UMUWI akong may pasa sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Panalo na sana ako kanina sa away kaso sinabunutan ako ng tatlong babae! Apat sila, isa lang ako. Wala di'ng tumulong sa'kin! Video lang sila nang video!
"Nakauwi na po ako!" Sigaw ko pagbukas ko sa pintuan ng bahay namin.
Naghiwalay ang mga labi ko nang nakita kong may lalaking nakaupo sa couch kasama si mama. Nag-uusap sila pero biglang lumingon si mama sa'kin nang nakitang nakauwi na ako.
"Anak, halika!" Tumayo si mama at lumapit sa'kin. Excited na excited pa ang pagmumukha niya.
"Mano po, ma. Sino po 'yung bisita?" Tanong ko matapos magmano. Nakatalikod kasi 'yung lalaki habang nakaupo sa sala. The couch was facing the other way kaya't likod niya lang ang nakikita ko.
"Asawa mo, anak! Nakita ka daw niya sa Estrenella, schoolmates kayo, 'd ba?" Abot mata ang ngiti ni mama.
Ay oo nga pala. Siya nga pala ang rason kung ba't napilitan akong sa Estrenella mag-aaral. Nawala siya sa isip ko at masyadong nag-enjoy sa academy. Nasobrahan sa pag-enjoy, nabugbug tuloy.
"Halika, first time meeting niyo ngayon!" Nagpigil hininga ako nang hinawakan ni mama ang pasa ko sa braso. Nasobrahan niya sa pag-pisil dahil excited. Pero hindi na ako nagreklamo, baka mag-alala si mama kung napano ako.
Nagmamadali si mama na lumapit sa lalaking naka-upo sa couch habang mahina niya akong hinihila. Naka-upo ang lalaki pero tiyak na matangkad ito. Nakasuot rin siya ng uniform sa academy. Schoolmate ko nga siya.
"Ijo, nandito na pala ang asawa mo, mag-usap muna kayo, ah." Huminto kami sa likuran ng couch. Nang narinig ng lalaki ang sabi ni mama ay agad din siyang tumayo at dahan-dahang humarap sa'min.
"Anak ng!" Nahulog ang panga ko't lumaki ang aking mga mata nang namukhaan ko ang lalaki sa harapan namin ni mama.
"Nice to see you again, Ivy."
"Oh, magkakilala pala kayo?" Humarap si mama sa'kin habang ako naman ay gulat na gulat pa. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa lalaki.
Siya 'yung lalaking nahuli kong nakaboxers lang!
"Yes po, we met already." Nakatingin din siya sa'kin. His eyes were still cold, the first time I met him.
"Mabuti naman! Sige iwan ko muna kayo."
Iniwan kami ni mama sa sala na nakatayo pa rin at titig na titig sa isa't isa. Gulat pa rin ako! What a small world!
"I told you wouldn't survive," Biglang sabi niya habang tinitignan ang katawan ko—este and mga pasa ko pala.
Inilipat ko ang mga mata ko sa'king mga pasa sa katawan at ang gusot kong uniform.
"Halata ba?" Tinignan ko ulit siya. Nag-alala ako, baka kasi mahalataan nina mama at papa.
"Hmm.." Pinagkrus niya ang kaniyang mga kamay sa dibdib at tinignan ako, ulo hanggang paa. "well you look like shit all the time so I wouldn't say it's obvious."
"Grabe ka naman! Hindi kaya gusot ang uniform ko kapag pumapasok!" Tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Cal," Bigla niyang inabot sa'kin ang kamay niya.
Matagal kong tinignan ang kamay niya bago ko ulit siya tinignan.
"Ivy," Maingat kong hinawakan ang mainit-init niyang kamay tsaka ako nakipag-kamay dito.
Ewan ko ba kung tama ba 'yung nakita ko pero...I saw him smile a little.
CAL'S POV:

YOU ARE READING
The unwanted wife.
RomanceEstenella high academy is where the ruthless and wealthy belong. Madalas na nabubully si Ivy nang nag transfer siya dito as a scholar. Ilang araw palang siya sa paaralan at madami na siyang kaaway dito, dahil nga daw ay mahirap siya. Laking pagkakam...