𝗗𝗜𝗦𝗖𝗟𝗔𝗜𝗠𝗘𝗥 ➪ 𝙏𝙝𝙞𝙨 𝙞𝙨 𝙖 𝙬𝙤𝙧𝙠 𝙤𝙛 𝙛𝙞𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙉𝘼𝙈𝙀𝙎, 𝘾𝙃𝘼𝙍𝘼𝘾𝙏𝙀𝙍𝙎, 𝙋𝙇𝘼𝘾𝙀𝙎, 𝘼𝙉𝘿 𝙄𝙉𝘾𝙄𝘿𝙀𝙉𝙏𝙎 𝘼𝙍𝙀 𝘼𝙇𝙇 𝙈𝘼𝘿𝙀 𝙁𝙍𝙊𝙈 𝙈𝙔 𝙄𝙈𝘼𝙂𝙄𝙉𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉.𝗚𝗥𝗔𝗠𝗠𝗔𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗘𝗥𝗥𝗢𝗥 ⚠️
𝗧𝗬𝗣𝗢𝗚𝗥𝗔𝗣𝗛𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗘𝗥𝗥𝗢𝗥 ⚠️Nag mamadali ako papunta sa sakayan ng bus habang hinahanap yung wallet ko sa bag.
"Nasan naba kasi yon?" Tanong ko sa sarili ko at ng mahanap ko na ay kinuha ko na ito at tumakbo ng mabilis ng...
"Ouch fvck!"
"Aray!" Daing ko.
Pareho kaming natumba ng lalaki. Hindi ako masyadong nasaktan dahil nadaganan ko sya.
O.O
Agad akong tumayo at pinag pagan ang sarili ko.
"Omg sorry po!" Yun na lamang ang nasabi ko at tumakbo ulit dahil late na late na ako.
Muntikan na akong hindi maka sakay ng bus dahil sa nangyari. Nag lagay ako ng earphone at nag patugtog na lamang dahil malayo-layo pa ang b-byahiin.
NAKARATING na ako sa pinag t-trabahuan ko at muntikan na nga akong malate, limang minuto na lamang ay late na ako.
"Good morning ma'am!" Bati 'ko sa aking amo.
"Good morning yuni, sumaglit lang ako dito sa opisina dahil pupunta kami sa states ng Sir mo nag ka problema kasi sa branch natin. Kaya kung papayag ka ay sa bahay ka muna" sabi nito.
"Po? Sa bahay niyo? Bakit naman po?" Tanong ko dito.
"Pansamantala kasing isasara muna itong kumpanya yuni, ayoko namang mawalan ka ng trabaho" sagot nito. Tumango-tango naman ako. Wala nga naman na akong mapapasukan na trabaho kung hindi ito lang at ang swerte ko pa sa amo ko.
Isa nga pala akong secretary ng isang kumpanya na ngayon na nga'y mag sasara pansamantala.
"Bakit naman po mag sasara? Kung pwede naman pong yung anak nyo muna ang mag asikaso ma'am" sabi ko dito. Sayang din kasi at may mga employees din na nag t-trabaho.
"Tapos po ma'am pa'no po yung iba? May mga trabaho din naman po sila" dagdag ko pa.
"About diyan yuni nakausap ko sila nung isang araw ang iba ay mag babakasyon, yung iba may mga part time job. Ikaw na lamang ang iniisip ko dahil wala na akong problema sa kanila. Kung papayag ka nga na kung sa bahay ka muna mag trabaho para na rin may kasamahan ang anak ko doon" paliwanag nito.
"Po? Hindi po kasama yung anak niyo?" Tanong ko dito.
Mahigit tatlong taon na akong nag t-trabaho dito sa kumpanyang ito at hindi ko parin nakikita ang anak nina Ma'am wena.
"Oo yuni, ayaw sumama tsk matigas talaga ang ulo ng isang yon" sagot nito. Tumango naman ako.
"Sige po ma'am ahh mag lilinis lang po ba ako ng bahay?" Tanong ko dito.
"Bukod don yuni, aalagaan mo rin at babantayan ang anak ko" sagot nito. Huh babysitter?!
Secretary to babysitter
"Ilang taon na po ba ang anak niyo ma'am?" Tanong 'ko dito.
Sasagot na sana ito ng may tumawag sa cellphone niya.
"Uh excuse me" sabi nito at lumayo sa akin ng konti.
Kung tatanggapin ko itong trabaho na ito kakayanin ko kaya? Oo kakayanin ko walang mahirap sa pag aalaga ng bata. Tapos mahirap rin mag hanap ng trabaho sa panahon ngayon, ayoko rin namang matengga sa apartment.
BINABASA MO ANG
Señorito's maid (COMPLETED)
RomancePansamantalang nag sara ang kumpanyang pinag t-trabuhan ni Yuni Asari Fatton. Kaya ang naging pansamantala niyang trabaho ay alagaan ang isang Kleo Zil Buenavista na anak nina Wena Cardi at Facio Buenavista. Kakayanin kaya ni yuni ang isang kleo? O...