NAGLALAKAD na ako ngayon sa hallway ng academy. Bawat side ng wall ay may mga pintuang tig dalawang metrong layo ang bawat isa. Bawat pintuan ay may nakalagay na label ng grupo: BS, PS, at MAFS. Pero nagtataka ako kung bakit wala dito sa first floor ang room ng DES.
Patuloy lang akong naglalakad sa hallway nang biglang may humila sa'kin sa isang sulok. Sisigaw na sana ako pero tinakpan nang kung sinong humila sa'kin ang bibig ko. Tinignan ko kung sino 'yon at nakita 'yung lalaking naka hubad kanina.
Inilagay niya ang hintuturo niya sa kaniyang bibig at sumenyales na tumahimik ako. Pero bakit?
Nanlamig ako nang may narinig akong footsteps ng heels na naglalakad sa hallway. Nakakakilabot ang bawat hakbang ng heels niya. The sound of the heels clicking on the ground gave me shivers.
Mas hinigpitan ko ang hawak sa braso ng lalaki dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko.
Mabuti nalang at unti-unting humina ang tunog ng footsteps hanggang sa wala na ito. Ibig sabihin ay malayo na ang babae at wala na sa hallway!
"You're new here, aren't you?" Biglang nagsalita ang lalaki at pinakawalan na ang bibig ko.
"Ba't mo alam?" Mahina kong bulong.
"First, hindi mo alam kung nasan ang room mo. Second, pumasok ka sa kwarto ko. Third, you waren't wearing your necklace and lastly..." Huminga muna siya bago nagsalita ule. "...You don't know the rules here in Estrenella."
Dapat kasi binasa ko nalang 'yung book guide!
"Alam mo ba na malapit ka nang ma office ngayon?" May halong irita sa boses niya.
"Huh? Bakit? May nagawa ba akong mali?"
"If that woman caught you just casually walking in the hallway when class is starting, you're in big trouble. Know the rules here, you won't survive in the academy." His eyes gave me a warning.
Napalunok ako sa sinabi niya. Muntik na! Buti naman tinago niya ako!
"Sensya, 'd ko alam.." Pag-iwas ko pa ng tingin.
"And don't let me save your ass again." Tinuro niya ako gamit ang hintuturo niya, giving me a warning.
"Hindi na promise!" Itinaas ko pa ang palad ko.
"Make sure of that," He glared once more before turning his back at me and walk away.
Nakakatakot naman ang mga mata non, mukhang kakainin ako nang buhay.
Saan ba kasi ang room ko!
I flinched when I heard the bell ringing. Tapos na ba ang first period? Agad namang nagsilabasan ang mga estudyante galing sa room nila.
"Hi!" Rinig kong boses sa likuran ko.
Tumalikod ako at nakita 'yung babaeng maganda kanina. Buti nalang nagkita ulit kami!
***
"Ahh so break time muna ngayon?"
Nakaupo kaming dalawa ngayon sa cafeteria. Maraming students at nakaupo kami sa stool na may isang maliit na round table. Siya nga pala si Silvia, pero Via nalang daw itawag ko sa kaniya.
"Yeah, 20 minutes break only. You should eat, class will start eventually." Kumagat siya sa bread na hawak niya.
Kakagat na sana ako sa tinapay na hawak ko kaso biglang may narinig akong kalabog. Automatiko kaming napalingon ni Via sa gilid dahil nandun nanggaling ang ingay.
YOU ARE READING
The unwanted wife.
RomanceEstenella high academy is where the ruthless and wealthy belong. Madalas na nabubully si Ivy nang nag transfer siya dito as a scholar. Ilang araw palang siya sa paaralan at madami na siyang kaaway dito, dahil nga daw ay mahirap siya. Laking pagkakam...