko kaming napalingon sa gilid. Tumahimik ang mga tao at napatingin na din kung 'san nanggaling 'yung kalabog na iyon.
Nagulat nanaman ako nang nakita ko si Cal na basang-basa 'yung polo niyang puti. May lalaki sa harapan niya na may dalang food tray. The guy infront of him trembled with fear.
"C-Cal, I'm sorry bro." Tumawa 'yung lalaki na nasa harap niya. Pero halatang ninenerbyos ito.
Nakita ko si Khiel at Via na nagpalitan ng tingin. Parang alam na nila ang mangyayare kapag magiging gulo ito. Everyone was staring at Cal and the guy. The crowd was dead silent. Wala akong marinig kung hindi 'yung nerbyosong tawa lang ng lalaking nasa harapan ni Cal.
Walang reaksyon ang ibinigay ni Cal. He just looked down at his polo and grabbed something from his pocket trousers. May kinuha siyang isang handkerchief sa bulsa niya at pinunasan ang basa sa dibdib ng polo niya. Napaisip ako na baka aksidenteng natapunan si Cal ng tubig.
"C-Cal, hindi ko sinadya, bro!" Tinapik ng lalaki ang balikat ni Cal. Close ba sila?
"Go," Biglang sabi ni Cal na hindi tumitingin sa lalaki. Mahina ang pagkasabi niya pero mabigat ito.
"H-Ha?" Napahinto ang lalaki sa harapan niya at naguguluhan sa sinabi ni Cal.
"I said go." His eyes shot a deadly glare. Isang titig lang ni Cal at agad na nag iba ang ekspresyon ang mukha bg lalaki.
Nagmamadaling umalis ang lalaki sa harapan niya at lumayo na kay Cal. Nakatingin pa rin ako kay Cal na nagpupunas pa rin ng polo niya. Hindi ko na namalayan na palapit na pala dito sa direksyon namin ang lalaki na nakatapon ng tubig kay Cal.
"That fucking moron, ang feelingero naman ng Cal na 'yon."
Hindi ako makapaniwala na narinig ko iyon sa lalaking nakaharap ni Cal kanina. Lumingon ako sa lalaki na nasa harapan ko. Tumigil siya sa paglalakad at huminto sa harap.
"Tingin-tingin mo dyan?" The guy gave me a dirty look.
Umiwas kaagad ako ng tingin at kumuha ng isang pirasong tinapay at kinain iyon. Ramdam kong nakatitig pa rin ang lalaki sa'kin at mukhang galit na siya. Ang bilis niya namang mairita!
"Sapakin din kita dyan, e."
Mas lalo akong yumuko sa sinabi niya.
Hindi ko nalang siya pinansin. Nakaharap pa rin siya sa'kin habang ako naman ay nakaupo at iniiwasan ang tingin niya. I acted like I heard nothing.
"Hoy," Tinapik niya ang braso ko.
Napakurap ako sa kaba. Mas lumakas ang tibok ng puso ko. Sana pala hindi ko na siya tinitigan kanina...
"Bingi ka ba?" Iritang tumawa 'yung lalaki at mas humakbang palapit sa'kin.
He reached out for my hair. Sinuklay niya ito gamit ang mga daliri niya. I was getting uncomfortable. I could hear his creepy giggles while he was patting my head gently, but still, it creeps me out.
"Get your hands off of her, you weirdo!" Biglang napatayo si Via sa kinauupuan niya at sinigawan ang lalaking naglalaro sa buhok ko.
Wala akong masabi. Napatahimik ako at hindi alam ang gagawin. I couldn't move, nor talk.
"What? You're defending a low-class DES?" Muling tumawa ang lalaki. He just couldn't get enough with touching my hair. He brushed it away from my ears, and it exposed my bare neck. Napasinghap ako nang hinawakan niya ang kwintas ko at tinignan niya iyon ng mabuti.
"DES ka nga talaga," He giggled like a maniac. Tumawa siya nang tumawa.
Malapit nang mapuno ng luha ang mga mata ko. I brushed my pinky on my thumb so aggressively when she brushed his finger on my cheeks.
"Such a pretty face-"
I heard a loud growl from him. Pagtingin ko, wala na siya don. Nagulat ako, gulat na gulat nang nakita ko si Cal sa tabi ko. One hand on his pocket. Tumingin ako sa sahig, the guy from earlier is now lying on the ground. He was thrown on the ground in just a blink of an eye. Anong nangyare?
"You just couldn't fuck off, couldn't you?" I heard an intimidating whisper from Cal who is now looking down at the crawling guy.
Hindi ko alam kung humihinga paba ako o ano. Ang alam ko lang....ay isinipa ni Cal yung lalake kaya't nahulog ito sa sahig. And I know damn well that Cal is now on the verge of killing someone. He broked one rule here in the campus.
"C-Cal," Tinigilan ko siya sa pag hawak ng kamay niya. Tinignan ko rin siya sa kaniyang mga mata. Then his eyes, his golden-brown eyes, met mine. I shook my head slowly to tell him to not go further with what he's going to do.
Mukhang nakuha niya ang ipinaparating ko sa kaniya. Tinignan niya muli ang lalaki na nasa sahig. He shot the guy with a glare. Lumingon naman ulit siya sa mga mata ko. Napatingin siya sa'kin nang ilang minuto. I couldn't stare, so I blinked and looked at his lips instead.
"Umuwi kang mag-isa mamaya." Said by him.
YOU ARE READING
The unwanted wife.
RomanceEstenella high academy is where the ruthless and wealthy belong. Madalas na nabubully si Ivy nang nag transfer siya dito as a scholar. Ilang araw palang siya sa paaralan at madami na siyang kaaway dito, dahil nga daw ay mahirap siya. Laking pagkakam...