KINABUKASAN, pumasok ako ng school na parang wala lang nangyare. Pinag titignan na ako ng mga estudyante sa hallway. Paniguradong kilala na ako ng buong academy dahil sa video na 'yon.
"Omg, Ivy!" Daling daling lumapit sa akin si Via at ipinakita sa akin ang screen ng cellphone niya. "Look! And dami ng posts about you! Look here, Ivyrson Elsher, the war freak of Estrenella Academy." Basa niya.
Napapikit ako sa hiya. Sumakit nanaman ang ulo ko!
"Hayaan mo na nga 'yan! Bwiset kasi 'yong Stacey na 'yun. Nakaka-walang gana pumasok!" Reklamo ko.
Bumuntong hininga si Via bago nagsalita "Si Gio-"
"Argh!"
Tumalon kami ni Via sa gulat nang biglang lumabas si Stacey sa PS room at mukhang galit na galit ito.
"Nyare dun?" Tanong ko habang nakatingin kay Stacey na naglalakad palapit sa'min.
Palapit siya nang palapit sa'min. Pero teka, ba't parang sa palapit siya sa dereksyon ko at nakatingin lang siya sa'kin?
Aray!
Napanganga ako nang sinampal ako ni Stacey sa mukha. Nag halo ang galit, lito, at stress na nararamdaman ko ngayon.
"You bitch!" She growled.
"Aba putangina mo, ah!" Hinawakan ako ni Via sa kamay at pinipigilan ako.
"You were the one who stole my phone, didn't you!" Nagring ang tenga ko sa sigaw niya.
"Aba'y nangbibintang ka pa talaga!" Mas lumapit pa ako sa kaniya.
"Give me my fucking phone!" Sumigaw siya ng napakalakas kaya't suki naman kami ng mga manonood ngayon.
"Hindi ko nga kinuha!" Sinigawan ko siya pabalik.
Parehas na kaming nag iinitan ng ulo ng bruhang 'toh. Bigla niyang sinabunutan ang buhok ko kaya't napasigaw ako sa sakit.
"Aray! Ano ba!" Sigaw ko.
"Give me back my phone! You thief! Hindi talaga ako nagkamali sayo! Alam kong DES ka! At siguradong ibinenta mo na ang phone ko!" Lumakas ang hatak niya sa buhok ko kaya't napasigaw nanaman ako at napapikit sa sakit.
"Hindi ko nga kinuha!" Sinabunutan ko din ang buhok niya ng malakas at todong-todo.
Nakapikit akong nakahawak sa buhok niya. Nakayuko ako ng konte dahil hawak niya pa rin ang buhok ko. Nakaramdam nalang ako ng malaking kamay sa'king bewang at hinatak ako palayo kay Stacey. Agad din namang bumitaw si Stacey kaya't tuluyan akong nahatak.
Kahit na nakapikit pa ako, alam ko sa sarili na si Khiel iyong humatak sa'kin dahil masyadong malaki ang kamay ng humawak sa'king bewang kaya't imposible na si Via iyon.
When he successfully broke our fight at nailayo na kami ni Stacey ay saka lang ako napadilat at napakurap. Bumitaw na din si Khiel sa bewang ko pagkatapos kaming ipaghiwalay. Pagdilat ko, galit akong tumingin kay Stacey. But there's something off..
I was expecting her to look at me mad but I was wrong. Nakatingin siya sa tabi ko at halata ang takot sa mukha niya. Ba't siya takot?
Lumingon ako sa giliran ko at may nakitang hindi kapaniwala.
Ba't nandito siya?!
"Cal," Hindi makapaniwala kong sabi habang nakatingin kay Cal na nasa tabi ko lang. Siya ba ang humatak sa'kin?
Naka-uniporme siya at medyo maluwag ang kaniyang necktie. Ang pang una niyang butones ay hindi rin naka button.
And he looked mad. Like mad-mad.
YOU ARE READING
The unwanted wife.
RomanceEstenella high academy is where the ruthless and wealthy belong. Madalas na nabubully si Ivy nang nag transfer siya dito as a scholar. Ilang araw palang siya sa paaralan at madami na siyang kaaway dito, dahil nga daw ay mahirap siya. Laking pagkakam...