06

78 6 2
                                    

I WAS still wondering kung ano ang sinabi ni Cal kay Gio kahapon. Mukha kasing takot na tuta si Gio nang may ibinulong si Cal sa kaniya.

"I'm genuinely scared for Gio," Bigkas ni Via habang kinakain ang lunch niya.

"Ano kayang gagawin ni Cal kay Gio, 'noh?" Ani Khiel.

Nakiki-join na din si Khiel sa friendship namin ni Via. Mas close pa ata sila kaysa sa'min.

"Bakit pala?" Tanong ko sa kanila. Nacurious tuloy ako kung ano ba talagang meron kay Cal. Curious why everyone was intimidated by Cal.

"Hindi mo alam? Nakakatakot kaya 'yang si Callisto." Sabi ni Khiel habang nakatingin sa'kin.

Nakakatakot? Nubayan! Nakikigangster din 'yong Cal na 'yon? Baduy!

"Isa ba siya sa mga siga dito sa academy, ha? Nanununtok ba 'yon?" Patawa kong sabi. Ang baduy kasi kapag may mga feeling gangster sa school, e! Pang old school na 'yan. Akala mo naman kung sino.

"He doesn't use violence to settle, he does so much more than that." Nagdala ng kilabot sa'kin ang sinabi ni Via. My smile disappeared in a flash.

"Oo, totoo! Nung sinuntok siya sa mukha ni Adrian noon, hindi siya nag-imik. Pero wala nang bahay na mauwian si Adrian dahil nasunog! Lahat kasi ng nakakaaway ni Cal ay nauwi sa sunog na bahay, sirang kotse, o tanggal sa trabaho ang magulang." Sunod-sunod na sabi ni Khiel.

Napalunok ako sa mga sinabi nila. Baka coincidence lang?

"Hindi naman siguro kaya ni Cal na gawin ang mga 'yan" I awkwardly laugh.

"We never know how far he would go, Ivy. If you think he's evil, you're wrong." Ani Via na nakapagkunot ng noo ko. "He's so much more than that."

Anong klaseng lalaki ba 'tong pinakasalan ko. Hindi kaya ako mag-regret sa desisyon kong pumayag na maging asawa niya?

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa canteen table. Patuloy na kumakain sina Via at Khiel at sarap na sarap pa sa kinakain nila. 

Sa pagkatulala ko, natauhan nalang ako nang biglang nakaramdam ako ng pagkabasa at lamig sa likod ng uniform ko.

"Ivy!" Gulat na tumayo si Via sa kinauupuan niya.

Saka ko lang napansing basa na pala ng malamig na juice sa'king likuran. Tumayo ako at tumalikod.

"Oops," Pigil tawa ng babaeng may hawak na tumbler sa isa niyang kamay. "I didn't mean to pour my drink sa uniform mo, akala ko kasi trashbin ka!" She burst into laughter.

Anong nakakatawa?

"Umayos ka, Stacey. Ayan kana naman sa pangungulit sa mga DES." Gigil na sabi ni Khiel.

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayun, I was having mixed emotions.

"Khiel, 'wag kang makikisali, okay?" Tinulak niya pa layo si Khiel.

And Khiel was on the floor.

"Khiel!" Gulat akong lumapit sa kaniya at tinulungan siyang tumayo.

Sinamaan ko ng tingin ang babaeng tumulak sa kaniya.

"Ano ba'ng problema mo?!" My voice echoed.

"Ikaw!" Her voice was twice as loud as mine. "Ikaw ang problema ko!" 

Tinulak niya ako gamit ang dalawa niyang kamay dahilan sa pagkatumba ko.

The unwanted wife.Where stories live. Discover now