08

72 3 2
                                    

Agad na napadilat ang aking mga mata nang nakarinig ako ng napakalakas na alarm. Bumangon kaagad ako at lumingon sa gilid. Nakita ko si Cal na nakatayo sa gilid ng bed at naka hawak ng alarm clock.

"Bwiset ka!" Napamura ako sa galit. "Gisingin mo ako ng maayos! Hindi 'yung ginagamitan mo pa ako ng alarm clock!"

"Good morning," Walang emosyon niyang bati sabay pagpatay sa alarm clock na hawak niya.

"Ano?! Umaga na?!" My eyes widened with shock.

Huminga ako ng malalim at pilit na inaalala ang nangyare kahapon at pano ako nakatulog dito sa private room ni Cal at nagising ng umaga.

Una, may nakita akong cellphone sa ilalim ng unan at ang lockscreen ay mukha ni Stacy. Tapos, humiga muna ako sa kama at nag iisip kung bakit nandito ang cellphone ni Stacy sa kama ni Cal. Tapos....Nakatulog ako kaka-overthink! Putcha naman!

"Hoy!" Itinuro ko ang hintuturo ko sa mukha niya. "Shota mo si Stacy 'noh?"

Kaya ba inilayo niya ako sa gulo namin ni Stacy kahapon kasi ayaw nyang makitang nasasaktan ang girlfriend niya?! Aba, aba! Wala naman akong pake sa relasyon nila, ang akin lang ay bakit niya pa 'yon pinatulan, e alam na niya sa sarili niya na ikinasal na siya sa'kin?

Hindi siya nagsalita at bumuntong hininga lang siya.

"Sabi ko na nga ba, e!" Napasigaw ako. "Ano kaya ang magiging reaksyon non kapag malaman niyang ikinasal ka sa'ken.."

"Kahit ano-ano talaga ang mga pinagsasabi mo'ng babae ka." He shook his head and clicked his tongue.

"Bakit? Hindi ba ako tama?" Lumingon ulit ako sa kaniya.

"Get your ass up, umuwi ka na. Paniguradong nag-alala na si Ms. Elsher ngayon." Dinedma niya lang ang sinabi ko at tumalikod na.

"Ay hala! 'D ba umaga na? Anong oras na ba?! Baka malate na ako ngayon sa first period! Lagot!" Nagmamadali akong bumangon atsaka hinanap ang sapatos ko.

Rinig kong tumawa siya ng mahina kaya't napatigil ako sa ginagawa ko at lumingon sa kaniya.

"Uto-uto," He lets out a chuckle. "gabi pa, 6:00 pm."

Inipon ko ang hangin at inis at naghandang sigawan siya.

"Bwiset ka talaga!"

***

"Kamusta kayo ng asawa mo, Ivy?" Na eexcite na tanong ni mama.

Agad ko namang na alala ang mga nangyare kanina. Argh! Gusto ko sabihin kay mama lahat ng kabaliwan at ka walang respeto ng nag-iisang asawa ko. Pinapauwi niya akong mag-isa kahit wala nang masyado jeep at bus! Tapos ang creepy pa kase may sumusunod sa'kin na parang stalker! Wala ba'ng pakealam si Callisto na marape ang asawa niya?!

"Okay lang naman po, ma." Nagawa ko pang ngumiti kay mama kahit gusto ko nang murahin si Cal ngayon.

"Mabuti naman, anak! Sa susunod ay papuntahin mo siya ulit dito, ah?" Her smile is up to her eyes. Ang saya niya talaga. Noon pa kase gusto ni mama na magka asawa na ako. Ewan ko pero minamadali niya talaga akong mag asawa. Kaya't parang good news na sa kaniya nang nalaman niyang ikakasal ako sa anak ng business partner ni dad.

Okay sana kung maayos at gentlemen 'yong anak, kaso baduy! Wala pang pakealam sa'kin! Kala ko nga naka jackpot na ako dahil gwapo itong si Cal, kaso nagkamali pala ako! Pangit 'yung ugali.

"Ma," Malambing kong tawag kay mama na nagluluto.

"Bakit, 'nak?" She answered. Hindi niya inalis ang tingin niya sa niluluto niya.

The unwanted wife.Where stories live. Discover now